Naglabas na ng hatol ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB para sa noontime show na It’s Showtime dahil sa mga isyung kinasasangkutan nito.
Sa desisyon inilabas ng ahensya ngayong araw, September 4, pinatawan nito ng 12-day suspension ang Kapamilya program na ume-ere sa Kapuso channel. Nangangahulugan ito na hindi eere ang It’s Showtime for 12 airing days.
“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) issued today, 04 September 2023, its decision to suspend the live noontime program ‘It’s Showtime!’ for twelve (12) airing days,” pahayag ng government agency sa inilabas nitong statement.
Nag-ugat ang desisyon ng Board dahil sa umano’y indecent manner kamakailan ng mga hosts and partners in life na sina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na Isip Bata.
Maraming manonood daw ang nagreklamo sa MTRCB dahil sa umano’y pananaw ng mga ito na may bahid ng kalaswaan ang pagkain nina Vice at Ion ng icing sa nasabing segment.
“Viewers have lodged multiple complaints before the MTRCB concerning the show’s 25 July 2023 episode wherein the program’s hosts allegedly acted in an indecent manner during one of its segments, ‘Isip Bata,’ saad pa sa inilabas na pahayag.
“The said case was referred to the MTRCB’s Hearing and Adjudication Committee which heard the case and required the respondents to submit their position papers, following a procedural process.”
Sa kabila nito, binibigyan ng 15 days ang pamunuan ng It’s Showtime para maghain ng Motion for Reconsideration pagkatanggap nila ng desisyon.
“In accordance with the Presidential Decree (P.D.) No. 1986 (MTRCB Charter), the respondents may file one Motion for Reconsideration (MR) within fifteen (15) days after receipt of the decision,” sey ng MTRCB.
“Should the Board’s Decision be adverse to the respondent’s MR, they may appeal to the Office of the President within fifteen (15) days from the receipt of the decision on the MR.”
Hindi ito ang unang beses na nasuspende ng MTRCB ang It’s Showtime. Unang napatawan ng 20-day preventive suspension ang noontime show noong 2010.
And recently, makailang beses na rin umanong inireklamo ng viewers ang programa kaya makailang beses din itong nagbigyan ng warning dahil sa ilang paglabag.
Ang una ay ang pagbanggit ng mga hosts na sina Jhong Hilario at Vice Ganda sa salitang “G Spot” noong January 24, 2023 episode, at ni Vhong Navarro naman sa sarilitang “Tinggil’ noong June 3, 2023 episode.
Ayon sa MTRCB, paglabag ang mga ito sa Section 2 (B) ng Chapter IV of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree (P.D.) No. 1986.
Bukod pa rito, nakatanggap na rin ng warning mula sa Board ang It’s Showtime dahil nabanggit din sa programa ang salitang “Pek Pek Shorts” noong January 9, 2023, pati na rin dahil sa “indecent attire and performance” ng singer-dancer na si Kim Duenas.
Samantala, ibinasura naman umano ng Board ang iba pang complaints laban sa It’s Showtime na hindi nila nakitaan ng merito.
![](https://www.pikapika.ph/ckeditor/photos/18/MTRCB/375052120_10161641302928783_786005941098104305_n.jpg)
![](https://www.pikapika.ph/ckeditor/photos/18/MTRCB/375053897_10161641302923783_6369609128948865762_n.jpg)
YOU MAY ALSO LIKE:
Wally Bayola, tikom sa isyu ng pagmumura; handa sa anumang parusang ipapataw sa kanya ng MTRCB
The Butcher | How will the MTRCB deal with the noontime miscreants?
Rendon Labador, may hamon kay MTRCB chairperson Lala Sotto: "Tatay mo o kapakanan ng Pilipinas?"
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber