In an instant ay natupad daw ang hiling ng aktor at TV host na si Dingdong Dantes na madalaw s’ya ng misis n’yang si Marian Rivera at mga anak nilang sina Zia at Sixto sa set ng kanyang upcoming game show na Family Feud.
Iyan ang nai-tsika n’ya sa entertainment press kahapon, March 14, during the virtual media conference para sa nagbabalik-Kapuso na franchise game show.
Dahil nga mga pamilya ang mga kalahok sa Family Feud, natanong ng press si Dong kung minsan ba ay nabisita s’ya sa set ng kanyang family.
“Oo, nagulat ako kasi second of the last episode of the day na ’yon [na tine-tape namin] tapos biglang may naaninag ako du’n sa side ng stage. Sabi ko, ‘Totoo ba ’to?’ Nakita ko nga sila. Talagang tuwang-tuwa ako,” masayang kwento ng aktor.
Pinag-uusapan lang daw kasi nila ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young ang mga anak n’ya nang bigla na lang daw dumating sa set ang mga ito.
“Bago nu’n, tinatanong na ako ni Mikael saka ni Megan, e. ‘Kumusta ’yong mga anak mo?’ Sabi ko, ‘Ayon…sayang. Sana nanonood sila,’” pagre-recall n’ya.
Kinukulit daw kasi s’ya nina Zia at Sixto kung saan s’ya pupunta tuwing magpapaalam s’ya sa mga ito. Kaya’t marahil ay minarapat ni Marian na dalhin ang mga bata at surpresahin na rin si Daddy Dong.
“Kasi, s’yempre, gusto kong makita nila [kung saan ako nagtatrabaho] kasi pag nagpapaalam ako… ‘Sa’n ka pupunta, daddy?’ Sabi ko, ‘I have to go to work.’ ‘Where’s your work?’ Sabi ko, ‘Sa GMA.’ Hindi pa nila ma-gets kung saan ’yong GMA,” natatawang lahad ng tinaguriang Kapuso Primetime King.
“Although si Zia nadala na namin sa Sunday All Stars pero batang-bata pa s’ya nu’n. So, kahit papaano, magandang makita nila kung anong ginagawa ko na aktwal, na live. So ’yon. Siguro wala pang five minutes nu’ng nag-usap kami ni Mikael biglang dumating sila,” dagdag pa n’ya.
S’yempre, happy daw s’ya para sa bunso nilang si Sixto na na-amaze sa set ng game show.
“First time [n’ya makapasok sa set]. Kasi ano s’ya, e…two years old, magti-three pa lang. Parang practically sa bahay s’ya lumaki dahil pandemic, ’di ba? Kaya bawat puntahan n’ya ngayon parang bagong experience sa kanya,” pagbabahagi pa ni Dong.
“Medyo nagulat nga s’ya du’n sa smoke effect kasi ang lakas ng pyro. Nagulat s’ya. Hanggang pag-uwi hindi n’ya makalimutan. Sabi n’ya, ‘White smoke…there’s white smoke in dad’s work.’ Astig, manghang-mangha s’ya,” pagtatapos n’ya.
Masaya rin daw ang aktor dahil s’ya muli ang kinuhang host para sa bagong version na ito ng Family Feud after eleven years. Matatandaang naging co-host sila ni Edu Manzano, replacing Richard Gomez, sa Family Feud na ipinalabas sa GMA Network from 2008 to 2011.
Nagkaroon din ng version ang ABS-CBN hosted by Luiz Manzano na umere mula 2016 to 2017.
Mapapanood ang bagong version ng Family Feud with Dingdong Dantes simula March 21 sa GMA Network.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber