Jaclyn Jose, may banat sa pagbi-beast mode ni Pinky Amador: “Kinakaladkad mo mga artista kaya wala na nagtitiwala sa atin dahil sa mga katulad mo."

PHOTOS:  @kapusoprgirl & @arnoldvegafria on Instagram

PHOTOS: @kapusoprgirl & @arnoldvegafria on Instagram

Binuweltahan ng aktres na si Jaclyn Jose ang fellow actress na si Pinky Amador hinggil sa kumalat na video nito sa social media.

Sa video’ng nag-viral a few days ago, makikitang nanggagalaiti sa galit ang isang babaeng naka-facemask at pinagmumura nito ang mga staff ng isang diumano ay hotel sa Makati.  Kalaunan ay napag-alamang ang babae sa video—na kuha ng isang Netizen na naka-witness sa pangyayari—ay ang beteranang aktres na si Pinky Amador, na hindi naman nito itinanggi.

Sa video na nakunan, "beast mode" na nanghihingi ang theater, TV, and movie actress ng memorandum circular na tatlong linggo na daw n'yang hinihintay at hindi man lang daw ito maibigay sa kanya. Tungkol diumano ito sa pagtanggap ng building administration sa mga returning Overseas Filipino Workers [OFWs] na itinuturing mga Persons Under Monitoring [PUMs] kaugnay sa sakit na COVID-19.

Lumalabas sa video na tila late na nalaman ng aktres—na isa pala sa mga residente ng napag-alamang condo-tel—ang desisyon ng management na gawing quarantine facility ang nasabing condo-tel. Isang bagay ito na ikinatatakot n'ya para sa sariling kaligtasan. Hindi nga raw kasi sila agad na-inform ng building administrator. Na-expose na umano s'ya sa mga PUMs na nakasabay pa n'ya sa elevator.

At dahil below the belt nga ang binitiwang salita ni Pinky sa nasabing video, umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa publiko. 

May mga naka-unawa sa sentimyento ng aktres na nangangamba sa sariling safety at feeling na-betray ng building administration. Pero marami rin namang tila hindi makapaniwala sa inasal nito, lalo na ang pagpapakawala niya ng mura sa mga staff ng condo-tel na malamang, ayon sa Netizens, ay walang direktang kinalaman sa desisyon na iyon ng management ng building. Barking at the wrong tree, wika pa ng iba. 

 
Pinky Amador

Pinky Amador i feel you

Posted by Ifg media production on Monday, June 8, 2020
 
Dahilan ng pagka-beast mode ni Pinky Amador, alamin!

PANOORIN: Narito ang PART 2 ng video ng nangyaring pagmumura at pagkagalit ng aktres sa admin staff ng isang hotel kung saan malalaman kung ano ang naging tunay na dahilan ng insidente. BASAHIN ANG BUONG ISTORYA: https://remate.ph/tunay-na-dahilan-ng-pagka-beast-mode-ni-pinky-alamin/

Posted by Remate - Ang Diaryo ng Masa on Sunday, June 7, 2020

 

Kabilang ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa mga nadismaya sa napanood niyang viral video ng kapwa aktres na si Pinky. At dala marahil ng pagka-disgusto nito sa real-life eksenang napanood kaya naglabas ng sarili niyang saloobin si Jaclyn hinggil dito. 

Sa kanyang Instagram post kagabi, June 8, kinastigo ni Jaclyn si Pinky at kinampihan ang mga nabulyawang staff ng condo-tel.

“To Ms. Amador wag naman po ganun?" panimula ni Jaclyn sa kanyang IG post na direktang tumukoy kay Pinky. "Paano po ang mga kapatid asawa at iba pa lahi ng taong minura nio. Habang buhay nila dadalin pang lalait nio...

Binalaan din n'ya ang nag-viral na aktres na huwag takutin ang sinumang nag-video o nag-upload nito sa social media dahil ito lang umano ang “kakampi” nila.

"[M]edia at instgram lang lang amg laban nila...." pahayag pa ng premyadong aktress. "[D]o not persecute [ang taong] naglabas ng video kasi nanakot po kayo na sasaktan nio sila video lang kakampi [nila]..."

Kung noong una ay mukhang kalmado pa si Jaclyn sa kanyang pahayag, tila nagbago ang kanyang tono nang isalaysay na n'ya ang karaniwang sentimiyento ng mga COVID-19 frontliners, kabilang na nga ang mga staff ng nasabing condo-tel na ginawang quarantine facility.

“[F]ront liners po sila, na d nio alam kung paano sila nakarating trabaho? 3 weeks lock down d po ba?

Ani pa ni Jaclyn, pati ang ibang artistang gaya niya ay nadadamay tuloy sa pangba-bash ng mga tao dahil sa ginawang ito ni Pinky.

Kinakaladkad mo mga artista kaya wala na nag titwala sa atin dahil sa mga katulad mo.dinadamay nio kami na may puso sa katulad ng mga tao na ito. magpasalamat ka pumapasok pa [sila] sa kabila [ng] covid..heartless!! You piece of shit!! 

"How dare you @ this is my people nag sislbi alam mo ba pinag dadaanan nila just to get to work? Mag lalakad nakikipagsapalaran kung ano puede masakyan..tas mumurahin mo mula ulo ma parang nabili mo? Ikaw ang gaga! Tanga!

Sa huli, pinayuhan pa n'ya si Pinky na: “Mag mask ka at mag gloves ..or yet stay in your home you racist !!!!"
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose) on

 

Samantala, naglabas na din ng kanyang panig si Pinky hinggil sa nag-viral na video na noon pa palang June 5 nakunan. Wala rin daw siyang alam na kinukunan pala s’ya ng video noong mga oras na 'yon.

Sa magkakasunod na Instagram post sa account ng talent manager na si Arnold Vegafria last June 7 idininaan ng versatile actress ang kanyang paliwanag hinggil sa nangyari. Kasama rin sa kanyang statement ang paghingi n'ya ng tawad sa mga taong napagbuntunan niya ng galit. 

Aminado ang aktres na “there is no excuse” sa pagpapakawala niya ng mga “harsh words,” pero umaapila siyang sana ay maunawaan din ang sentiments niya na pangamba para sa kanyang well-being. Muli din niyang inihayag ang kawalan ng babala mula sa administrator ng tinitirhan niyang building na gagawin umanong quarantine facility. At ang pagpa-follow up niya ng notice ang siyang nag-trigger ng kanyang emotional outburst.

Narito ang kabuuan ng statement ni Pinky Amador:

“I have uttered harsh words and become very emotional in a video that has been circulating. There is no excuse for that behavior. Please understand however, that my emotion was the product of countless minutes of worrying for my safety and that of my neighbors, following up with building administration, and talking to my very emotional neighbors and friends. 

“I live in a Condo-Tel, that is a building that has units allotted for residents, and units allotted for hotel guests for a fee. 

“On 04 May 2020, our Condo-tel accepted 59 returning Filipinos without informing us of their being designated as a quarantine facility. 

“Of note is the fact that these returning Filipinos neither had the proper documentation with them upon entry, nor any indication that they were tested, or when their test results were arriving. 

“The residents wouldn’t have known of their arrival, if not for the witnesses who had seen them enter the premises of our Condo-tel. The residents were not notified about the designation, not the influx of these returning Filipinos, and that was a cause for alarm not just for me but for all the residents.

"As of 04 May 2020, the administration did not send any notice about the incident, issue any safety Covid19 related protocols, and delayed disseminating any such information to residents, thus risking everyone’s safety in the building. 

"I myself encountered two (2) new guests in our elevator. I knew they were guests since they had suitcases with them and were on the way to the 20th floor. However, I did not know
1. who they were,
2. whether they were current long staying guests which were allowed under the IATF issued rules, or
3. whether they were new guests which was not allowed under the IATF issued rules, except if they were Filipinos returning from abroad. 

“After that encounter, I have started fearing for my safety in my home, which should not be the case. Since I am not the only resident here, I was not the only one to witness the influx of new guests. Some of my neighbors were very upset, even in tears, when recounting their encounter with new guests in the hotel premises, as some of them take care of elderly parents or grandparents, or have children with them. 

"That is what fueled my ire when that video was taken, since some tenants have been calling me, in tears, with fear for their health, and that of their family members. 

"A neighbor posted a video on Facebook of one such encounter which was picked up by the Daily Tribune, a broadsheet, on 06 May 2020. Here is a link to the article on the Daily Tribute: https://tribune.net.ph/index.php/2020/05/06/makati-hotel-takes-in-ofws-alarms-residents/, in sum, we were exposed to new guests without any advice from the administration and without any protocols in place to protect the building’s residents. 

"We have gone to great lengths to acquire a circular from the administration about the incident, and of accepting returning Filipinos, and their current protocols in place, which we requested May 4, 2020 that they post in a public place so that all persons residing in the building would be notified of the incident, and the designation of the building as a quarantine facility. 

"We requested to post it inside our elevators to inform everyone, so they can step up their own safety protocols for their families. Our simple request was faced with little concern and no sense of urgency by the administration. 

"We simply wanted them to be transparent with us about the goings on in the building, and to inform us about any systems they have in place. 

"I cannot count the number of times I have tried to communicate this. My other neighbors also tried to do so, to no avail. That was utterly frustrating. 

“This is not just about me, or the other tenants but also for the staff and employees as well. It is troubling to watch them at administration behave as if Covid19 is not a serious matter, or that our lives do not matter. 

"Taking a video without my knowledge in a private property, and deliberately ignoring me (so as to inflame me further) with the intention to leak online, is to me, malicious, vengeful and a violation of the anti-wire tapping act. 

"Since I have started living in this building, I have made friends with my neighbors who have included me in this building’s community. It is a community which includes the administration and something the administration has neglected, repeatedly. 

"What the administration fails to understand is that their actions have an impact not just on their health, but that of the residents’ too. Being responsible means being responsible for everyone, not just yourself, but also others. 

“I am not perfect, far from it. Under these stressful times, when pushed to the limit, how far will you go to protect your loved ones? 

"Sa mga nasaktan ko, I am truly sorry, pero ipinaglaban ko lang ang karapatan natin mabuhay ng ligtas sa sakit.”
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Arnold L. Vegafria (@arnold_vegafria) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Arnold L. Vegafria (@arnold_vegafria) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Arnold L. Vegafria (@arnold_vegafria) on


Sa ngayon wala pang direktang sagot si Pinky sa mga pahayag ni Jaclyn Jose.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.