Ivana Alawi, ginawang milyonarya ang ina in less than one minute!

Photos: @ivanaalawi / screengrab from Ivana Alawi YouTube Channel

Photos: @ivanaalawi / screengrab from Ivana Alawi YouTube Channel

Isang milyon piso ang birthday gift ni Ivana Alawi sa kanyang ina!

Ito ang content ng kanyang Ivana Alawi Youtube Channel November 13 upload.

Ani Ivana, gusto raw kasing makabawi sa kanyang “reyna,” ang kanyang Mama Alawi, na nagdiwang na ng kaarawan kamakailan. Pero hindi raw siya nakasama nang mag-dinner ang pamilya nila dahil sa may sakit siya.

Sa umpisa pa lang ng vlog ay binanggit na niya kung bakit iba ang boses niya dahil dalawang linggo na raw siyang may sakit. Pero ’wag daw mag-alala, dahil tatlong beses na raw siyang nagpa-PCR Swab test at lahat naman ay negatibo ang resulta.

“Hindi siya COVID, don’t worry,” saad pa niya.

Nauna na raw nagbigay ang mga kapatid niya na sina Hashim at Mona Alawi ng tig-100K. 

“Si Mama kasi, ayaw niya ng gamit kasi sayang. Gusto niya ’yung makakabili ng pagkain para sa ibang tao. ’Yun ang gagawin niya.”

At sinorpresa nga ni Ivana ang kanyang ina ng sampung cheque na may tig-100,000 pesos na laman. Nasa The Vineyard, Tanauan, Batangas sila nang gawin ito ni Ivana sa tulong din ng mga kapatid niya.

“Hindi ko nakuwento sa inyo, si Mama kasi, mahilig siyang mag-pitas na never niyang na-experience... Gusto niyang pumitas ng orange sa Sagada. At saka, kapag may nakita siyang puno na may prutas, sabihin niya, ‘Sarap pumitas.’  Sa America, tumatakbo sa bahay ’yan para pumitas do’n sa may road.”

Takot daw siyang cash ang ibigay dahil baka mawala.

“Kasi, ayoko ng cash. Baka mawala. [Baka] ’yung one million biglang naging one hundred thousand na lang.”

Ang orihinal na plano raw sana ni Ivana, iparanas sa Mama niya ang luxury island na Amanpulo. Pero ayaw ng Mama niya dahil namamahalan. Sayang daw ang pera.

Kaya ang ginawa ni Ivana, dinala na lang niya ang Mama niya at ang pamilya sa Vineyard kunsaan, nag-stay sila sa dalawang villa. Isa sa attractions ng lugar ay ang perk na p’wedeng mag-grape picking ang mga guests.

At dahil mahilig ngang mamitas ng prutas si Mama Alawi, dito nila siya dinala. Pero instead na ubas, isinabit ni Ivana sa ubasan ang sampung cheque na nakabalot sa plastic at ikinalat iyon sa ubasan.

At saka nila inorasan ang ina habang masayang pakikot-ikot na namimitas. At dahil nga mahilig mamitas, hindi pa rin ito nakatiis pumitas ng ubas sa gitna ng paghahanap sa mga tseke. Tumitili din ito habang sumumusumpa na babalika niya ang mga nakalambiting grapes.

Tuwang-tuwa naman ang Mama ni Ivana na nagpasalamat sa anak at saka sinabing, “Milyonarya na ’ko!” pagkatapos bilangin ang sampung cheque na napitas.

 

YOU MAY ALSO LIKE:
Ivana Alawi, masayang nagawan ng paraan ang pag-ge-guest niya sa music video ng Fil-Am singer na si Bella Poarch kahit hindi siya nakapunta sa US

Ivana Alawi, muling namigay ng ayuda

Ivana Alawi, nag-walk out sa ka-date noon dahil “ang sama ng ugali.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.