It’s new year, new baby for Iya Villania and Drew Arellano!

Taong 2014 nang magpakasal sina Drew at Iya. Noong 2016 naman sila biniyayaan ng unang anak, si Primo, na sinundan ni Leon noong 2018, at ng daughter nilang si Alana in 2020. And this 2022 magkaka-additional bundle of joy pa ang Team Arellano.

PHOTO: @iyavillania on Instagram

Taong 2014 nang magpakasal sina Drew at Iya. Noong 2016 naman sila biniyayaan ng unang anak, si Primo, na sinundan ni Leon noong 2018, at ng daughter nilang si Alana in 2020. And this 2022 magkaka-additional bundle of joy pa ang Team Arellano.

May buena mano’ng pasabog si Kapuso TV host-actress Iya Villania ngayong pagpasok ng 2022 dahil buntis s’ya sa Baby No. 4 nila ng mister n’yang si Drew Arellano.

Naganap ang big revelation ng aktres sa ngayong araw, January 3, sa first episode ng morning show n’ya na Mars Pa More for this year. 

Ikina-excite ng co-hosts n’yang sina Camille Prats at Kuya Kim Atienza ang good news na ito ni Iya.

Hindi nga napigilan ni Kuya Kim, na ninong din sa kasal nina Iya at Drew, na bumati sa mag-asawa sa kanyang Instagram post . 

“CONGRATS to my inaanaks @iyavillania and @drewarellano on baby no 4! You two are blessed!” pahayag ni Kuya Kim sa kanyang IG post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Matatandaan na sa Mars Pa More din last September nang aminin ni Iya na gusto n’yang magbuntis pa para sa fourth baby nila ni Drew bago sana s’ya umabot sa kanyang “cutoff” time. She’s turning 36 na daw kasi this 2022. 

Sa kasunod na virtual press conference naman ni Iya ngayong araw din para sa third season ng Eat Well, Live Well, Stay Well; natanong din siya tungkol dito. And according to her, akala nga raw niya ay pang-huli na nila ang kanilang unica hija. But she’s really wishing na maka-isa pa dahil naliligayahan daw siya sa tuwing nakikitang naglalaro ang tatlong anak nila.

“Akala ko tapos na at si Alana na ang last pero hindi pa pala… Ramdam ko na kapag nakikita ko silang naglalaro parang mas masaya pa kung may isa pa sana,” ani Iya.  

Taong 2014 nang magpakasal sina Drew at Iya. Noong 2016 naman sila biniyayaan ng unang anak, si Primo, na sinundan ni Leon noong 2018, at ng daughter nilang si Alana in 2020.

So, this 2022 may additional bundle of joy ang Team Arellano.

Bago pa man nag-announce si Iya ay may pahaging na tungkol dito ang husband niyang si Drew sa naging new year post nito sa Instagram by using a euphemism for pregnancy in his caption that read: “Thanks to everyone who made our 2021 awesome and ‘interesting’😂!

Congratulations, Iya and Drew!

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.