Ito kaya ang sagot ni Michele Gumabao sa tanong ng netizens kung bakit siya nakipag-sanib puwersa kay Mocha Uson?

PHOTOS: @gumabaomichele on Instagram

PHOTOS: @gumabaomichele on Instagram

Ang latest Instagram post kaya ng volleyball superstar-turned-beauty queen na si Michele Gumabao ang sagot n’ya sa tanong ng netizens kung bakit siya nakipag-sanib puwersa sa controversial singer-turned-government-appointee na si Mocha Uson?

Matatandaan na last October 8, sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy, ay ginulat ni Michele ang publiko sa pagpo-post n’ya ng photo na kinunan sa COMELEC. Kasama n’ya sa nasabing photo Mocha Uson na kilalang staunch supporter ni Pangulong Duterte.

Isinumite ni Mocha at ni Michele that day ang kanilang certificates of nomination para sa party-list na MOCHA or MOthers for CHAnge Party-list. Si Mocha and first nominee at second si Michele. 

Pahayag n’ya sa Instagram that time, “It’s time we become mothers of a movement that will change our country. MOCHA MOthers for CHAnge Party-list.

”I’ve always said I would use the platform I was given to advocate and be a voice for women and the youth.”

Dagdag pa niya: “This is for every mother who sacrificed for us to be here right now. This is for those who made the choice to care and nurture others. For every woman who wants to be an author of change! This is for those who believe we can change for the better! 

“Party-lists are created for those who share the same advocacy and we want to work for a chance to help more people and make a bigger impact in our community @mochauson”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MG (@gumabaomichele)

Matapos nito ay dinagsa ng tanong si Michele ng mga netizens kung bakit naki-anib s’ya kay Mocha Uson na makailang ulit nang napabalita sa pagpapalaganap diumano ng mga fake news online in favor of the current administration. 

Marami rin ang nagpahayag ng disappointment sa kanyang naging hakbang. 

Hindi naman pumatol ang sister ni Marco Gumabao sa mga nangne-nega sa kanya.

At ngayong araw tila nakahanap ng panahon si Michele to finally address those who questioned her decision. 

“Why? [T]he answer is very simple. My mom taught me how to love like Jesus even if it hurts, even when people don’t understand, even when it seems crazy,” lahad ng Binibining Pilipinas Globe 2018 sa kanyang IG post kalakip ang photo nila ng mommy n’yang si Loli.

“My mom didn’t just tell my siblings and I how to love no matter who, to forgive no matter what and to be compassionate no matter what the cost, she lived it and showed us every day. She taught me to always see the good in every person and in every situation,” pagpapatuloy pa ng former PBB housemate. 

In short, tila ipinakaka-hulugan niya na hindi siya judgmental kaya’t nakikita niya marahil ang “good” kay Mocha na hindi nakikita ng mga detractors nito.

“We can’t just hope, post, tweet or wait for change to happen, we have to work for it and it should start right now. This pandemic showed all of us that life is finite and tomorrow might not come, do what you can today,” pagtatapos ni Michele.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MG (@gumabaomichele)

Umani naman ng positibong reaksyon ang IG post na ito ni Michele na, at press time, ay meron ng magigit 10K hearts.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.