Isko Moreno, binanatan ang mga supporters ni Leni Robredo matapos pagkatuwaan ng isang netizen ang lumang sexy photo niya

Hindi naman natinag ang said detractor ni Yorme dahil matapos itong kuyugin online ng mga taga-suporta niya ay sumisige pa rin ito. Kumasa rin ito sa tanong ni Isko kung gusto daw ba n’ya ng mas magandang kopya ng old sexy photo by posting: “Waiting po sa high resolution copy.”

PHOTOS: @iskomorenodomagoso on Facebook

Hindi naman natinag ang said detractor ni Yorme dahil matapos itong kuyugin online ng mga taga-suporta niya ay sumisige pa rin ito. Kumasa rin ito sa tanong ni Isko kung gusto daw ba n’ya ng mas magandang kopya ng old sexy photo by posting: “Waiting po sa high resolution copy.”

Hindi nakapagpigil si Manila City mayor and Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno Domagoso na buweltahan ang mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo sa paggamit ng isa sa mga ito ng kanyang lumang sexy photo.

Sa kanyang Facebook post kagabi, May 4, nagpatutsada ang alkade matapos tila mainsulto sa paggamit sa larawan n’ya kung saan s’ya ay naka-underwear lang. 

Nilagyan ito pink frame na karaniwang ginagamit ng mga Leni supporters sa social media. Ito ay para pagmukhaing “for Leni” si Isko, na ardent basher ng kanyang katunggali sa pagka-presidente. Nakalagay din sa photo ang mga katagang “Simpleng Tao for Leni-Kiko.”

“Bait talaga ng mga Kakampink!” panimulang generalization ni Domagoso sa kanyang FB post, patunay na hindi n’ya ikinatuwa ang aksyon na ito isang Kakampink o supporter ni VP Leni.

Kalakip ng post ang screenshot photos na naglalaman ng nasabing larawan at ng netizen na s’ya umanong may pakana nito. 

Singhal pa n’ya, “Galit kayo sa pag aartista ko na nag-ahon sa aking kahirapan. Pero gamit nyo naman lagi puro artista! Gusto nyo high resolution copy? #WithdrawLeni #LetLeniLeave #NoToDilawan/Pink”

Ipinost din n’ya ang link ng Facebook account ng basher n’ya na nagngangalang Jonathan Caiña na nagpasimula ng lahat.

 

Hindi ko madownload, kainis.

Posted by Jonathan Caiña on Tuesday, May 3, 2022

Hindi naman natinag ang said detractor ni Yorme dahil matapos itong kuyugin online ng mga taga-suporta niya ay sumisige pa rin ito.

“Good evening sa mga galit daw sa pag-aartista ni Isko, kung sino man kayo. HAHAHAHA” pang-iinis n’ya sa kanyang Facebook post kasunod ng patutsada ng presidential candidate sa kanya. 

 

Good evening sa mga galit daw sa pag-aartista ni Isko, kung sino man kayo. HAHAHAHA

Posted by Jonathan Caiña on Wednesday, May 4, 2022

Kumasa rin s’ya sa tanong ni Isko kung gusto daw ba n’ya ng mas magandang kopya ng old sexy photo by posting: “Waiting po sa high resolution copy.”

 

Waiting po sa high resolution copy.

Posted by Jonathan Caiña on Wednesday, May 4, 2022

Pinagtawanan rin n’ya ang mga taga-supporta ng actor-turned-politician sa pagre-report ng mga ito sa in-edit n’yang photo. 

“Nireport nila yung pinost kong pic ni Isko, yung parehong picture na pinost niya sa page niya. HAHAHAHA. MGA IYAKIN!” banat pa n’ya.

 

Nireport nila yung pinost kong pic ni Isko, yung parehong picture na pinost niya sa page niya. HAHAHAHA. MGA IYAKIN!

Posted by Jonathan Caiña on Wednesday, May 4, 2022

Pang-iinsulto pa n’ya kay Isko sa isa pa n’yang FB post: “This is it! I'll switch to Iskow na talaga! #IyakinForPresident”

 

This is it! I'll switch to Iskow na talaga! #IyakinForPresident

Posted by Jonathan Caiña on Wednesday, May 4, 2022

Matatandaan na nagpatutsada si Domagoso sa katunggali n’yang si Robredo nitong nakaraang buwan sa isang press conference matapos umano silang suhulan ng kampo nito para umurong sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Doon ay ibinalik n’ya dito ang hamon at ito daw dapat ang mag-withdraw sa halalan. 

Sa isang panayam, tinawag din n’yang “matapobre” ang kampo ng bise presidente, at “godmother of bullies” si Robredo dahil kinukunsinte umano nito ang kagaspangan ng pag-uugali ng kanyang mga supporters.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Political rivals sa pagka-mayor ng Maynila noon na sina Isko Moreno at Erap Estrada, nagkaayos?

Anak ni Mayor Isko Moreno na si JD Domagoso, ayaw daw tumira sa Malacañang

DOH, pinuruhan ni Isko Moreno sa kanyang presidential candidacy announcement speech: “Ang pondong panlaban sa COVID binuro, ang budget inimbalsamo!”

Rita Avila to Isko Moreno: “Meron ka namang nagawang tama kaso mas malakas ang tama mo.”

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.