"I would never think that I will be bullied at the age of 63!”—Edu Manzano on the disqualification case filed against him

(Right Photo) Edu with his lawyer, former COMELEC Chairman, Atty. Sixto Brillantes.

PHOTOS: Allan Diones

(Right Photo) Edu with his lawyer, former COMELEC Chairman, Atty. Sixto Brillantes.

“I am not disqualified. Kandidato pa rin ako.”

Ito ang mariing deklara ng batikang actor-TV host at San Juan congressional bet na si Edu Manzano kaninang tanghali nang humarap siya sa press.

“My name is still in the ballot and I can be voted on and votes in my favor will be counted,” dagdag pang pahayag ni Edu.

Kasama ang kanyang abogado na si dating Comelec Chairman Atty. Sixto Brillantes, nilinaw ni Edu ang lumabas sa media nu’ng Lunes, May 6, na diumano ay disqualified na siya sa congressional race sa San Juan.

Ang isyu ng pagiging American citizen umano ni Edu ang ikinaso sa kanya ng 2nd division ng Comelec, na ayon sa kampo ni Edu ay hindi final at hindi executory.

Nilinaw ni Atty. Brillantes na hindi totoong disqualified ang aktor dahil hindi pa final ang desisyon na ‘yon.

At dahil sa darating na Lunes, May 13, na ang eleksyon, hindi raw talaga ‘yon maaaring maging final kaya legitimate candidate pa rin si Edu. Publicity lang aniya ito para i-mislead ang publiko.

Kung hindi bukas ay sa Biyernes nakatakdang magpa-file ng motion for reconsideration ang actor-TV host, sabi pa ni Atty. Brillantes.

Ayon pa sa beteranong abogado, nanalo na si Edu sa kasong ito nu’ng 1998 at sinabi ng Supreme Court na Filipino citizen ang aktor.

All the time ay dine-declare daw ni Edu na ito ay natural-born Filipino bilang ang mga magulang nito ay parehong Pinoy.

Ang sabi ni Doods, it’s like history repeating itself dahil ganito rin daw ang eksaktong ginawa sa kanya nu’ng May 7, 1998.

Kinasuhan siya, tapos ay nanalo siya sa eleksyon bilang vice mayor ng Makati. 21 years later ay inulit na naman ito sa kanya.

Kinukuwestyon din ng kampo ni Edu kung bakit inilabas ito 4 to 5 days before the elections samantalang October 2018 pa siya nag-file ng kandidatura sa pagka-congressman ng San Juan.

Napag-alaman ng kampo ng aktor na ang nag-file ng nasabing petisyon ay campaign manager ng kalaban niya sa pagka-kongresista.

Ani Edu, sa last two surveys kasi ay lamang na raw siya sa kanyang katunggali.

Dahil sa pagputok ng isyung ito, ang sabi ni Doods ay mas nadagdagan pa by the thousands ang followers niya social media gaya ng Facebook, Instagram at Twitter.

Bukod dito, ang mga rally raw nila ngayon ay lalo pang nadagdagan ang mga tao dahil lahat ay gustong malaman kung talaga ngang hindi na siya makakatakbo.

Maging ‘yung mga maliliit na barangay daw ay umaapaw sila sa tao. So, in a way, ang laki ng naging positive effect nito hindi lang sa kanya kundi maging sa buong team nila na One San Juan.

“I just felt bullied. You know, I would never think that I will be bullied at the age of 63,” sambit ng batikang actor-TV host.

Tanong ng showbiz press kay Doods, kung kay Lucas Cabrera ginawa ang gano’n, ano kaya ang magiging reaksyon nito?

Si Lucas Cabrera ay ang notorious Vice-President character ni Edu sa long-running Kapamilya series naAng Probinsyano.

“Kung kay Lucas Cabrera? Naku, may isa, pangalawa, pangatlong yugto ‘yan. Walang tigil, walang humpay ‘yan!” napapangiting pakli ng aktor.

Lahad pa ni Edu, “We’ve tried our best to elevate he discourse sa aming pangangampanya. The entire team of One San Juan, meron kaming marching orders mula sa aming campaign manager. ‘Huwag tayong manira, huwag tayong mambato ng putik, huwag tayong mambatikos. Issue-based dapat ang ating pangangampanya.’

“Even Mayor Janella Estrada has been the subject of countless criticisms at ng binabatong putik mula sa kabilang kampo, but Mayor Janella has kept her cool and so as the entire team, One San Juan.

“Sadly, kahit anong pilit namin gustong iangat ang klase ng pulitika sa San Juan, we feel it’s already very, very late. Hindi magbabago ng istilo ang aming mga katunggali.

“But we hope na ang ating mga constituents, ang mga San Juaneños ay makikita nila kung sino talaga ang mga sinsero, gustong maglingkod at ipakita po nila pagdating ng Mayo 13 sa pamamagitan ng kanilang boto.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Edu, wala pang apo; pokus muna sa mga aso

Edu, mas concerned sa health ni Luis kesa sa pagbibigay nito ng apo sa kanya

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.