Jackie Lou Blanco sa posibilidad na magkabalikan sila ni Ricky Davao: “If it’s God’s will, I’d like to be able to get the chance. After all, we’re still married—legally, we’re still married.”

May hiling lang daw si Jackie Lou Blanco kay Lord kung sakali mang may plano itong buuing muli ang kanilang pagsasama... “S’yempre sabi ko kay Lord, ‘Kung plano mo man ’yon, wag naman ’yong otsenta [anyos] na kami... ’yong parang p’wede pa sanang...okey pang maglakad. Hahaha!”

Photos: GMA-7 and @jackeilou.blanco

May hiling lang daw si Jackie Lou Blanco kay Lord kung sakali mang may plano itong buuing muli ang kanilang pagsasama... “S’yempre sabi ko kay Lord, ‘Kung plano mo man ’yon, wag naman ’yong otsenta [anyos] na kami... ’yong parang p’wede pa sanang...okey pang maglakad. Hahaha!”

Kahit anong effort namin ng pagre-recall ay hindi namin matandaan kung kailan at bakit naghiwalay ang mag-asawang Ricky Davao at Jackie Lou Blanco.

Basta’t naramdaman nalang kasi sa showbiz na nasa ganoong estado na sila pero kahit magbuklat ka ay walang nakabuo ng istorya ukol sa hiwalayan nila.

Inamin din nila ito kalaunan. Pero walang nagtatangkang mag-urirat ng mga detalye. That’s one proof kung gaano sila karespetado sa industriya. We remember reading an article na maski si Jackie Lou ay hindi na rin ma-recall ang exact na pinagmulan ng pagdi-drift apart nila.

And through the years, they’ve remained civil, of not friendly. Ramdam mo na there’s still so much respect for one another.

Kaya naman hindi naging mahirap na pagsamahin muli sila sa isang proyekto. It’s not really the first time. In fact, nai-direk pa ni Ricky si Jackie sa isang GMA teleserye, ang Because of You in 2015. But that was six years ago.

Ang daming na-excite sa muli nilang pagtatambal as mag-asawa sa papatapos ng mini-series na I Can See You: AlterNATE. Kahit hindi naman sweet-sweet-an ang role nila doon bilang kontrabida si Ricky doon, ay hindi pa rin maiwasang kiligin ng mga tao for them—ang mga tao sa set, mga co-actors nila including lead star Dingdong Dantes, mga members of the press during the press conference, at ang older generation of viewers na nakasaksi sa love story nila noong araw.

Pero kung may pinaka-kinilig man sa lahat, ito ay walang iba kundi ang mga anak nilang sina Ken, Rikki Mae, at Arabella.

During our one-hour virtual sit-down interview with Jackie Lou Blanco for our This is Showbiz online show, isa din s’yempre ang tungkol sa onscreen reunion nila ni Ricky Davao ang inusisa namin ni kasamang Butch Francisco.

At dahil nga may katagalan na ang huling pagta-trabaho nila, kaya aminado si Jackie Lou na may awkwardness din sa umpisa.

“It was awkward in the beginning pero you get to a point—and I think it’s also my age—na parang tama na, let’s ano na, let’s just move on and let’s just be happy na we’re able to work together.

“Sobrang kinikilig ’yong mga anak namin,” natatawang dagdag-info niya. “Walang tigil...everyday [they’d ask], ‘Oh, what happened na? Did you talk to  dad? Did you see him? Did you ganyan?’ Tapos, sinasabi ko kay Ricky, ‘Ang kukulit ng mga bata ’no?’ Sabi niya, ‘Oo nga, e.’”

Na-excite daw siya nang i-offer sa kanya ang AlterNATE project. But at the same time, nag-worry din na baka hindi tanggapin ni Ricky. Pero nalaman niya sa mga anak na nauna pa pala itong um-oo sa kanya.

“I really wanted to do it, but I asked the kids, ‘Do you think your dad will say yes?’ Kasi kung sa akin, okey lang. Okey na. Tapos sabi nila, ‘Yeah mom, he said yes na.’ ‘Talaga?’

This time around, tila mas friendly na raw ang atmosphere between them. At ang nakakatuwa pa doon, may lock-in ang mga shoots ngayon kaya’t nagkasama sila nang mahaba-habang panahon sa isang lugar.

Tukso nga namin, baka may nangangatok sa kuwarto niya sa gabi?

“Waley!” natatawang sagot ni Jackie.

Pero maraming cute at very high-school rom-com moments palang naganap between them.

“May istorya nga ako sa inyo,” volunteer niya. “Ano kasi ’yong place namin [ng taping], pagka day off, p’wede kang mag-jogging...

“I was jogging one time tapos from the corner of my eye nakita ko si Ricky Davao nandoon sa likod. Sabi ko, ‘Shit, babalik ba ako doon? Pupunta ba ako sa right or left?’ E, kaya lang wala ng way ’yong... parang ang weird kung gaganu’n [iiwas] ako. So, sabi ko, ‘Bahala na nga.’

“Di nag-ano na, nag-cross na ’yong paths... parang to my mind, sinasabi ko sa sarili ko, ‘Say something. Open your mouth. Don’t let it be uncomfortable.’

“Kasi nakikita ko siya nagwo-work out sa common area ...sabi ko, ‘What [work-out] app are you using?’ Kasi diba nga may mga exercise app? Sabi niya, ‘Ay, no, sa YouTube lang.’ Ako naman, ‘Ah, ’yon pala ’yong sinusundan mo.’

Unknown to both of them at that time, pareho pala silang nagkukumahog tumawag sa mga anak para i-report ang encounters nila.

“Eto ’yong nakakatawa sa amin... every time something like that would happen, right away I will call the kids. So, tawag ako kaagad, ‘Oh my gosh, your dad and I nagka-ano kami...’

“Wala pang five minutes tumatawag na din si Ricky sa kanila, ‘You know, your mom, she was following me.’  ’Yon ang sinasabi ni Ricky. Ang k’wento niya, I was following him daw. Niloloko...dino-joke niya   ’yong mga bata. So, nakakatawa kaming dalawa.  Ganu’n.”

But wait, there’s more!

“Tapos, eto na...e, di nagte-taping na. Basta nandoon lang ako sa isang side waiting for my take tapos si Ricky nandoon across me. Kita ko so, s’yempre inisip ko, ‘Ay, kunan ko nga ng picture padala ko sa mga bata.’ Kunwari, gumaganyan sume-selfie ako tapos take ako ng picture niya ta’s pinadala ko sa mga anak ko. Sabi ko, I took a picture of your dad.’

“S’yempre ’yong mga bata kinikilig. Wala pang five minutes, kinunan din pala niya ako ng picture at naipadala doon sa mga bata. Hahaha!

“Nakakatawa nga, sabi nga ng mga bata,  ‘Nakakatawa kayo, mom, para kayong mga bata.’ Sabi ko, oo nga. It was fun. And it was a happy set. Nu’ng kumukuha kami ng viber picture diba meron kaming mga [promotional] pictures na naka-ganu’n, naku grabe, si Dingdong [Dantes] nangunguna [kumuha ng pictures namin].

At dahil sa mga nakakakilig na k’wento niya, hindi namin napigilan ang sarili naming itanong kung minsan na bang naglaro sa isip niya ang thought na p’wede namang magka-“love is merrier the second time around” sila.

In short, is balikan a possiblility?

“Actually, to be honest with you, if it’s God’s will, I would like [that]...and my kids know this. And I think he knows this also. If it’s God’s will, I’d like to be able to get the chance. After all, were still married—legally, we’re still married. And I feel that probably there’s a reason why it’s still like that. But if it’s God’s will...always naman. Kung gustuhin ng Diyos, ’di okey lang.”

And having worked together again was a nice start. 

“It’s a very nice feeling na people want to see us together. Siguro it’s God time na rin na nagka-trabaho kami...we realize na kung anuman ’yong di magandang nangyari, p’wede mo na ’yon i-isang-tabi, diba? So, let’s see.”

May hiling law daw siya kay Lord kung sakali man.

“S’yempre sabi ko kay Lord, ‘Kung plano mo man ’yon, wag naman ’yong otsenta [anyos] na kami... ’yong parang p’wede pa sanang...okey pang maglakad. Hahaha!”

At this point, aminado nga si Jackie Lou na bahagi ng dasal niya ngayon ang magka-round 2 ang romance nila. Tila si Ricky Davao pa rin ang gusto niyang awitan ng kantang “Grow Old With You.”

“I dont know, siguro nilalagay ng Diyos sa puso ko ’yon na... and that’s also one of the reasons why I haven’t been with anyone in a long time. Unang-una, walang want sa puso ko. I guess if it’s part of my prayer how will the Lord grant my prayer if I’m with someone diba? So, let’s see. Hahaha!”

Kapit lang tayong mga umaasa. Ang #PieDu (Cherry Pie Picache and Edu Manzano romance) nga nangyari, e.

Baka p’wede rin sa #JaRick.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.