Imbes na maghanda on her birthday, Aiko Melendez, magpapa-raffle nalang

Magse-self manage muna si Aiko Melendez sa ngayon matapos kumalas sa mananegr niyang si Arnold L. Vegafria. “Meron naman akong RM (road manager) para makipag-negotiate at i-check ’yung mga inquiries ko. Tapos ako na lang bale ’yung final say. Lahat ng inquiries, diretso na muna sa akin para wala na rin kaming tampuhan also [ni ALV].”

Photos: @aikomelendez

Magse-self manage muna si Aiko Melendez sa ngayon matapos kumalas sa mananegr niyang si Arnold L. Vegafria. “Meron naman akong RM (road manager) para makipag-negotiate at i-check ’yung mga inquiries ko. Tapos ako na lang bale ’yung final say. Lahat ng inquiries, diretso na muna sa akin para wala na rin kaming tampuhan also [ni ALV].”

Ipinagdiriwang ni Aiko Melendez ang kanyang 45th kaarawan ngayong araw, Disyembre 16, kasabay na rin sa 35th anniversary niya sa showbiz. At imbes na magpa-party o maghanda ay namili na lamang siya mga 42-inch TV at iba pang appliances na ipapa-raffle niya sa mga taga-District 5 ng Quezon City.

Ngayong 3PM gaganapin ang FB Live pa-raffle ng aktres.

“Magpe-Facebook live lang ngayong hapon. Magpapa-raffle ako para magpasalamat sa mga taong sumusuporta sa career ko,” k’wento sa amin ng birthday girl.

Samantala, kamakailan lang ay nag-post ang aktres sa Instagram ng statement saying na bumitaw na siya bilang talent ni Arnold L. Vegafria. Siya na lang muna umano ang magma-manage ng karera niya from now on.

“Kasi busy ang manager ko sa mga ganap niya, busy din ako kaya nag-decide ako na i-manage na lang muna ang sarili ko for now,” paliwanag niya. “But eventually, maghahanap din talaga ako ng manager who can manage me.

Taong 2019 nang pumirma ng kontrata ang aktres sa ALV Management.

Sa ngayon kasi ay busy din si ALV (tawag kay Arnold sa showbiz) dahil kumakandidato din ito bilang Mayor sa Olongapo City. Si Aiko, for her part, ay araw-araw ding nag-iikot sa mga ka-distrito Singko niya sa Kyusi para mamahagi ng pamasko.

“Meron naman akong RM (road manager) para makipag-negotiate at i-check ’yung mga inquiries ko,” dagdag-paliwanag pa ni Aiko. Tapos ako na lang bale ’yung final say. Lahat ng inquiries, diretso na muna sa akin para wala na rin kaming tampuhan also [ni ALV].”

Samantala, sa loob ng 35 years ni Aiko sa showbiz ay naka-apat na manager na siya. Una ay ang namayapang si Douglas Quijano. After Douglas ay napunta siya sa pangangalaga ni  Wyngard Tracy, na sumakabilang-buhay na din. Si Boy Abunda ang naging pangatlo at si Arnold nga ang pinaka-huli.

Habang sinusulat namin ang balitang ito kaninang madaling araw ay wala pa kaming nakitang bagong post ng may kaarawan. Panay pagbati sa kanya ng mga constituents niya at mga pamaskong-handog ng TEAM Aiko ang laman ng kanyang social media.

Pero ang boyfriend ng aktres na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ay binati siya sa social media saktong alas-dose ng hatinggabi kagabi.  Kalakip ng kanyang pagbati ang sweet na larawan nilang dalawa.

“I admire so many things about you,” panimula ni VG Jay sa kanyang Facebook post. “Your dashing good looks, your charm, your sense of humor, but most of all, your compassion and Kindness. After all this time together, I continue to find more and more reasons that we belong together. Happy Birthday Baby Aiko Melendez!!I love you (emoji heart).”

 

I admire so many things about you. Your dashing good looks, your charm, your sense of humor, but most of all, your...

Posted by Jay Khonghun on Wednesday, December 15, 2021

Happy birthday, Aiko!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.