“I’m the happiest when I’m with DJ.”—Kathryn

PHOTOS: Anna Pingol & @bernardokath

PHOTOS: Anna Pingol & @bernardokath

Mula nang maging magka-loveteam sina Kathryn Bernardo at Daniel “DJ” Padilla—na kilala sa kanilang uniname na KathNiel— ay hindi pa sila pinaghiwalay ng movie at maging TV projects.

 

First time ni Kathryn na mawalay sa real-life boyfriend na si DJ sa isang proyekto kaya naman hindi maiwasang matanong ang dalaga kung gaano kahirap ang naging adjustment niya sa set ng pelikulang Three Words to Forever—ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez—lalo pa’t tatlong linggo silang na-lock out ng buong cast sa Ormoc City, kung saan kinuhanan ang halos kabuuan ng pelikula.

 

Sa umpisa raw ay talagang nangapa siya sa mga co-stars lalo na sa Ate Sharon Cuneta niya na first time niyang makakatrabaho (naging tatay ng ka-loveteam niyang si DJ si Richard sa pelikula nilang She’s Dating the Gangster noong 2014) pero naging madali raw ang lahat dahil Sharon and the rest of the cast supported her all the way.

 

Moreover, grabe rin daw ang naging support ni DJ sa kanya sa pelikulang ito off-cam. Binahagi ni Kath sa presscon ng pelikula kamakailan na hindi lang basta nag-surprise visit si DJ sa Ormoc (na well-documented sa social media), kung hindi kinausap pa nito ang leading man niya sa pelikula na si Tommy Esguerra para bigyan ng tips at alalayan din.

 

Kaya naman kahit hindi kasali sa pelikula si DJ ay madalas pa ring mabanggit ang pangalan nito sa mga tanong na ibinabato kay Kathryn. At hindi naman naging madamot ang dalaga sa pag-se-share “I’m the happiest when I’m with DJ” na halos ikana-lunok sa kakiligan ni Megastar Sharon na noon ay katabi niya sa presscon.

 

Here’s an excerpt of the video of Kathryn, explaining what DJ is to her:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.