Itinagong Baby Jude nina Janella Salvador at Markus Paterson, magaang tinanggap ng publiko

PHOTOS: @superjanella & @markus on Instagram

PHOTOS: @superjanella & @markus on Instagram

Sa vlog entry na in-upload sa YouTube kahapon, January 5, ay ipinakilala na nga ng celebrity couple na sina Janella Salvador and Markus Paterson ang baby nilang si Jude. 

Kahit matagal nang nali-link ang dalawa ay no’ng September last year lang nila inilantad sa publiko ang kanilang relasyon. Dahil sa paglantad, agad nagkaroon ng usap-usapan sa social media ng sumunod na buwan na umano ay nagdadalang-tao ito.

However, nanatiling tikom ang kanilang panig at walang nagkumpirma o nag-deny kung may katotohanan ba ito.

Pero base sa YouTube video ng couple, February 2020 pa pala nalaman ng Kapamilya actress na s’ya ay nagdadalang tao, habang May 2020 naman nila nalaman ang gender ng baby. 

Laking tuwa ng magkasintahan that time, lalo na ni Markus, nang malamang lalaki ang magiging anak nila. 

Buwan ng Setyembre naman, kung kailan sila umamin sa kanilang relasyon, lumipad patungong United Kingdom si Janella para makasama si Markus na doon naka-base, hanggang sa magsilang nga s’ya kay Baby Jude last October 20.  

Maliban sa family members ay present din sa vlog ang ilang celebrities na malalapit kina Janella at Markus gaya nina Erich Gonzales, Kyle Echarri, at Maja Salvador na nagbigay ng kanil-kanilang welcome messages kay Baby Jude. 

“Jude, finally, I cannot wait to see you, hug you, kiss you, squeeze you and bite your… chubby, chubby cheeks,” nanggi-gigil pang sey ni Erich sa kanyang message. 

“Please don’t grow up too fast. And I know that you mean the world to your mom and dad. And that they love you so, so much."

Dagdag pa ng aktres: “Your Tita/Ninang Erich will always be here for you, praying for you, and may God bless and protect you always. 

“Seriously ha, I cannot wait to see you na. Come home na, come home na. I Love you, Jude. Saranghaeyo [I love you in Korean],” pagtatapos ni Erich na may pa-finger heart pa. 

Pakilala naman ng Kadenang Ginto star na si Kyle Echarri, s’ya daw ang magiging paboritong ninong ni Baby Jude. 

“You may not know me yet but I’ll introduce myself as your favorite Ninong Kyle,” natatawang sabi ng Gold Squad singer-actor. “I’m gonna claim it. But I promise you, Jude, that I’m always gonna be here for you, Little Jude.

“Your Uncle Kyle loves you so much,” pagpapatuloy n’ya. “I can’t wait to meet you. I can’t wait for you to grow older and I’ll teach you how to ride your first bicycle and motorcycle. We can play football together… Everything! I’m so excited to introduce you to the world, Jude.”

Bilang malapit na kaibigan ng daddy ni Jude na si Markus, sinabi ni Kyle na nakita n’ya daw kung paano naging excited ang 22-year-old Filipino-English actor nang malaman magiging daddy na ito. 

“Your parents… Just know that your parents, they love you so much ever since they heard about you. They love you so, so much, especially your dad. I’ve never seen him more excited or anything in this world. But Jude, just know that we are all gonna be here for you always. 

“Uncle Kyle will always have a house for you. You can always come to me for whatever you need when you’re older o even now. I love you, Jude. I can’t wait to meet you and I can’t wait for the world to meet you,” pagtatapos ni Kyle. 

Hindi rin nagpahuli sa pagwe-welcome kay Baby Jude si Maja Salvador na co-star ni Janella sa ABS-CBN series na The Killer Bride. 

“I love you. I love you, Baby Jude. I love you so much,” pahayag ng aktres. “Hindi pa kita nakikita sa personal pero ganu’n pala ‘yon. Mahal na kita kaagad. Kasi grabe ‘yong ginawa mo sa’min ng mama mo. Isa kang malaking blessing.”

Pinatibay daw kasi ni Baby Jude ang pagkakaibigan nila ni Janella, sey pa ni Maja. 

Akala ko after ng teleserye namin ng mama mo hanggang doon na lang ‘yong relationship namin,” lahad n’ya. “But no. Mas naging strong ‘yong relationship namin ng mama mo. Ang dami naming bonding pa after no’ng teleserye namin. 

Tapos biglang… Eto ka, dumating ka sa buhay namin. So isa kang malaking blessing sa’ming dalawa dahil mas tumibay ‘yong relationship namin dahil sa’yo.

Hindi na rin daw makapaghintay ang aktres na makita sa personal ang baby boy ng kanyang co-star. 

“Excited ako na umuwi ka para maiparamdam ko sa’yo kung gaano kita kamahal. Gusto ko lang sabihin, Baby Jude, na kung gaano ko pinoprotektahan ang iyong mommy, ay ganu’n din, triple, kwadruple pa ‘yong gagawin ko sa’yo.

Binati n’ya rin ang young couple sa bagong blessing sa buhay nila. 

“My Emma [name ng character ni Janella sa The Killer Bride] and Markus, congratulations. To my Emma, I’m so proud of you. Alam kong hindi madali ang lahat. Alam kong hindi magye-yes sa lahat but eto ka, nagawa mo na ‘to, I’m so proud of you dahil in-embrace mo, tinanggap mo si Baby Jude agad-agad sa buhay mo. 

“I love you so much and I’m excited to see you soon. Sana matapos na ‘tong pandemic para magkakasama na tayo. I love you both,” patatapos ni Maja. 

S’yempre, hindi p’wede na walang message ang new celebrity mom para sa kanyang baby. 

“Hey, Jude… As I compose this, I’m staring at your perfect little face with all the love I didn’t know I have in you,” panimula ni Janella. “Feeling so many emotions but mostly excited that we’re ready to finally introduce you to the world.”

Aminado din ang aktres na kabado s’ya sa pagsasapubliko nila sa kanilang baby boy. 

“Well, if I’m going to be honest I was quite nervous about this day because I know how harsh the world can be,” pag-amin ng aktres. 

“If your dad and I could have you all to ourselves forever in our own quiet little world we would but that would be selfish. You’re too precious to not be shared. 

"The world deserves to see the precious smiles you give us, the ones that melt our hearts. The world deserves to see you grow into your own unique self.”

Nag-share din s’ya ng kanyang realization ngayong isa na s’yang ganap na ina. 

“I can’t believe you’re mine,” aniya. “It’s funny because I heard these words from every mother in the world and I thought to myself how cliche does that sound. But now I completely understand.

“It truly is the best feeling, something you won’t be able to fathom until you go through it yourself. Wait, I’m getting too excited. Let’s go back to the beginning. 

“Jude, you probably won’t watch and understand this until you’re a lot older. But when you do, I hope you see how much your papa and I love you and how crazy we are. This is what we had to go through. Well, a very small part of it. We weren’t able to vlog everything,” patatapos ni Janella. 

Magiging protective dad naman daw si Markus sa kanilang anak ni Janella hanggang sa paglaki nito. 

“To my son, my first born, my darling boy, there isn’t enough words to express how much love I have for you,” pahayag ng celebrity dad. 

“The minute I saw you I knew I would do anything in this world to protect you. And I can’t wait to introduce you to the world and hold you in my arms. Even you think it’s uncool and get mad at me as you walk off to your friends. And yes, I will be that dad.

“You are loved forever and always by your mother and I. And I welcome you, Jude Trevor Paterson to the world,” pagtatapos ni Markus. 

Bago ini-release ang video ay nagpatikim muna ang mom and dad ni Baby Jude ng posts tungkol sa kanya kahapon ng hapon, January 5 (Manila time). Subtle na sinabi na Janella na “it’s time” sa kanyang post na kasama ang silhouetted photo nilang mag-ina; habang “8pm” lamang ang sinabi ni Markus sa kanyang post na may kasama namang picture ng kamay ng bata.

Tila planadong-planado ng magkasintahan ang disimuladong pag-i-intro sa kanilang panganay. At gaya ng ibang celebrities na gumawa rin ng similar moves in the past, madali at magaan ang naging pagtanggap ng publiko sa kanilang paglantad lalo pa’t kitang-kita naman sa kanilang mga social media posts na tunay silang nagmamahalan. Ito ay base sa mga positive feedback at reactions ng Netizens sa pagpapakilala nila sa cute na cute na two months-old na si Baby Jude.

PANOORIN ang kabuuan ng vlog nina Janella at Markus tungkol sa pagdating ng kanilang Baby Jude dito:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janella Salvador saying 'I'm not allowed to jump' during Markus Paterson's IG live causes netizens to speculate she might be pregnant

Pika's Pick: Janella Salvador and Markus Paterson confirm relationship via respective sweet posts

Julia Barretto, genuinely happy daw para sa ex-bf na si Joshua Garcia at sa bago nitong ka-love team na si Janella Salvador

Janella Salvador tells former PA who accused her of underpayment and unfair treatment: “If you believe in your own lies and I really violated something, sue me."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.