In declaring she’s gay, Klea Pineda adds: “Kaya ko pa rin naman makipag-kissing scene sa lalaki.”

“Iyong takot nadi-d’yan s’ya parati. Pero mas nangingibabaw ’yong excitement… For the longest time, parang nagbi-base ako sa mga tao kung sino talaga ako. Parang ito ’yong masasabi ko na sa akin na ako ito. I’m proud na ito ako.” —Klea Pineda on revealing she’s gay.

PHOTOS: @officialkleapineda on Facebook

“Iyong takot nadi-d’yan s’ya parati. Pero mas nangingibabaw ’yong excitement… For the longest time, parang nagbi-base ako sa mga tao kung sino talaga ako. Parang ito ’yong masasabi ko na sa akin na ako ito. I’m proud na ito ako.” —Klea Pineda on revealing she’s gay.

Kasabay ng kanyang 24th birthday kahapon, March 19, ay matapang na inamin ni Klea Pineda ang tunay n’yang pagkatao sa publiko.

Sa kanyang Instagram post idinaan ng Kapuso actress ang paglantad bilang member ng LGBTQIA+ community. 

Ayon sa kanya, ito na umano ang pinakamatapang na desisyon na kanyang ginawa sa kanyang buhay.

“My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self,” panimula ng aktress sa kanyang IG post kalakip ang series of her solo photos.

Kasunod nito ang kanyang pag-amin sa tunay na sekswalidad.

“Masasabi ko na ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA+ community,” pahayag n’ya.

Alam daw n’yang marami ang hindi makakaunawa sa paglaladlad n’yang ito. 

”I know not everyone will understand and appreciate this decision. But throughout the years, I’ve learned to prioritize the things that give joy and meaning to my life, and revealing my sexuality to the world is a huge part of it,” paliwanag ni Klea.

Umaasa rin ang AraBella co-star na magsisilbing inspirasyon ang kanyang pag-out sa iba para yakapain din nila kung sino talaga sila.  

“By doing this, I hope to inspire and empower others who are still struggling to come into terms with their sexuality,” aniya. 

“Alam ko mahirap at nakakatakot, but please know na walang mali sa atin at walang kulang sa atin kahit pa magpakatotoo tayo.”

Hindi na daw mawawala ang mga taong judgmental pero meron pa rin naman umanong mga tanong handang tumanggap sa mga gaya nila. 

“Marami man ang manghusga, mas marami pa rin ang tatanggap at magmamahal sa’yo nang buong-buo. Just be the person that your younger self would be proud of!” paghihimok n’ya. 

Pagtitiyak pa ng StarStruck Season 6 ultimate female survivor, wala naman daw nabago sa kanya at s’ya pa rin ang dating Klea. Mas matapang lang daw s’ya from now on. 

“My sexuality is just one aspect of my life and it won’t stop me from chasing after my dreams. I am still the same Klea that you loved and supported throughout the years. The only difference now is I can proudly say that I’m gay!” she wrote.

“From now on, I want to live my life fearlessly. Sana samahan nyo ako sa paggawa ng sarili kong kwento na alam kong tunay na magpapasaya sa akin. 

“Let’s spread love and empowerment, everyone! And always remember, #LoveIsLove!” pagtatapos n’ya.

Sa interview naman sa kanya ni GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras kahapon, natanong s’ya kung meron bang pangangailangan para mag-out s’ya sa publiko.

“Something inside of me na napi-feel ko talaga na kailangan for me. Ako naman,” sagot n’ya.

Nakailang beses na daw s’yang muntik na mag-back out sa kanyang pag-a-out. Baka daw kasi makaapekto ito sa kanyang personal life and showbiz career. 

Iyong takot nadi-d’yan s’ya parati. Pero mas nangingibabaw ’yong excitement… For the longest time, parang nagbi-base ako sa mga tao kung sino talaga ako. Parang ito ’yong masasabi ko na sa akin na ako ito. I’m proud na ito ako,” emosyonal na lahad n’ya.

Nagpapasalamat naman d’ya sa kanyang pamilya at management na tanggap s’ya at suportado ang kanyang desisyon. 

At kahit nag-out na, hindi daw ni Klea babaguhin ang kanyang look.

“I have a rainbow heart pero ipapakita ko s’ya in a way na…sa gusto ko. Kaya ko pa rin naman makipag-kissing scene sa lalaki,” natatawang sabi n’ya. 

Hindi ko pa rin nili-limit ang sarili ko when it comes to my work.”

Dumagsa naman ang pagbati at suporta sa kay Klea sa comments section ng kanyanga IG post mula sa kanyang fans and celebrity friends gaya nina Sanya Lopez, Addy Raj, Ashley Ortega, Winwyn Marquez, Gelli de Belen, and more.

SCREENSHOT: @kleapineda on Instagram
SCREENSHOT: @kleapineda on Instagram
SCREENSHOT: @kleapineda on Instagram

 

YOU MAY ALSO LIKE:

K Brosas' daughter, Crystal, comes out as lesbian in mom's birthday vlog

Sharon Cuneta on daughter Miel’s coming out as queer: “We’ve got your back.”

Miel Pangilinan, nag-out as queer ngayong Pride Month

Raymond Gutierrez, dinagsa ng suporta sa kanyang pormal na pag-a-out as gay

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.