Hitmaker This Band, makikipagsabayan sa kanilang mga OPM idols sa Playlist 2 Concert

"Sobrang honored po dahil last year nag-front act lang kami. Tumugtog kami ng one song. Ngayon masaya kami tutugtog na kami ng two songs."

PHOTO: Melo Balingit

"Sobrang honored po dahil last year nag-front act lang kami. Tumugtog kami ng one song. Ngayon masaya kami tutugtog na kami ng two songs."

Muling kabilang sa mga OPM [Original Pilipino Music] artists na magpe-perform sa upcoming concert na Playlist 2 The Best of OPM ang bandang This Band.

Ito ang indie pop band mula sa Las Pinas na binubuo nina Andrea Manzano [lead vocalist], Euwie Von Loria [guitarist], Miccael Galvan [bass guitarist], Raymart Gubat [lead guitarist], Melvin Carson [keyboardist] at John Kenneth Macaranas [drummer] na nagpasikat sa hugot song na “Kahit Ayaw Mo Na.”

"Two years na po kami," proud na sagot ng bokalistang si Andrea matapos tanungin kung gaano na katagal ang grupo.

Kwento pa ni Andrea, nagsimulang mabuo ang This Band matapos nilang mag-casual jamming.

"Actually, may iba pa silang vocalist nun e na lalaki," kwento ng lead vocalist ng grupo. "Then no'ng nag-jam ako sa kanila, doon pa lang po nag-start, na apat pa lang po kami.

"Nung in-invite po ako na mag-jam sa kanila, apat pa lang po kami no'n. Tapos nabuo 'yong Kahit Ayaw Mo Na, which is ‘yong [kanta na] nagdala sa'min din sa Viva Records. Tapos nag-add na din po kami ng keyboardist at guitarist."

Hindi rin maiwasang matanong ng press ang meaning ng name ng kanilang banda na katunog din salitang "disband" na s'ya namang nangangahulugan ng "watak-watak" o "hiwa-hiwalay."

"Ano po kasi...marami kaming pinanggalingan na banda," tugon ng guitarist ng grupo na si Euwie. "So gusto namin na mahanap 'yong sasabihin namin na 'This is it. This is the Band.'"

Katunayan, maliban sa viral song nila na Kahit Ayaw Mo Na, nakapag-perform na sila bilang front act sa Playlist 1 last year sa Araneta Colesium na dahil nga successful ay magkakaroon ng Part 2 sa April 2020.

Kabilang sa mga nag-perform noon sa Playlist 1 ang mga OPM hitmakers na sina Joey Generoso na former vocalist ng bandang Side A, Jinky Vidal na dating lead vocalist ng bandang Freestyle, Jay Durias ng pop and R&B band na South Border, Juris Fernandez na dating bokalista ng MYMP, Meds Merfil ng True Faith at ang OST [Official Sound Track] Princess na si Janine Tenoso.

"Sobrang honored po dahil last year nag-front act lang kami. Tumugtog kami ng one song. Ngayon masaya kami tutugtog na kami ng two songs," pabirong dugtong ni Euwie na ikinatawa ng lahat.

Makakasama ng bandang This Band ang mga balik Playlist concert artists na sina Joey Generoso, Jinky Vidal, Jay Durias, Meds Marfil, Janine Tenoso at ang new addition sa listahan ng performers, ang Diamond Soul Siren Nina at singer-songwriter Wency Cornejo na former vocalist ng 90's hitmaker na AfterImage.

Magaganap ang Playlist 2 The Best of OPM sa April 3 sa Smart Araneta Coliseum.

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Music gem Jay Durias signs his catalogue with Viva Music Publishing!

Janine Teñoso’s soothing voice gives life to Miracle in Cell No.7 OST, “Tag-Araw”

Janine Teñoso on working with veteran singers: “I just used to listen to them on the radio...”

Mark Bautista’s composer side, maha-highlight sa upcoming concert na “1 for 3”; Direk Pao Valenciano, mangha sa pagka-creative ni Mark

Unang gabi ng Unified Concert nina Sarah at Regine, todo pasabog!

Regine Velasquez, napaiyak sa Unified concert dahil sa pag-aalala sa anak na si Nate

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.