Iya Villania, inaming hindi ang mister na si Drew Arellano ang tipo niyang lalaki noon

PHOTOS: @iyavillania on Instagram

PHOTOS: @iyavillania on Instagram

Aakalain n’yo ba na bagama’t maituturing na #RelationshipGoals ang tandem ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano ay hindi daw pala ang tulad ni Drew ang tipong lalaki ni Iya?

Inamin ito ng actress-TV host sa Kapuso morning show nila ni Camille Prats na Mars Pa More kahapon, April 27. 

Napag-usapan kasi nila ang “check point” sa relationship kung saan nag-share nga si Iya kung paano ba nagsimula ang love story nila ni Drew at kung saan na ito patungo sa ngayon. 

“Nagsimula kami as love team. Alam mo ‘yon, ‘di ba, sa Click, nagsimula kaming love team,” pagre-recall ng Mars Pa More co-host.

Dito na rin n’ya inamin na hindi daw talaga n’ya type noon ang kanyang mister. 

“I never thought that I would actually marry Drew,” pag-amin ni Iya. “Kasi hindi naman ‘yan ‘yong type ko. Hindi ‘yan ‘yong type ko, mars.

However, sa pagdaan daw ng panahon ay na-realize n’ya na talagang ang Kapuso TV host ang kanyang “the one.”

“But now that we’re married, he turned out to be everything that I wanted. Wow!” natatawang pagbabahagi ni Mrs. Arellano. 

Matatandaan kasi na 10-years din na naging magkasintahan ang celebrity couple bago sila nagpakasal at bumuo ng sarili nilang pamilya. 

Alam mo, mars, ang nakakatuwa, even including becoming the athlete that he is, the businessman that he is, you know, these are the things na parang I never realized that these are the things that I wanted. And it’s what he is,” lahad pa ng Filipino-Australian TV host sa show. 

Tsika pa n’ya sa mga plano nila ng kanyang asawa, sa ngayon daw ay pinaghahanadaan na nila ang kanilang retirement. 

Sa’n ba kami papunta? Well, nandu’n na kami, papunta na kami sa… we are preparing for our retirement home,” natatawang pagbabahagi n’ya sa co-host na si Camille.

“We’re just planning ahead,” she went on. “We secured na a place where we plan to grow old together. You know, kids are eventually doing their own thing so parang we already invested in a place where we plan to grow old together. So doon kami papunta, mars.

Bawi naman n’ya sa mga nauna n’yang sinabi, “Pero sana hindi s’ya sana [nangyari agad] in the near future, no? Hahaha! In the future. Nasa future s’ya.”

It was in January 2014 nang magpakasal sina Drew at Iya sa Batangas, at makalipas ang pitong taon ay biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Primo, Leon, at Alana.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Iya Villania shares her bar muscle up blooper at the gym on IG

Iya is perfectly comfortable breastfeeding in public

Pika's Pick: Iya Villania interviews Hollywood actors Dwayne Johnson aka The Rock and Kevin Hart; Iya’s celeb friends were ecstatic for her

PIKACUTIE MONDAY | 5 wacky pictures of baby Leon Arellano that will make you laugh

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.