Hiwalayang Miley Cyrus at Liam Hemsworth, hindi daw si Kaithlynn Carter ang dahilan

Si Kaitlynn Carter ang sinasabing isa sa dahilan ng paghihiwalay nila Miley Cyrus at Liam Hemsworth. After na ma-announce ang break-up nila ni Liam, nakunan si Miley na kahalikan si Kaitlynn habang nagbabakasyon silang dalawa sa Lake Como in Italy.

PHOTOS: @mileycyrus & @kaitlynn

Si Kaitlynn Carter ang sinasabing isa sa dahilan ng paghihiwalay nila Miley Cyrus at Liam Hemsworth. After na ma-announce ang break-up nila ni Liam, nakunan si Miley na kahalikan si Kaitlynn habang nagbabakasyon silang dalawa sa Lake Como in Italy.

Ramdam ng audience sa nakaraang 2019 Video Music Awards (VMAs) ang lungkot sa pag-awit ni Miley Cyrus ng bago niyang single titled "Slide Away".

Tila tanggap na ng 26-year old singer na hindi na muling maibabalik ang pagsasama nila ng kanyang estranged husband, ang Australian actor na si Liam Hemsworth.

Nag-file na ng divorce si Liam last week sa Los Angeles citing "irreconcilable differences.”

Noong December 2018 kinasal sina Miley at Liam sa Nashville, Tennesee. Sa kanilang divorce, wala naman daw magiging problema sa hatian ng assets dahil may pinirmahan ang dalawa na pre-marital agreement. 

Sa lyrics ng "Slide Away" ni Miley, nandoon ang panghihinayang niya sa higit na sampung taong relasyon with Liam. 

Heto ang ilang words sa lyrics: “Move on, we’re not 17 / I’m not who I used to be / You said that everything changed / You’re right I’m grown now.” 

Seventeen years old si Miley noong makilala niya si Liam habang ginagawa nila ang pelikulang The Last Song in 2010.

Ang lyrics naman na: “Once upon a time it was made for us, woke up one day and it turned to dust. Baby, we were found, but now we’re lost. So it’s time to let it go.” Patungkol ito sa bahay nila ni Liam sa Malibu, California na natupok ng apoy dahil sa wildfire noong 2018.

Agaw-pansin naman sa kaliwang braso ni Miley ang pina-tatto niyang words na: “My head was feeling scared, but my heart was feeling free."

Ayon sa isang source, galing ang words mula sa song ng Pixies na "The Thing.” Ang tattoo artist na si Winter Stone ang nag-ink nito sa braso ni Miley.

Pagkatapos ng performance ni Miley, nakita itong ka-holding hands sa backstage si Kaitlynn Carter at sabay silang pupunta sa Up and Down Nightclub para sa VMAs after-party. 

Si Kaitlynn ang sinasabing isa sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Liam. After na ma-announce ang break-up nila ni Liam, nakunan si Miley na kahalikan si Kaitlynn habang nagbabakasyon silang dalawa sa Lake Como in Italy.

Ayon sa People magazine: "Miley is very close with Kaitlynn. It’s romantic, but also a friendship. They are both going through similar stuff right now and are bonding over it.”

Pinabulaanan ni Miley na naging cheater siya sa pagsasama nila ni Liam. 

“I can admit to a lot of things but I refuse to admit that my marriage ended because of cheating. Liam and I have been together for a decade. I’ve said it before and it remains true, I love Liam and always will. BUT at this point I had to make a healthy decision for myself to leave a previous life behind. I am the healthiest and happiest I have been in a long time. You can say I am a twerking, pot smoking, foul mouthed hillbilly but I am not a liar.”

May usap-usapan naman na ang pagiging lulong ni Liam sa alak at party drugs ang isa rin sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Miley.

"Everyone always thinks Miley is problematic and immature and a hardcore partier while he's this chill surfer dude, but that's actually not accurate. Liam parties with his friends and Miley thinks he should’ve grown out of that by now. What she and Liam had for a long time was very special. It’s just hard for her to think that she will never have this again with Liam. There are really so many things that she loves about him," ayon sa People.
 

YOU MAY ALSO LIKE:

Hiwalayang Miley at Liam, pansexuality ni Miley ang dahilan

Bella Thorne, mas type ang polyamorous relationships

Lili Reinhart at Cole Sprouse ng Riverdale, messy ang breakup?

Taylor Swift’s new album, Lover, breaking records left and right

Alyssa Milano, aminadong two-time aborsyonada

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.