Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana, sa isang mahiwagang text lang nga ba nagsimula?

Sa ngayon ay maingay ang bali-balitang nag-file na umano ng annulment si Carla matapos ang ilang buwan nilang hindi na pagsasama ni Tom.

Photos: @teampatdy / Facebook

Sa ngayon ay maingay ang bali-balitang nag-file na umano ng annulment si Carla matapos ang ilang buwan nilang hindi na pagsasama ni Tom.

“May nakausap ako, ito p’wedeng i-deny ni Carla [Abellana] at ni Tom [Rodriguez] at ni-research ko kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit sila nag-away,” bungad ng talent manager/vlogger na si Ogie Diaz sa pinakahuling uploaded vlog niya sa Showbiz Update YouTube Channel nila ni Mama Loi (kasama sina Ate Mrena at Dyosa Pockoh).

Ilang buwang nang pahulaan sa netizens kung ano ang tunay na dahilan ng hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil wala namang nagsasalita sa kanilang dalawa.

Maliban noong nadulas ang ama ng aktres na si Rey “PJ” Abellana na nagkaroon umano ng ka-one-night stand si Tom na pagkalipas nang dalawang araw ay binawi rin dahil hindi raw ganu’n talaga ang nangyari.

Sa ngayon ay maingay ang bali-balitang nag-file na umano ng annulment si Carla matapos ang ilang buwan nilang hindi na pagsasama ni Tom.

Ayon pa kay Ogie ay si Tom ang naging bugbog-sarado sa mga puna, banat, at masasakit na ispekulasyon ng netizens. Bukod sa isyung one-night stand, may naglutangan pang beki isyu at hindi pagkakaunawaan sa pera; habang si Carla naman ang nakakuha ng simpatiya ng karamihan.

Sa pagpapatuloy ng manager/vlogger: “Ang nakarating na tsika sa akin Loi, isang araw ay dumating na lang si Tom sa kanilang bahay na naloka siya nasa labas na lahat ang gamit niya. Oo, hinagis daw lahat ang mga gamit. Nakakaloka parang teleserye. Takang-taka raw itong si Tom kung ‘Bakit nasa labas ng bahay namin ang mga gamit ko, ang mga damit ko?’”

Walang kaanak si Tom dito sa Pilipinas kaya nga nu’ng ikinasal sila ni Carla ay saka lang nagkaroon ng pamilya at sariling bahay dito ang aktor.

Tanda namin noong bagong dating ng Pilipinas si Tom ay nanuluyan siya sa isa sa condo unit ng kilalang producer na itinuring siyang anak kaya abut-abot ang pasalamat ng aktor hanggang sa dumami ang proyekto niya at doon naman sila naging magkasintahan ni Carla na umabot ng pitong taon.

At dahil walang matuluyan ngayon dahil sa biglaang pagpapalayas ni Carla, ang aktor umano na si Sam Milby ang sumalo muna kay Tom.

“Ang dahilan pala ay may nabasa pala itong si Carla na message kay Tom na mayroong nagpi-flirt na babae at itong si babae ay hindi naman masyadong binigyan ng pansin ni Tom, pero mas binigyan ng pansin ni Carla,” patuloy na k’wento ni Ogie.

“Dahil noon pala, kabilin-bilinan ni Carla, ‘Huwag mong gagayahin ang daddy ko!’  Siguro may trauma itong si Carla na ’yung daddy niya ay naging playboy noong araw—si Rey ‘PJ’ Abellana—kaya ayaw niyang mangyari iyon sa kanyang asawa.”

Ang pinagtataka lang umano ng source ni Ogie ay ang hindi muna pag-beripika ni Carla sa kanyang hinala at naging mabilis ang desisyon nitong makipaghiwalay na.

“Pero nagtataka itong mga kaibigan ni Tom kung bakit hindi pa naman sure at bintang pa lamang ito at feeling palang ito ni Carla, e, bakit tinapos kaagad ang relasyon.

“Imaginin mo raw pitong taon silang naging boyfriend/girlfriend tapos last October 2021 lang ikinasal aba inisplitan mo na kaagad?  Hiniwalayan daw agad? 

“E, di naloka ang mga friends ni Tom?  Parang ganu’n na lang ba magtapon ng relasyon si Carla?  ‘Yung ibang relasyon nahuli nang nambabae na, nagka-anak na sa ibang babae pero hindi pa rin inisplitan! Ito raw ginib-ap ni Carla just like that ’yung relasyon nila ni Tom na napakatagal.”

At dahil walang pamilya o kaanak si Bartolome Alberto Mott, tunay na pangalan ni Tom, ay nasa Amerika ito ngayon at nakikipanuluyan sa mga kaibigan doon.

Naibahagi rin ni Ogie na mas ginusto nitong sa Amerika muna mamalagi dahil may matutuluyan siyang puwede siyang kupkupin pansamantala habang wala pa siyang trabaho o raket dahil kung sa Pilipinas ay wala raw itong matitirhan.

“Walang pera si Tom, alam naman daw ni Carla na walang kapera-pera si Tom.  [Sa kasalukuyan ay] naghahagilap ng raket si Tom pero may mga umaawat daw dahil nakiusap ang kampo ni Carla. Parang pinapatay ang career ni Tom,” tsika pa ni Ogie.

Nabanggit pa na wala ng career na babalikan sa Pilipinas si Tom kaya mananatili muna ito sa Amerika at umaasang makakasama siya sa shows ng mga Pinoys doon.

Marahil, ito ang pinanggagalingan ni Tom kung bakit pinasinungalingan niya ang comment ng isang netizen na nagsabing mahal pa rin siya ni Carla.

Bukas ang Pikapika sa panig nina Carla at Tom.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Cryptic na babala ni Tom sa isang netizen na umusig sa kanya kung bakit niya sinaktan si Carla Abellana: “Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”

Lolit Solis, nahihiwagaan sa kinahinatnan ng relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez: “Nakaka-curious kung ano ang naging discovery nila sa isa't isa.”

Tom Rodriguez at Carla Abellana, malabo na raw magkabalikan?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.