Usap-usapan ngayon ang aktres na si Julia Barretto sa social media dahil sa ipinost n’yang photo sa kanyang Instagram account.
Bagama’t last December 5 pa sa social media ang kanyang larawan ay ngayon lang ito umagaw sa atensyon ng ibang Netizens.
Nagpo-promote ng beauty supplement ang Kapamilya actress sa nasabing photo subalit mas napansin ng Netizens ang letter “G” na pendant sa suot n’yang necklace.
Marami sa mga followers ni Julia ang tila nagulat base sa kanilang mga komento sa IG post at tila ipinagpapalagay na it stands for “Gerald.”
Dahil dito, muling umugong ang issue sa pagitan nila ng aktor na si Gerald Anderson na naging leading man n’ya sa movie na Between Maybes.
Matatandaang last year ay si Julia ang itinuturo ng mga fans nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na diumano’y dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.
Nagkaroon umano ng affair sina Julia at Gerald na nauwi sa pang-go-ghost umano ng huli kay Bea na siyang girlfriend nito that time.
Itinanggi naman ito ni Julia sa kanyang IG post that time kung saan diretsahan n‘ya ring pinatutsadahan si Bea.
Bwelta ni Julia noon: “Since I was brought into this mess without a choice, this is what I have to say. Your heartbreak should have been a private matter, but you have selfishly turned it into something of national concern.
“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you.”
Sa ngayon pare-pareho nang tahimik ang kani-kanilang kampo.
At tila wala namang balak si Julia na i-justify ang issue tungkol sa pendant na usap-usapan ngayon.
YOU MAY ALSO LIKE:
Bela Padilla denies unfollowing Julia Barretto because she has turned #TeamBea
This is Showbiz (Episode 6): JULIA BARRETTO—MOVING ON, MOVING FORWARD