Masaya na nagkaroon ng pagkakataon ang actor-model and TV host na si Ion Perez para maka-bonding ang kanyang mga co-hosts at kasamang cameramen sa It’s Showtime.
Sa kanyang vlog na ipinost on YouTube last February 26, ipinakita ni Ion ang team building ng kanilang grupo na idinaan nila sa isang basketball match.
Paliwanag pa n’ya habang papunta sa venue nila sa Celebrity Sports Plaza located in Matandang Balara, Quezon City, matagal na daw plano ng It’s Showtime boys na maglaro ng basketball pero palagi daw iyong pupurnada.
“Matagal na naming binabalak yan. Actually, last year pa. Alam n’yo naman, nagka-pandemic, nag-[Alert] Level 3, so na-adjust nang na-adjust, na-resched nang na-resched,” paliwanag ng sweetheart ni Vice Ganda.
First time din daw n’ya na tatapak sa pamosong Celebrity Sports Plaza that day na palagi lang daw n’yang naririnig sa mga usap-usapan noon.
“Lagi ko naririnig ’yon [Celebrity Sports Plaza]. First time ko makakapunta na ako doon. Kasi si Brod Vhong [Navarro] nandu’n na. Nakakahiya naman kay Brod Vhong. Si Kuya Ogie [Alcasid] on the way na din,” aniya.
At nang mapasok na s’ya sa exclusive sports and recreation facility…
“Ang laki pala nito, ’no? Isa sa mga laruang [pang] mayaman,” komento pa ni Ion.
At gaya ng sinabi n’ya, nandoon na nga si Vhong na naghihintay.
“Sarado pa [ang basketball court]?” tanong n’ya dito.
“Bukas. Pero parang ping-pong ang lalaruin natin. Dalawa lang tayo. Ping-pong ba gagawin natin? Wala pa sila, e,” pabirong sagot naman ni Vhong sa kanya.
Maya-maya ay nagdatingan na nga ang iba pang kalahok ng laro gaya nina Nyoy Volante, Ogie Alcasid, Teddy Corpuz, at ang mga cameraman ng It’s Showtime.
Habang nagbibihis ay ipinaliwanag pa ni Ion na ang hosts versus cameramen daw ang magiging arrangement ng laro.
At matapos ang kanilang warm up ay nagsimula na ang bakbakan.
Pinangunahan ni Vhong ang puntos ng Team Hosts ng two points, at kaagad ’yong sinundan ni Ogie ng tres. S’yempre, hindi rin papahuli si Ion at dinagdagan n'ya ’yon ng three points kaya mabilis nilang naungusan ang Team Cameramen.
Hindi rin sinayang ni Ion ang tatlong free throws na ibinigay sa kanya matapos patawan ng foul ang nakabantay sa kanyang kalarong cameraman.
Natapos ang first game sa score na 29/19 pabor sa Team Hosts.
Pag dating ng Game 2, uminit ang laban at nagsara ’yon sa score na 29/39 in favor of the cameramen.
Hindi naman nagpadaig ang Team Hosts sa Game 3 kung saan tinadtad ni Ion ng three points ang kalaban para lumamang sila sa score na 35/19. Naipasok pa n’ya ang three points sa dulo ng laro, isang segundo bago tumunog ang buzzer.
Hindi na inilagay ang score sa fourth game pero gaya ng naunang laro, panay three points ang ipinapasok ni Ion.
However, sa kalagitnaan ng Game 5 ay nagpasya nang maupo ang aktor dahil nakakaramdam na daw s’ya na malapit nang pulikatin ang kanan n’yang binti. Hindi kasi s’ya tumigil sa laro mula Game 1 to Game 5.
“Pag pinulikat na akong ganito [wala na]... Hindi na makaka-takbo nang mabilis at makaka-talon,” paliwanag pa n’ya.
Gayunpaman, bakas sa kanya ang saya dahil natuloy din ang plano nilang basketball.
After magpa-picture sa mga kalaro ay nauna nang umalis si Ion para um-attend sa susunod n’yang commitment.
Panoorin ang basketball match ni Ion with It’s Showtime hosts laban sa kanilang mga cameraman dito:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber