Bongga ang naging paandar ng actor-TV host and model na si Ion Perez para sa birthday ng kanyang Nanay Zeny na ginanap sa kanilang hometown sa Concepcion, Tarlac.
Tama lang naman dahil 70th birthday celebration iyon ng kanyang ina na talaga namang ipinagmalaki n’ya sa kanilang mga bisita at sa viewers ng kanyang vlog na in-upload kagabi, February 20, on YouTube.
“Napaka-ganda ng nanay namin… Happy birthday! Napaka-ganda ng aming nanay. Pagmasdan n’yo,” pagbibida ng It’s Showtime co-host sa kanyang Nanay Zeny.
Tanong pa n’ya: “Maniniwala ka bang sa ganda n’yang ’yan, ang dami n’yang pinagdaanan sa buhay? Isa lang ’yan sa mga pinagmamalaki ko. Ang nanay ko napaka-ganda kahit maraming pinagdaanan sa buhay.”
Baling din n’ya sa kanyang YouTube subscribers, “Sa mga nanonood sa akin, sa mga followers ko. Pinagmamalaki ko sa inyo ito ’yong nanay ko.”
Naging emosyonal naman ang aktor ng magbigay na s’ya ng mensahe sa kanyang birthday celebrant mother.
“Message ko kay Nanay…[Sa] lahat ng pagdadaanan mo sa buhay nandyan lang [s’ya]. Tatalikuran ka ng lahat. Pero ’yong nanay mo hinding hindi ka iiwan n’yan,” pahayag n’ya.
“Kasi ako nasubok ko na ’yon, e. Tambay ako d’yan, muntik akong mawala sa landas. Bakit ako naging ganito?
“Dito sa Purok tres, ang alam nilang Perez magulong pamilya. ’Yon kami. Pero hindi kami nang-aapak ng tao namin. Kahit alam naming niloloko kami tumutulong kami. Ganu’n kami pinalaki ng mga magulang namin, may takot sa D’yos.”
Pinatotohanan din ng kanyang kapatid na si Kurt. Hindi rin daw kasi siya iniwan nito noong mga panahong may pinagdadaanan siyang pagsubok.
Thankful naman si Nanay Zeny sa pa-party ni Ion to celebrate another milestone in her life.
“Maraming maraming salamat sa iyo, anak, na binigyan mo ako ng kaligayahan sa ganitong edad,” aniya.
“At maraming salamat sa iyong lahat na anak ko. Sana, kung ako’y nagkakamali man, patawarin n’yo ako. Sana maging maligaya tayong lahat, mga anak ko.”
Bagama’t hindi nakadalo sa okasyon ang sweetheart ni Ion na si Vice Ganda ay nagpaabot naman ito ng bouquet of flowers para kay Nanay Zeny.
“Nanay Zeny, Happy birthday! I pray na lagi kang maligaya at malakas. God bless you! I love you, Vice,” saad ni Vice sa kanyang message na naka-attach sa bouquet.
Tugon naman dito ni Nanay Zeny, “Meme, maraming maraming salamat sa’yo. Maraming maraming salamat sa’yo at pumunta [dumating] ka sa pamilya namin. Maraming salamat.”
Panoorin ang kabuuang birthday vlog ni Ion para sa kanyang Nanay Zeny dito:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber