Ice Seguerra, tutuparin ang wish na anak ng asawang si Liza

PHOTOS: Anna Pingol, @iceseguerra & @lizadino

PHOTOS: Anna Pingol, @iceseguerra & @lizadino

Last January 24, 2019 ay successful na suma-ilalim si Ice Segeurra—na mas naunang nakilala bilang Aiza Seguerra—sa medical procedure na pagha-harvest ng egg cells niya para mai-transfer naman kalaunan sa asawa niyang si FDC (Film Development Council) chairperson, Liza Diño.

Nauna na rito ay sumailalim din si Ice, na isang transgender man, sa ilang egg stimulation procedures para masigurong good quality ang mga maha-harvest na eggs sa kanya. So far, tatlo raw ang na-harvest kay Ice.

Masayang idinetalye ni Liza sa kanyang Instagram ang mga kaganapan noong araw na yon sa kanilang buhay mag-asawa. Tatlong magkakasunod na posts na nilabas ni Liza sa IG, kung saan puring-puri din niya ang commitment na binibingay ni Ice sa proseso. 

In the first post, she wrote:

“Today is THE DAY. Ice's eggs are going to be harvested after a 12-day "turok sa lubot" (butt injection) process. 

“Im here at the waiting room, and ngayon lang sya nagsisink-in sa akin. We are really doing it!!! And today marks the first phase in our journey to have a baby. For the last 12 days, I tried to normalize everything. I went with him sa first day ng injection nya but after that, we both went back to our daily routine and isang beses ko na lang ulit sya nasamahan. It's not because I'm not excited, we've been looking forward to this since the time we got married although laging nadedelay or kapos kami sa funds so kahit sinasabi ko na mangyayari sya, parang dream lang. Parang pinoproject mo lang yung pangarap mo. But within the walls of this clinic, may navalidate ako sa sarili ko today...may fear ako sa hospitals. Grabe yung aversion ko. Ang lamig ng pawis ko ngayon and sitting here right now sa waiting room, while he's inside, I'm asking myself if I ever made him feel that I wasn't there enough kasi di ko sya nasasamahan.

“But I'm so proud of him. Sobra. When we had our check up and we finally made that decision na this is the right time sobrang full on commitment ang binigay nya. Since last year October, Ice has been preparing himself for this day. He started taking Estrogen pills to prepare his body for the process. Sya lang yata ang transman na nagtetake ng estrogen (hahaha!) but he is determined, WE are both determined that we're going to try to fulfill our wish to have a new member sa family, Amara's wish to have a sibling and mommy C and Daddy Dick's wish na magkaron ng sarili nilang apo. Ice has been very diligent sa pagtake ng pills nya. And ito ngang 12-day process na gawing pantay-pantay ang laki ng mga eggs nya, sobrang naging patient and optimistic sya. 

So please pray for us. Positivity and well wishes are super appreciated. Love you guys❤”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

Ang scientific procedure na kinasusuungan ngayon ng mag-asawa ay ang tinatawag na in vitro fertilization (IVF). Ang egg cells ni Ice, na kasalukuyang naka-freeze, ay sasalinan ng semilya or sperms ng napili nilang sperm donor saka isasalin kay Liza para dalhin nito sa kanyang sinapupunan. 

And speaking of sperm donor, dalawa raw foreigners ang pinag-pilian nila at ang kanilang choice ay ginamitan ng nila ng code na “Superman.” Ito raw ay isang six-footer Caucasian blue-eyed musician. Foreigner daw talaga ang gusto nila ni Liza para maka-iwas na rin sa emotional complication na baka maghabol ang donor later on kung taga-Pilipinas din ito.

Matagal nang pangarap ng ZaZa couple (uniname nina Ice at Liza na hango sa second syllables ng respectives names nila) na magkaroon ng sarili nilang biological child kaya’t matagal na rin nilang napag-desisyunan ang pag-undergo ng IVF. In fact, naudlot pa nga raw ito dala na rin ng kabisihan nilang mag-asawa, lalo na si Liza na tutok na tutok sa kanyang role sa FDC.

Finally, sa December ay isasalin na raw kay Liza ang ferlized embyo. Bukod sa actual na pagbubuntis ay ito na ang isa sa huling proseso para sa tinaguriang niyang #ProjectZaZaBaby. By September next year, magiging isa nang ganap na tatay si Ice.

Bukod sa kanilang mag-asawa ay may tatlo pa raw taong excited na excited na sa pagkakaroon nila ng supling. Una na rito ay anak ni Liza sa una niyang non-showbiz partner na si Amara, 10. Matagal na rin daw nanghihingi ng kapatid si Amara, na nasa kanilang poder, at noong nagdaang Pasko ay ito raw ng idineklara nitong Christmas wish.

“Girl or boy, she doesn’t care,” kwento ni Ice sa pikapika.ph during the press conference para sa March 1 concert niyang Playlist (The Best of OPM) kasama ang ilan pang music icons gaya nina Joey Generoso (na dating lead singer ng bandang Side A) at Jay Durias ng South Border.

“Noong una gusto niya, girl. Now, whatever. She wants one,” dagdag pa ni Ice.

Ang dalawa pa raw nag-aabang ay ang mommy at daddy niya, sina Mommy Caring at Daddy Dick.

Aminado si Ice na maski siya ay amazed na amazed sa siyensya. Dahil daw sa technology ay nagiging posibleng magkaroon ng katuparan ang mga pangarap gaya ng kanila.

Masayang-masaya ngayon ang ZaZa couple kaya hindi nila alintana ang mga bashers na hindi sang-ayon sa desisyon nila. Mas mahalaga raw sa kanila ang suporta ng mga nagmamahal sa kanila. Ang birong wish lang ni Ice, na kung sakali, sana raw ay hindi makuha ng baby nila ang height niya.

Sina Ice at Liza ay dalawang beses ikinasal noong 2014. Ang una, na isang intimate affair, ay ginanap sa Santa Cruz, California noong December 8, 2014. At matapos ang eksaktong isang buwan, January 8, ay muli silang pinagbuklod sa isang ceremonial beach wedding na ginanap naman sa San Juan, Batangas.

Congratulations, ZaZa!

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.