Is there really trouble in the Eat Bulaga paradise?

Hinintay lang umano ni Romy Jaloslos na magretiro sa pulitika si Tito Sotto bago nito ikasa ang bid na ma-take over ang pamamahala sa TAPE, Inc. at sa Eat Bulaga mula sa business partner nitong si Tony Tuviera.  Kapag nangyari ito, malaking pagbabago ang magaganap dahil may mga TV hosts daw na aalisin. Ayon naman sa ibang tsika, magsusunuran daw ang mga TV host kung nasaan si Mr. Tuviera.

PHOTOS: @eatbulaga1979 on Instagram; INSET: IMDb.com

Hinintay lang umano ni Romy Jaloslos na magretiro sa pulitika si Tito Sotto bago nito ikasa ang bid na ma-take over ang pamamahala sa TAPE, Inc. at sa Eat Bulaga mula sa business partner nitong si Tony Tuviera. Kapag nangyari ito, malaking pagbabago ang magaganap dahil may mga TV hosts daw na aalisin. Ayon naman sa ibang tsika, magsusunuran daw ang mga TV host kung nasaan si Mr. Tuviera.

Ilang araw nang bulong-bulungan na may nagaganap umanong gusot sa loob ng Eat Bulaga. 

May nangyayari raw kasing rigodon ngayon sa loob ng management ng longest running noontime show ng bansa. 

Nauna nang naglabasan ang mga blind items tungkol sa diumano’y pagpapatalsik ng main stockholders ng Eat Bulaga, sa pangunguna ng ni dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo “Romy” Jaloslos, sa business partner n’yang si Antonio “Tony” Tuviera [Mr. T] na s’yang kilala ng showbiz at ng publiko bilang haligi ng show. 

At ayon naman sa report ng online site na Bilyonaryo.com ngayong araw, March 3, napag-alaman daw ng kanilang source na bukod kay Mr. T, kabilang din umano ang TVJ o ang mga pioneer hosts ng show na sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon, sa mga patatalsikin.

“Jalosjos wants to kick out Tuviera and TVJ out of the show. He just waited to Tito to get out of politics before launching his takeover bid,” ayon daw sa source.

Gusto umano n’yang maging replacement ng TVJ sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Allan K.

May bulong-bulungan din na pati sina Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, at Maine Mendoza ay plano ring tsugihin sa show at ang planong ipalit umano kay Maine ay ang daughter ni Jaloslos.

Ito raw ang dahilan kaya’t nagpatawag ng emergency meeting kahapon, March 2, si Tuviera at ang TVJ para sa kanilang magiging move sakaling magtagumpay si Jaloslos na makontrol ang buong Television and Production Exponents Inc. o TAPE, Inc.

Ayon pa sa ulat, magtatayo raw ang mga ito ng sarili nilang noontime show na tatawaging “Dabarkads” kung saan sina Wally Bayola, Jose Manalo, Allan K, at Maine Mendoza ang magiging hosts.

At ang nakakaloka pang tsika, nililigawan daw ni Jaloslos ang comedian-TV host and producer na si Willie Revillame—na kasalukuyang hindi nakikita on live TV these days dahil na rin sa mga internal problems naman ng kinabibilangan nitong AllTV—para maging main host ng EB para tapatan ang grupo nina Tuviera.  

Ayon naman sa iba pang tsika, kung mangyayari ang iyon ay en masse na sasama ang lahat ng hosts kay Mr. T dahil nandoon umano ang kanilang loyalty. Hindi lang umano makagalaw ang mga ito dahil kasalukuyang naka-kontrata pa ang show sa GMA-7.

Kung mangyayari man ang mga haka-haka, noontime TV viewing will never be the same again.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Fans celebrate Maja Salvador’s first anniversary as an Eat Bulaga Dabarkads

Pika's Pick: Coney Reyes makes a special appearance on Eat Bulaga as the show celebrates its 43rd anniversary and international friendship day

Pika's Pick: The TVJ (Tito, Vic, and Joey) records Eat Bulaga’s first ever Christmas song

Pika's Pick: Beth Tamayo’s Mommy Zeny finally meets her grandchild Sloane in Tokyo, where Beth is set to join the annual Tokyo Marathon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.