Tila napikon ang history professor na si Xiao Chua sa naging pahayag ng controversial writer-director and content creator na si Darryl Yap tungkol sa mga historians.
Sa interview kasi sa direktor ni Boy Abunda, na ipinalabas sa YouTube kagabi, August 4, natanong s’ya sa kanyang palagay sa mga historyador.
Ayon kay Direk Darryl, bawat tao ay maituturing na historian.
“Sa tingin ko lahat ng tao naman ay historian. Sa tingin ko lahat tayo may pinanghahawakan sa kasaysayan at may iba-iba tayong tingin sa kasaysayan. Hindi kayang ikulong ng libro o isang panulat ng isang historian ang sa palagay mo ay nangyari,” paliwanag n’ya.
Inihalimbawa pa n’ya dito ang diary na p’wede umanong baguhin ng may-ari kung ano man ang kanyang isinulat.
“Kahit na ang diary ng isang tao, hindi mo p’wedeng pagkatiwalaan, Tito Boy. ’Yan ang gusto kong sabihin,” pagpapatuloy n’ya.
“Kahit ang diary mo mismo ay hindi mo p’wedeng pagkatiwalaan. Sa mga oras na malungkot, sa mga oras na masaya ka, pag isinulat mo ’yan sa isang pahina, pag binalikan mo ’yon p’wede mo pang kalabanin ang sarili mo kung totoo nga ang nararamdaman mo nu’ng moments na ’yon,” pag-a-analogy pa n’ya.
Nasabi rin ng filmmaker na hindi dapat umano itinuturing na propesyon ang pagiging historyador.
“I don’t believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng impormasyon,” pahayag ni Direk Darryl.
“Pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100 percent true at walang personal interpretation, ’yon ang hindi ko matatanggap. Kasi lahat ng tao, para makasulat ka, para makapag-compile ka, meron at meron kang emotional attachment to it at ’yon ang nagiging bias mo.”
Mukhang ikinapikon ni Prof. Xiao ang statement na ito ng Maid in Malacanang director.
Sa kanyang hindi pinangalanang Facebook post kagabi, bumanat si Prof. Xiao na ipinagpapalagay ng netizens na para kay Direk Darryl.
“Being a historian SHOULD not be a profession? I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you,” matapang na pahayag n’ya.
Being a historian SHOULD not be a profession? I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you.
Posted by Xiao Chua on Thursday, August 4, 2022
Nakarating naman ito sa magpag-engage na direktor at diretsahang sinagot n’ya ito sa kanyang FB post today, August 5.
“Magandang Araw po. Ako rin po, ordinaryong tao rin. Nakarating po itong generous offer nyo sa kin, kakacheck ko lang, mukhang di ko kailangan kasi 2 pa rin naman ang middle finger ko— kung wala po kayong mapaglagyan nyan… may suggestion po ako san nyo pwedeng itusok yan—with whatever little power you have,” bira naman ni Direk Darryl.
Magandang Araw po. Ako rin po, ordinaryong tao rin. Nakarating po itong generous offer nyo sa kin, kakacheck ko lang,...
Posted by Darryl Yap on Thursday, August 4, 2022
Samantala, nag-sorry naman si Prof. Xiao sa mga nadismaya n’yang friends and supporters dahil sa kanyang naging post pero hindi n’ya daw iyon babawiin.
“I am sorry to people who support me if I disappointed you. I am sorry for the manner I said it. But I will not take it back because what was questioned was not anymore facts but our core reason for being. If you think I fought for you, thanks. But whatever the consequence, ako na lang matamaan,” paliwanag n’ya.
“Hindi ko gusto ang sinabi ko pero yun ang naramdaman ko in a certain moment. Oo mukhang gawain ng walang argumento, pero tandaan niyo, magsearch kayo sa YouTube channel ko, more than a decade na ako nagbibigay ng argumento, ano ba naman ang magalit ako ngayon? Pagod po ito,” pagtatapos nya.
I am sorry to people who support me if I disappointed you. I am sorry for the manner I said it. But I will not take it...
Posted by Xiao Chua on Thursday, August 4, 2022
Wala pang tugon dito as of this writing si Direk Darryl.
YOU MAY ALSO LIKE:
Direk Joel Lamangan sa mga baguhang sexy stars: “Dapat hindi lamang katawan ang puhunan.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber