Is Zac Efron dating olympic swimmer Sarah Bro?

PHOTOS: @sarahwbro & @zacefron on Instagram

PHOTOS: @sarahwbro & @zacefron on Instagram

 May bago raw dine-date ang Hollywood hunk na si Zac Efron at ito raw ay ang Danish Olympic swimmer na si Sarah Bro who competed in the women's 4 × 100 meter freestyle relay event during the 2016 Summer Olympics

Though wala pang confirmation tungkol sa kung ano ang relasyon ni Zac sa Danish athlete, ilang beses na raw silang nakitang magkasama at ayon sa netizens, hindi mere coincidence na pareho silang nasa iisang lugar parati.

Noong nakaraang March 1, kapwa nag-share sa kanilang Instagram accounts sina Zac at Sarah habang nanonood sila ng hockey game ng Los Angeles Kings. 

Caption ni Sarah: "Thank you @lakings for making my first hockey game something very special."

Sa araw din na iyon, nag-post din si Zac pero isang selfie habang tinatakpan niya ang kanyang mga mata with the L.A. Kings hat.

Noong March 2 naman, nakunan ng photo si Zac habang nanonood ito ng UFC 235 Fight sa Las Vegas. At nakita sa photo na katabi niya ay si Sarah.

Ayon sa isang eyewitness, nakita niyang magkasamang dumating sina Zac at Sarah. 

"They looked like they were having a great time. They were smiling and laughing in their seats. Zac was approached by multiple fans and Sarah was very patient as Zac spoke to everyone who approached him," kuwento pa ng source sa E! News.

Noong magsimula na raw ang show, behave lang daw ang dalawa para hindi sila mapagtuunan ng pansin ng mga nanonood sa audience.

"They were not overly publicly affectionate and they weren't doing anything to attract any additional attention. But they left the arena together after the fight," dagdag impormasyon pa ng source.

Noong March 5 naman, nag-post si Sarah sa kanyang Instagram Story ng photo ng bouquet of flowers. Pero hindi niya binanggit kung kanino ito galing. Nilagyan lang niya ito ng pink hearts emoji.

Naka-reside ngayon sa Los Angeles ang 23-year old Copenhagen-born athlete at gustung-gusto nito pumunta sa beach, mag-hiking at panoorin ang sunset.

Kasalukuyan namang sinu-shoot ni Zac ang pelikulang Beach Bum sa California. 

Na-link noon romantically si Zac sa High School Musical co-star niyang si Vanessa Hudgens at sa co-star niya sa pelikulang Baywatch na si Alexandra Daddario. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.