Iya Villania, umaming naging “kontrabida” sa buhay ng asawang si Drew Arellano

PHOTOS: @iyavillania on Instagram

PHOTOS: @iyavillania on Instagram

Inamin ng Kapuso TV host-actress na si Iya Villania na naging kontrabida s’ya sa buhay ng asawang si Drew Arellano dahil tutol s’ya noon sa pagpapa-tattoo at pagmo-motorsiklo nito. 

Ito ang ibinahagi n’ya sa morning talk show nila ni Camille Prats na Mars Pa More last July 5 kung saan usapang kontrabida ang naging topic nila. Ang mga kontrabida kasi ng upcoming TV series na Voltes V Legacy na sina Martin del Rosario at Epi Quizon ang naging guests nila sa programa.

K’wento ni Iya, nangyari daw ito nu’ng magkasintahan pa lang sila ng kanyang mister na si Drew. 

Aminado ako na kontrabida ako minsan sa life ni Drew. At na-realize ko s’ya kasi… There was a time na mag-d’yowa pa lang kami, kontrabida ako sa pagkakaroon n’ya ng tattoo,” pag-amin ng Filipino-Australian TV host sa show.

Parang gusto n’ya ayusin,” pagpapatuloy n’ya. “I said, ‘No, your body is a temple of God. You shouldn’t do that to your body…’ Ang dami kong sinasabi.” 

Feeling daw kasi n’ya noon na walang pakialam si Drew sa kanyang saloobin. 

Nagpa-tattoo s’ya. Iyak ako. ‘You don’t love me. You don’t care what I have to say…’ Only for me to realize na inggit lang pala ako. Gusto ko rin palang magpa-tattoo,” natatawang sabi n’ya na ikinatawa rin ng mga kasama n’ya sa set.

Paliwanag pa ni Iya, “Kasi, I think, I wanted to have some sense of control over him…the same sense of control that my mom has and my parents have over me. Kasi I thought I wanted to have that kind of control over him.”

Sinegundahan naman ito ng co-host n’yang si Camille by saying, “Kasi ‘yon ‘yong way mo of showing love or accepting love.”

Umiral din daw ang pagiging “kontrabida” noon n’ya sa pagmomotorsiklo ni Drew.

Kahit sa pagmo-motor. ‘Don’t ride a bike. [Baka] maaksidente.’ Ganyan-ganyan... Ang ending, bibili lang din pala ako ng gear ko para makasakay din ako sa kanya,” lahad pa n’ya na muling ikinatawa nina Camille, Epi, at Martin. 

Dadag pa n’ya addressing the viewers, “The reason why I’m sharing this because I feel like there are a lot of mars out there who don’t realize na nagiging kontrabida sila only because they want some sense of control or naiinggit sila because gusto rin nilang makalabas. So mga mars, magpaka-totoo.

Naiintindihan naman daw ni Epi ang hugot ni Iya na bilang magka-relasyon, kailangang nanggagaling sa kanilang dalawa ni Drew ang pagde-desisyon sa isang bagay, hindi sa isa lang. 

Ang ending, sobrang na-appreciate ko din ‘yong tattoo n’ya. So, feeling ko it’s the sense of control [ang ugat],” sagot naman ni Iya. 

“As long as it’s not a name of another girl…” hirit ni Epi sa kanya tungkol sa tattoo ni Drew.

At muli na naman silang nagtawanan. 

Noong January 2014 nang ikasal sina Drew at Iya sa Batangas at biniyayaan ng tatlong anak—sina Primo, Leon, at Alana—ang kanilang pagsasama.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Iya Villania shares her bar muscle up blooper at the gym on IG

Iya is perfectly comfortable breastfeeding in public

Pika's Pick: Iya Villania interviews Hollywood actors Dwayne Johnson aka The Rock and Kevin Hart; Iya’s celeb friends were ecstatic for her

PIKACUTIE MONDAY | 5 wacky pictures of baby Leon Arellano that will make you laugh

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.