Ivana Alawi, nagpapasalamat na siya ang na-Covid at hindi ang kapatid na si Mona; “Lord, wag lang talaga si Mona...”

After two years nang pagiging Covid-free ay hindi rin pinaligtas ng Omicron variant ang actress-vlogger na si Ivana Alawi pati na rin ang kanyang mama at kapatid na si Hash. “Two years, guys, ever since na lumabas ang virus na ’to, sobrang maingat ako. Palagi akong nag-a-isolate kapag lumalabas, kapag may trabaho. Sa dami-rami ng swab test, minsan three times a day dahil sa trabaho, sa mga shoot, palaging negative. “Sanay na sanay ako na negative. So, itong 2022, first time kong mag-positive sa buhay ko. Nagulat ako.”

Photos: @ivanaalawi / screengrab from Ivana Alawi YouTube Channel

After two years nang pagiging Covid-free ay hindi rin pinaligtas ng Omicron variant ang actress-vlogger na si Ivana Alawi pati na rin ang kanyang mama at kapatid na si Hash. “Two years, guys, ever since na lumabas ang virus na ’to, sobrang maingat ako. Palagi akong nag-a-isolate kapag lumalabas, kapag may trabaho. Sa dami-rami ng swab test, minsan three times a day dahil sa trabaho, sa mga shoot, palaging negative. “Sanay na sanay ako na negative. So, itong 2022, first time kong mag-positive sa buhay ko. Nagulat ako.”

Kakaiba sa usual vlog entry ng sexy actress at sikat na vlogger na si Ivana Alawi ang latest upload niya kahapon, January 15. 

Walang make-up at kitang-kita na malungkot ito. At sa title pa lang ng vlog niya, giveaway na na isa rin pala siya sa mga celebrities ngayon na nag-positibo sa COVID-19. 

At ito ay sa kabila ng sa halos dalawang taon ng pandemic, kilala na maingat si Ivana at ang pamilya niya na makakuha ng virus.

“Hindi ko alam kung paano ko i-start ang vlog na ’to, kasi usually ang ginagawa kong content, nagpapasaya. Gusto ko na nagpapataba ng puso, nakakagaan ng loob. Pero ‘yun nga, itong vlog na ito, hindi siya gano’n,” bungad  niya. 

“Masasabi n’yo na sa hitsura ko at sa title ng vlog, I’m not in a good position. Wala ako sa lugar na kaya kong magpasaya ngayon kasi, ang bigat-bigat nang pinagdadaanan ko ngayon.” 

January 9 nang mag-post siya ng Twitter na: “Di ka nakakatuwa 2022.” At dalawang linggo ang lumipas bago siya nakapag-vlog muli.

Ang dahilan nga ay ang pagpo-positibo niya, ng kanyang ina na si Mama Alawi at ang kapatid niyang lalaki na si Hash Alawi sa COVID-19.

Maingat si Ivana simula pa lang nang magkaroon ng COVID-19. Ipinagpalit niya ang dapat ay launching serye na niya sa Kapamilya network noong 2020 at mas pinili na mamalagi nalang sa bahay lang dahil sa takot na makapag-uwi siya ng virus sa bahay nila, Pinaka-iiwasan nila kasing mahawahan ang kapatid na si Mona Alawi na isang diabetic. 

Ang maingat at fully-vaccinated Mama ni Ivana ang pinaka-una raw nag-positibo sa COVID-19 among them. 

“The virus that we really tried to stay away [from], na hindi magkaroon e, nagkaroon kami,” halatang frustrated na lahad niya.

“Two years, guys, ever since na lumabas ang virus na ’to, sobrang maingat ako. Palagi akong nag-a-isolate kapag lumalabas, kapag may trabaho. Sa dami-rami ng swab test, minsan three times a day dahil sa trabaho, sa mga shoot, palaging negative.  

“Sanay na sanay ako na negative. So, itong 2022, first time kong mag-positive sa buhay ko. Nagulat ako. Feeling ko, sobrang maingat, naka-vaccine na kami. Hindi ako lumalabas ng bahay. Kunwari may kailangan ako sa mall, hindi ako ang nagpupunta ro’n, ’yong driver namin. Hindi talaga. 

“Noong New Year, December 31, hindi ako lumabas. Natulog lang ako. Nagising ako ng mga fireworks. Pero no’ng time na ’yon, wala kaming COVID, wala kaming lahat na COVID.” 

At kahit daw alam niyang may gimmick ang mga kaibigan niya, hindi siya sumasama at umiiwas siya dahil alam niyang may COVID pa rin.

Pero ayon din kay Ivana, wala rin naman daw dapat na i-blame kung nag-positibo man silang tatlo sa pamilya. 

Ang Mama Alawi nga raw ay naka-tatlong RT-PCR swab test daw bago nalaman na positive nga. ’Yong dalawang naunang tests ay negative naman daw ang resulta. 

Pero dahil may ibang nararamdaman ang Mama niya kaya umabot hanggang tatlong beses itong nagpa-swab.  

“Pero simula no’ng time na feeling niya may lagnat na siya, may ubo na, tapos sobrang sakit ng ulo, nag-isolate na siya. Tapos palagi siyang naka-mask. Kahit nasaan siya, palagi siyang naka-mask. Sa loob ng bahay, hindi na siya lumabas. 

“Naka-two swabs na siya, negative, sabi ko, ‘Ma, baka overthinking na yan or flu lang.’ Kasi, ang daming nagkakasakit. Pinipilit niya ’ko, nagpa-antigen siya no’ng time na ’yon, positive. So, sabay-sabay kaming nagpa-PCR, kami ni Moana, thank God, negative kami.” 

Habang nagsasalita si Ivana ay makikita rin ang pag-ubo niya. Pinilit nitong hindi maluha o maiyak dahil alam niyang mas magiging mahirap sa situwasyon niya.

Sa palagay niya raw, ang Mama niya sa kanilang tatlo ang pinaka-malala ang naramdaman. Halata rin sa boses ni Ivana habang nagkukuwento kung paano ito naapektuhan nang malamang worried na worried ang kanilang Mama na baka nahawahan nga niya sila.

“Ang una niyang tinanong, hindi man lang, ‘Oh my god, positive ako.’ Ang sabi niya, si Mona, negative ba? Kayo, negative? Parang mas inisip niya kami kesa sa sarili niya na positive. 

“So, noong malaman namin na nag-positive si Mama at saka may symptoms, hindi na talaga kami lumabas.” 

Nagpa-alala rin si Ivana at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging responsable para sa iba na hindi makahawa kung nag-positibo o na-expose sa iba. 

“Kailangan mong i-consider ang sarili mo na exposed kapag may symptoms ang isang tao. You have to take responsibility and you have to take accountability. 

“If you are exposed or you’re feeling not well, wag ka nang lumabas. Maghintay ka ng five days. Mag-isolate ka at magpa-PCR ka. Kasi, ang hirap talaga guys. Ang hirap kapag ikaw or any of your family members or your loved ones got COVID.”

Hanggang sa matapos ni Ivana ang vlog ay hindi pa rin daw siya cleared sa COVID-19. Ayon pa sa  paglalahad niya, ikalawang araw raw pagkatapos niyang ma-test na negative saka lumabas ang mga symptoms niya. 

“Sumasakit sobra ang ulo ko at ang sakit ng katawan ko,” saad niya. 

“Natutulog lang ako… nag-test ako, nagulat ako, biglang positive, e. Alam mo ’yung nasa utak mo

na negative ka na sa PCR, pero ang bilis talaga nitong [Omicron] variant na ’to na kumalat.” 

Bukod dito, naramdaman din niya na hirap na hirap daw siyang huminga.  

“Hindi ko alam kung saan ako hihinga. Para akong nasa swimming pool. Humihinga ako sa bibig ko. Hanggang bibig lang ang kaya ko. Kahit anong gawin ko sa ilong ko. Nag-steam ako, nagsuob ako.  

“Hirap na hirap talaga ako. Kapag natutulog ako, buti na lang automatic ang bibig ko na huminga siya.” 

Kuwento pa rin ni Ivana, okay lang daw kung nag-positibo man siya basta’t huwag lang ang bunso nilang si Mona. 

“Sabi ko, ‘Lord, kung bibigyan mo kami ng COVID, okay lang na ako na lang, huwag lang si Mona. Huwag lang talaga si Mona. Kasi, hindi na niya kaya. Ang dami na niyang sakit. 

“So, okey lang, noong nalaman ko na positive ako, nakapag-isolate na ’ko. Na-sad si Mama, pero it’s no one’s fault. Walang dapat sisihin. Nag-follow naman ng protocol, nag-mask, nag-isolate. Hindi talaga siya maiiwasan pero walang may kasalanan.

“Feeling ko, may kasalanan ka kapag may symptoms ka, tapos lumabas ka or ayaw mong magpa-test.” 

Thank God at negative naman si Mona at ang Ate niya na si Amira Alawi.

Mensahe pa rin ni Ivana—na sa loob lang ng apat na oras ay sumampa na agad sa mahigit 1 million views ang “Our Covid Journey” vlog niya—na: “Please be safe. Wear your mask. No one is above the law. Tandaan n’yo yan. Kahit sino ka man, kung hindi ka law, hindi ka p’wede mag-inarte. At hindi ka p’wedeng mag-break ng law. Okay? Get that in your mind.” 

Sa ngayon, nagpapasalamat pa rin daw sila sa Panginoon dahil ang importante, magkakahiwalay man sa pagku-quarantine, buhay pa rin silang lahat.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.