Jak Roberto, nagtataka kung bakit hindi marunong magselos ang girlfriend na si Barbie Forteza

Sa bago niyang teleseryeng Stories From The Heart: Never Say Goodbye, level up na raw ang tinaguriang Pambansang Abs dahil hindi na abs ang ipapakita niya dito kundi acting skills na sa drama.

PHOTOS: @jakroberto on Instagram

Sa bago niyang teleseryeng Stories From The Heart: Never Say Goodbye, level up na raw ang tinaguriang Pambansang Abs dahil hindi na abs ang ipapakita niya dito kundi acting skills na sa drama.

Ibinida ng aktor na si Jak Roberto na talagang supportive sa kanya ang nobya n’yang si Barbie Forteza. In fact, patas daw ang excitement nila para sa upcoming teleserye niyang Stories From The Heart: Never Say Goodbye, kahit hindi kasali dito ang nobya niya. 

Sinabi n’ya ito sa virtual media conference ng nasabing TV series last October 12. Natanong kasi ang Kapuso actor ukol sa reaction ng kanyang kasintahan ngayong may bago s’yang project at hindi sila ang magkatambal.

Kahit saan siguro ako mag-guest, kahit dumaan lang ako [sa camera frame], napaka-supportive po n’yan, ni Madam [term of endearment n'ya kay Barbie], ng mahal kong ’yan,” masayang lahad ni Jak.

“Talagang s’ya mismo ang nagpo-post [sa social media para mag-promote]. S’ya mismo ang nagko-congratulate sa akin. Lahat ng ginawa kong project simula nu’ng naging kami sobrang supportive n’ya.

Napapaisip na nga daw s’ya minsan kung hindi manlang ba talaga ito nakakaramdam ng selos lalo na kung meron s’yang kissing scene with his equally beautiful female co-stars. 

“Even ako nga nagda-doubt na minsan kung hindi ba talaga s’ya nagseselos [sa mga leading ladies],” pag-amin ng Kapuso hunk. 

Minsan tinatanong ko talaga s’ya: ‘Okey lang ba talaga sa’yo? P’wede ko naman i-avoid. P’wede ko naman hindi pirmahan ’yong waiver ng mga kissing scene.’ Hahaha!”

Marahil ay nauunawan daw ni Barbie na bilang mga artista ay ’yon ang nature ng job nila. 

Trabaho ’yon, e. And at the same time, magandang bagay na parehas kaming artista so naiintindihan namin ’yong trabaho namin,” paliwanag pa n’ya.

Pumapayag naman daw s’ya na magkaroon din ito ng kissing scene with other male actors kapag nagsasabi ito sa kanya.

“Even s’ya naman tinanong n’ya ako sa vlog n’ya. Sabi niya, ‘So, it’s about time na rin ba para magpa-kiss [ako sa mga TV projects]?’ Sabi ko, ‘Ikaw… Actress ka naman, e. Best actress ka naman, e. Do what you want,’” natatawang pagre-recall pa ni Jak sa tuksuhan nilang mag-lovebirds. 

Happy rin daw ang tinaguriang Pambansang Abs na sa wakas ay nabigyan na s’ya ng isang challenging role in a heavy drama. 

Sobrang thankful ako sa GMA na binibigyan ako ng mga ganitong opportunity and kina-cast nila ako sa mga ganitong klaseng role. Sa akin talaga, gusto kong ma-prove ’yong iba’t ibang klase ng pag-arte, sa comedy, sa drama. And this one, masasabi ko na isa ito sa pinaka-proud ako na project ko,” ngiting-ngiting pahayag n’ya.

Mas maipapakita na raw kasi n’ya dito ang husay n’ya sa pag-arte at hindi puro pagkakakita lang ng abs. 

Matagal ko nang ini-aim na ma-prove ko ’yong acting [skills] ko sa drama. Kasi, most of the time, ang mga ginagampanan ko mga romcom, gag show,” aniya. 

Nagdi-Dear Uge ako, nagba-Bubble Gang ako and Pepito [Manaloto]. And ’yong last show ko rin romantic comedy din, ’yong Wagas namin ni Barbs [Barbie Forteza]. And nitong nakaraan, sa GTV naman. [’Yong] kina Julie Anne [San Jose] and David [Licauco].”

At dahil first time nga na sasabak sa heavy drama, aminado ang aktor na nakaramdam din s'ya ng takot somehow.

Nu’ng binigay sa akin [’tong project] natakot ako actually kung mapu-pull off ko ba ’yong character ko or hindi dahil ito ’yong pinaka-heavy so far na isang buong series na gagawin ko,” pag-amin ni Jak. 

Kasi before [sa] Magpakailanman two days lang [ang taping], nagagawa naman. And ’yong experience ko sa Magpakailanman ita-times ko s’ya sa 18 days na taping or ilang weeks na episode. So, grabe.

Itinuring daw niyang challenge ang bagong TV project na iyon at mahusay naman daw n’yang naitawid ito ayon sa kanilang direktor na si Paul Sta. Ana.

Nu’ng binigay sa akin sabi ko, ‘All-in o go home’ ’tong show na ’to. Pag hindi ko binigay dito [ang lahat ng makakaya ko sa acting] kailan pa? Kailan pa ako mabibigyan ng chance?” pagtatapos ni Jak. 

Makakasama ni Jak sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye sina Klea Pineda, Lauren Young, Kim Rodriguez, Max Eigenmann, Snooky Serna, Shermaine Santiago, Luke Conde, Mosang, Herlene Budol, and Phytos Ramirez. 

Mapapanood ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye simula October 18 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.