Is Toni Gonzaga flexing growth of social media following her way of saying she remains #unbothered still

Mukang tama ang analysis ng self-proclaimed pambansang lalaking Marites na mentras umano bina-bash at kina-cancel gaya niya ay mas dumarami ang following at mas nagiging influential pa. Dahil four days matapos siya i-bash dahil sa pagho-host ng UniTeam proclamation rally kung saan ipinisintra rin niya si Rep. Dante Marcoleta, ay mas nadagdagan pa nga ang followers niya sa kanyang social media. Heto nga at nagpasalamat na siya sa 5M subscribers niya sa Youtube channel niya at 7M followers sa Instagram.

Photos: @celestinegonzaga

Mukang tama ang analysis ng self-proclaimed pambansang lalaking Marites na mentras umano bina-bash at kina-cancel gaya niya ay mas dumarami ang following at mas nagiging influential pa. Dahil four days matapos siya i-bash dahil sa pagho-host ng UniTeam proclamation rally kung saan ipinisintra rin niya si Rep. Dante Marcoleta, ay mas nadagdagan pa nga ang followers niya sa kanyang social media. Heto nga at nagpasalamat na siya sa 5M subscribers niya sa Youtube channel niya at 7M followers sa Instagram.

Hot topic pa rin si Toni Gonzaga-Soriano sa mga talakayan sa social media at diyaryo kahit apat na araw na ang nakaraan nang maganap ang proclamation rally nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr at dating Davao City mayor Sara Duterte sa Philippine Arena, kung saan siya ang nag-host. 

Si Toni ang pinakasikat na showbiz personality sa buong Pilipinas nitong mga nagdaang araw. At kahit sa labas ng bansa dahil may mga natatanggap kaming mensahe mula sa mga kaibigan, kakilala ,at kaanak na nagtataka rin kung bakit nagawa ni Toni, hindi lang ang pagpili kay BBM para suportahan kundi lalo na kay Rep. Dante Marcoleta na isa sa pinaka-masigasig noon sa pagpapasara ng ABS-CBN na naging tahanan ni Toni sa mahabang panahon.

But to be fair, marami din namang nagtatanggol sa actress-host and vlogger. 

Sa mga nag-cancel naman sa tinagurian ngayong “Unbothered Queen,” may payo ang self-proclaimed Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza tungkol sa bashers ni Toni. 

“Bilang isang eksperto sa social media, ito lang ang masasabi ko. Ang pag-cancel kay Toni is not a strategic move at all,” aniya. “The more you cancel her, mas magiging influential siya. We know how to capitalize on hate then convert it to massive influence and power.”

At mukang totoo nga. The more na pinag-uusapan at bina-bash si Toni ay nadadagdagan pa ang followers niya sa kanyang social media.  Heto nga at nagpasalamat na siya sa 5M subscribers niya sa Youtube channel niya at 7M followers sa Instagram.

Nu’ng wala pang isyu ay nasa 4.93M ang subscribers ni Toni sa YouTube na ngayon ay saktong nasa 5.09M na and still counting. Sa IG ay nadagdagan na ng 200k kaya 7.2M na ang followers ng wifey ni Direk Paul Soriano. 

Ang FB account for Unofficial Toni G ay nasa 12M na rin. And for sure, supporters niya ang nangangasiwa nito. 

Kahit na in-unfollow ni Toni ang mga kaibigan at 23 na lang ang itinira niya kasama ang magulang, asawa, at ilang kaanak ay tuloy pa rin ang suporta sa kanya ng mga kaibigan  dahil hindi siya in-unfollow ng mga ito. 

Sa kasalukyan ay umabot na sa 582k ang nag-like sa huling post niya na nagpapasalamat siya sa mga supporters niya at 24.5k naman ang nagbigay ng komentong pinalalakas ang loob niya.

Isa na ang netizen na si @iamjowndp, "No matter how many people will cancel you, you’re still one of the artists I’d always look up to. No need to prove anything to anyone because you already are a LEGEND!”
Say naman ni @garcia_jimboy, “Bilib ako sa paninindigan n'yong mag-asawa. 'Di kayo

takot ma-bash kahit ng mga kaibigan n'yong artista dahil sa paninindigan n'yo sa desisyon sa buhay.  More supporters sa inyo!"

Naniniwala naman ang netizen na si @10sevetinp na “THEY CANNOT PUT A GOOD WOMAN DOWN!!!"

Samantala, may nakausap kaming Kapamilya executive na hindi na namin babanggitin ang pangalan. Hindi naman daw siya galit kay Toni pero aminadong masama ang loob niya lalo pa sa ginawa nitong pagpapakilala kay Marcoleta. Aminado rin siyang dismayado siya sa mga naging political choices ng dating PBB host.

Gaya ng opinyon ni Ogie Diaz, sana daw ay nag-request ng co-host si Toni para hindi siya naipit sapag-introduce sa kongresistang isa sa nagpasara ng ABS-CBN.

“Extra painful, pero hindi ako galit. Am feeling bad lang for her. I’m worried for her. Bakit hindi niya na-check ang truth bago siya namili ng kakampihan? Bakit pati si Marcoleta na alam niyang nagpasara ng tahanan niya? I’m worried for her values and her character.”

Dagdag pa ng ABS-CBN executive: “'Di ako nagpo-post kasi gusto ko one day, makita siya in person at ang mga parents niya na naging mabuti kong kaibigan. At si Direk Paul na kaibigan ko rin. Sasabihin ko lang din ang nararamdaman ko. I’m just so sad for them.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Former PBB housemate Dionne Monsanto, may patutsada rin kay Toni Gonzaga

Ogie Diaz, nagbigay ng benefit of the doubt at belated suggestions kay Toni Gonzaga ukol sa naging papel nito sa pag-i-introduce kay Marcoleta

Sa pagtatanggol kay Toni Gonzaga, Robin Padilla tinawag na bully si Direk Erik Matti

Direk Erik Matti, #bothered sa pagiging #unbothered ni Toni Gonzaga

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.