Iya Villania, gusto ng Baby No. 4 bago umabot sa kanyang “cutoff”

Gusto pa sana ng isang anak ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano bago pa tuluyang magka-edad si Iya. Pero nasa Itaas daw ang desisyon kung sakali. “Oo sana kasi hindi naman ako talaga ang magsasabi ng oo.  Hindi rin ako makakapagsabi ng hindi. Kasi minsan 'yung iba humi-hindi pero nabubuo pa rin, 'di ba?”

PHOTO: @iyavillania on Instagram

Gusto pa sana ng isang anak ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano bago pa tuluyang magka-edad si Iya. Pero nasa Itaas daw ang desisyon kung sakali. “Oo sana kasi hindi naman ako talaga ang magsasabi ng oo. Hindi rin ako makakapagsabi ng hindi. Kasi minsan 'yung iba humi-hindi pero nabubuo pa rin, 'di ba?”

Open daw ang TV host-actress na si Iya Villania na muling magbuntis with Baby No. 4 nila ng mister n’yang si Drew Arellano. 

Inamin n’ya ito sa Mars Pa More co-host niyang si Camille Prats kahapon, September 29, during the “Tarantanong” segment ng morning show nila.

S’ya kasi ang napiling sumagot sa tanong na binabasa ni Camille sa LED screen.

Ang tanong kay Iya: “Bago matapos ang 2021 masusundan ba si Duday?”

Si Duday ang one-year-old Baby Girl nila ni Drew na Alana ang tunay na pangalan.

Napatili muna ang Kapuso star bago n’ya ibinigay ang kanyang sagot.

Wala bang ‘sana’? Sana oo,” sagot ni Iya.

Paliwanag ng Chika Minute anchor, hindi naman daw kasi s’ya ang talagang makakapag-decide kung preno na ba sila ni Drew sa pagkakaroon ng bagong anak o kung isang push pa. 

Oo sana kasi hindi naman ako talaga ang magsasabi, Mars, ng oo,” lahad ni Iya sa show. “Hindi rin ako makakapagsabi ng hindi. Kasi minsan 'yung iba humi-hindi pero nabubuo pa rin, 'di ba?

Pero kung s’ya daw ang masusunod ay oo daw talaga ang sagot n’ya. 

Ikina-excite naman ito ng co-host n’yang si Camille. 

Abang-abangers na lang tayo, Mars,” natutuwang pahayag ni Camille sa viewers. 

Dagdag pa ni Camille: “Itong si Mars Iya kasi hindi ito mahilig mag-announce ng pagbubuntis n’ya. Makikita mo na lang na, ‘Oh… Mars, what’s that?’ ’Yon na pala ’yon, Mars.”

Sakay naman ni Iya sa observation ni Camille sa kanya noon, “‘Mars, napapadalas yata ang kain mo ng mga…’”

Balik ni Camille sa kanya, “Saka, Mars, ‘Bakit panay ang idlip mo lately?’ Ganu’n.”

“’Yon, Mars,” pagsang-ayon ni Iya. “Sana, sana. Let’s see kung maybe this year.”

Tila pag-e-encourage pa ni Camille sa kanyang co-host, “May ilang buwan pa naman tayo [sa 2021], Mars.”

Hiling ni Iya, kung mangyayari daw ito ay sana within this year na para kung manganak man s’ya ay next year na kaagad. Iniisip daw kasi n’ya ang kanyang edad because she’s turning 36 in 2022. 

Pero ’yong cutoff ko, Mars…dapat sana next year, e, manganak na ako kung sakali. Kasi, you know, mahirap na, guys. Time is ticking. Hahaha!” pagtatapos ni Iya.

Taong 2014 nang ikasal sina Drew at Iya. In those years, biniyayaan sila ng taong anak na sina Primo, Leon, at Alana.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.