Hiling ng mga fans ni Dennis Padilla tuluyan na raw sana silang magka-ayos ng anak niyang si Julia Barretto

Two days ago, March 8, ay merong maagang birthday greeting si Dennis para sa anak n’yang si Julia Barretto, who is celebrating her 25th birthday today. Idinaan ni Dennis sa Instagram ang pagbati na ikinatuwa ng ilang netizens, particularly ng mga IG followers ni Dennis. “Julia... happy bday anak i love you... God bless you more!!” pagbati ng aktor kay Julia kalakip ang throwback photo nila na kinunan noong high school graduation day ng dalaga.

PHOTOS: @dennisastig on Instagram

Two days ago, March 8, ay merong maagang birthday greeting si Dennis para sa anak n’yang si Julia Barretto, who is celebrating her 25th birthday today. Idinaan ni Dennis sa Instagram ang pagbati na ikinatuwa ng ilang netizens, particularly ng mga IG followers ni Dennis. “Julia... happy bday anak i love you... God bless you more!!” pagbati ng aktor kay Julia kalakip ang throwback photo nila na kinunan noong high school graduation day ng dalaga.

Halos magkakapareho ang hiling ng ilang Instagram followers ni Dennis Padilla para sa kanila ng anak n’yang si Julia Barretto, who is celebrating her 25th birthday today, March 10. At ito ay ang tuluyang pagkaka-ayos ng mag-ama.

Two days ago, March 8, ay meron kasing maagang birthday greeting si Dennis para sa anak n’yang aktres na idinaan niya sa Instagram.

“Julia... happy bday anak i love you... God bless you more!!” pagbati ng comedian-actor kay Julia kalakip ang throwback photo nila na kinunan noong high school graduation day ng dalaga. 

Maliban pa roon, may kasunod na IG photo post pa s’ya kung saan makikita si Julia na nakagayak ng pang-flower girl sa isang kasalan.

“Julia.... Time really flies... happy birthday... Love you anak God bless you more,” pahayag ni Dennis sa inilagay n’yang caption sa pangalawang post. 

Naantig naman ang mga fans ni Dennis sa gesture n’yang ito para sa kanyang anak. Dalangin nila, tuluyan na sanang magkaayos at maging malapit ang mag-ama. 

Inihalimbawa ng isang netizen ang pagkakabati ng mag-amang sina Diego Loyzaga at Cesar Montano makalipas ang pitong taon nang hindi pagkikibuan.

“Si Diego Loyzaga nakipagreconcile n s papa nya, hopefully si Julia din,” hiling ng isang fan ni Dennis. 

“Anuman daw Ang Mali ng magulang kahit Ikaw anak Ang Tama need mo p Rin Silang mahalin at respetuhin kasi andto k sa Mundo dahil s knila.. spread love no hates,” dagdag pa ng fan.

SCREENSHOT: @dennisastig on Instagram

Binanggit naman ng isa pang commenter na natuwa daw s’ya sa pagkakaayos ng relasyon ng magkapatid na sina Andre at Kobe Paras sa mommy nilang si Jackie Forster. Umaasa daw s’ya na ganu’n din ang kahahantungan nina Dennis at Julia. 

“Kaya ako hanga sa Paras brother's nkipag reconcile Sila sa mom nila. And they'll so happy na, Hope Julia realize that also,” saad ng isang fan.

SCREENSHOT: @dennisastig on Instagram

Matatandaang sinabi ni Dennis last December 2021, during the Sanggano, Sanggaago’t Sanggwapo 2 virtual media press conference, na “starting over again” ang estado ng relasyon nila ng anak n’yang si Julia matapos ang muli nilang pagkakatanpuhan dahil sa naging interview n’ya with comedian-vlogger Ogie Diaz noong June 2021. 

“Okay naman, although s’yempre, para kaming nagsisimulang muli. Galing kami sa misunderstanding. So, ngayon, nagsisimula pa lang kami ulit. One at a time...building it up again,” pagtatapat n’ya sa entertainment press. 

Kailangan lang talaga na open ang communication. Para lahat ng nararamdaman mo, nasasabi mo na kaagad, hindi na napupuno. So, ganu’n din sa side nila.

Kailangan lang ’yong communication n’yo, tuloy-tuloy para meron kayong magandang pag-uusapan, merong magandang kapupuntahan ’yong mga topics n’yo,” pagtatapos ni Dennis.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.