Hollywood and fans around the globe mourn the death of 90's heartthrob Luke Perry

PHOTOS: @lukeperrydaily & lukeperry.fanpage

PHOTOS: @lukeperrydaily & lukeperry.fanpage

Maraming fans sa buong mundo ang hindi makapaniwala sa biglang pagpanaw ng ‘90s heartthrob na si Luke Perry noong March 4 sa isang ospital sa California.

The 52-year old actor na sumikat dahil sa hit 1990 US series na Beverly Hills 90210 at kasalukuyang nasa Netflix series na Riverdale ay hindi na naka-recover sa nangyari sa kanyang massive heart attack noong nakaraang February 27. 

Sa kanyang tahanan sa Sherman Oaks, California inatake si Perry at agad siyang dinala ng paramedics sa ospital pero he never regained consciousness.

Perry was under observation for 5 days hanggang bumigay na ang katawan nito on March 4.

“Actor Luke Perry, 52, passed away today after suffering a massive stroke. He was surrounded by his children Jack and Sophie, fiancé Wendy Madison Bauer, ex-wife Minnie Sharp, mother Ann Bennett, step-father Steve Bennett, brother Tom Perry, sister Amy Coder, and other close family and friends. The family appreciates the outpouring of support and prayers that have been extended to Luke from around the world, and respectfully request privacy in this time of great mourning. No further details will be released at this time,” ayon pa sa statement ng publicist ng late actor.

Sa mga millennials na nakilala lang si Luke Perry bilang si Fred Andrews sa Riverdale, the actor became one of the hottest TV icons during the ‘90s dahil sa role niya as Dylan McKay, a high school student with a drinking problem, sa series na Beverly Hills 90210.

Tumakbo ang show from 1990 to 2000.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ⏩I♥Luke Perry⏪ The🆒guy ever! (@lukeperry.fanpage) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ⏩I♥Luke Perry⏪ The🆒guy ever! (@lukeperry.fanpage) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ⏩I♥Luke Perry⏪ The🆒guy ever! (@lukeperry.fanpage) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ⏩I♥Luke Perry⏪ The🆒guy ever! (@lukeperry.fanpage) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ⏩I♥Luke Perry⏪ The🆒guy ever! (@lukeperry.fanpage) on

 

Kasabay na sumikat ni Perry sa show ay sina Jason Priestley, Shannon Doherty, Jennie Garth, Tori Spelling, Brian Austin Green, Ian Ziering, Gabrielle Carteris, Tiffany Thiessen, Lindsay Price, Jamie Walters and Hilary Swank.

Huling napanood si Perry sa Netflix series na Riverdale kunsaan gumaganap siya bilang si Fred Andrews, ama ng bidang si Archie Andrews played by KJ Apa. 

Nasa 3rd season na ang Riverdale pero dahil sa nangyari kay Perry, temporarily suspended ang production. 

Pinanganak bilang Coy Luther Perry III si Luke Perry sa Mansfield, Ohio. He moved to Los Angeles after graduating high school to pursue an acting career.

Nagtrabaho si Perry sa isang asphalt paving company at doorknob factory habang naghihintay ng big break niya.

Bago siya sumikat sa Beverly Hills 90210, dumaan siya sa higit na 256 auditions at una siyang lumabas sa soap opera na Loving for one episode at sumunod sa series na Another World for 10 episodes.

Ang ibang credited works ni Perry ay ang pag-guest niya sa show na Will & Grace, Criminal Minds, Law & Order: Special Victims Unit, The Simpsons, Jeremiah, Windfall and Spin City. 

Sa big screen, lumabas siya sa original film version ng Buffy the Vampire Slayer, 8 Seconds, Terminal Bliss, Storm and The Fifth Element. 

In lieu of flowers, the Perry family ask that donations be made to Fight Colorectal Cancer and St. Jude’s Children’s Hospital.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ⏩I♥Luke Perry⏪ The🆒guy ever! (@lukeperry.fanpage) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ⏩I♥Luke Perry⏪ The🆒guy ever! (@lukeperry.fanpage) on

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.