Imbes na maapektuhan sa bagong panawagan ng “boycott” at “cancel” sa kanya, Toni Gonzaga, nagpasalamat pa sa nalikhang engagement ng mga bashers niya

Hindi naman maiaalis na isiping may bahid-pulitika ang panawagang i-cancel muli si Toni sa pangunguna ng mga Kakampink o mga taga-suporta ni dating Vice President Leni Robredo. Nag-ugat kasi ang galit at disappointment nila sa aktres dahil sa naging sa pagsuporta nito sa kandidatura ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) nitong nakaraang eleksyon. Pinaratangan nilang enabler at apologist si Toni.

PHOTOS: @celestinegonzaga on Instagram

Hindi naman maiaalis na isiping may bahid-pulitika ang panawagang i-cancel muli si Toni sa pangunguna ng mga Kakampink o mga taga-suporta ni dating Vice President Leni Robredo. Nag-ugat kasi ang galit at disappointment nila sa aktres dahil sa naging sa pagsuporta nito sa kandidatura ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) nitong nakaraang eleksyon. Pinaratangan nilang enabler at apologist si Toni.

Trending topic sa Twitter ngayong araw, September 29, ang TV host-actress na si Toni Gonzaga matapos ang panawagan ng kanyang mga bashers ang muling pag-boycott sa kanya and this time, dawit ang e-commerce giant na Shopee.

Kasunod ito ng paglalabas ng teaser video ng online shopping platform kahapon, September 28, tungkol sa bago nilang ambassador. Hindi man ipinakita ang mukha n’ya sa video ay ipinagpalagay na ng netizens na si Toni nga ’yon.

“FINALLY, makikilala niyo na siya. Drop your guesses and CATCH HER tomorrow at 3PM for the big reveal!” anunsyo ng Shopee sa Twitter.

Dahil sa nangyari ay naglabasan na naman ang mga bashers ng aktres. Nabanta silang ibo-boycott nila hindi lang s'ya kundi maging ang Shopee mismo.

Hindi naman maiaalis na isiping may bahid-pulitika ang panawagang i-cancel muli si Toni sa pangunguna ng mga Kakampink o mga taga-suporta ni dating Vice President Leni Robredo

Nag-ugat kasi ang galit at disappointment nila sa aktres dahil sa naging sa pagsuporta nito sa kandidatura ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) nitong nakaraang eleksyon. Pinaratangan nilang enabler at apologist si Toni.

May mga nagpahayag din na nag-uninstall na sila ng Shopee app sa kanilang mga mobile phones. Kabilang na dito ang artistang si Jaime Fabregas.

“I have deleted my Shopee account. Matagal ko nang gustong gawin dahil sa gastos pero ngayon nagkaroon ng más malalim na dahilan,” pahayag ng veteran actor sa kanyang tweet.

Ipinupunto naman ng ilan na ironic ang pagpakilala kay Toni bilang bagong ambassador ng Shopee dahil few days ago lang ay nagbawas sila ng empleyado at ang dahilan daw noon ay to “optimize” the business matapos umano itong malugi ng $931.2 million ng second quarter ngayong taon.

Narito ang ilan sa mga negatibong reactions ng bashers ni Toni sa Twitter: 

 

As usual, kalmado si Toni sa pagte-trend na naman n’yang ito sa social media. 

Katunayan, ngayong araw ay opisyal na s’yang ipinakilala bilang newest brand ambassador ng nasabing e-commerce platform.

During the event, nagpasalamat siya sa Shopee dahil nauna na nitong naging kabahagi ang kapatid niyang si Alex. Nagpasalamat din siya generally sa mga netizens for making her collab with Shopee trend mula pa raw kahapon.

“We are thankful for the mentions and the engagements...they are also one of the reasons why we are here where we are today.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.