Jake Cuenca, naubos kay Kylie Verzosa; "Parang I really gave everything at wala nang natira..."

Hindi naman daw na-trauma sa pag-ibig si Jake Cuenca after ng breaup nila ni Kylie Verzosa. Pero pakiramdam daw n'ya ay hindi siya handang magmahal at this point dahil wala siyang maibibigay. "Parang I really gave everything at wala nang natiira. Kung anuman' yong natitira na pagmamahal ko ngayon, para sa pamilya ko nalang 'yon. Ganu'n talaga akong magmahal—sagad. Inuubos ko sarili ko para sa isang tao… sa kaloob-loban ko, alam ko, binigay ko lahat. I gave my best."

Photos: Rose Garcia & Anna Pingol

Hindi naman daw na-trauma sa pag-ibig si Jake Cuenca after ng breaup nila ni Kylie Verzosa. Pero pakiramdam daw n'ya ay hindi siya handang magmahal at this point dahil wala siyang maibibigay. "Parang I really gave everything at wala nang natiira. Kung anuman' yong natitira na pagmamahal ko ngayon, para sa pamilya ko nalang 'yon. Ganu'n talaga akong magmahal—sagad. Inuubos ko sarili ko para sa isang tao… sa kaloob-loban ko, alam ko, binigay ko lahat. I gave my best."

Masaya na ang aura ng aktor na si Jake Cuenca. At isa sa dahilan noon ay ang fact na marami ang naging interesado na kuhanin siya sa mga proyekto.

Isa na nga roon ang MMFF 2022 entry niyang My Father, Myself. Pinatotohanan kasi ng producer na si Len Carillo ng 3:16 Media Entertainment na si Jake lang ang tanging kinonsider nila for the role.

At hindi lang ito ang naging proyekto ni Jake habang nagpapagaling ng puso.

“For me naman, I’m flattered and I’ll be forever grateful. Actually, sa lahat ng nangyari sa pandemya, sobrang grateful ko lang na may takers. Maraming nag-o-offer ng trabaho." patotoo ni Jake.

"Sinarado nila ang network namin [ABS-CBN], masaya naman ako na hayan, may 3:16 Media, may VIU, may iba’t-ibang platforms at producers. Nakapag-teatro pa ako. Nagkaroon pa ako ng Cattleya Killer. And now I'm part of Iron Heart...For me, I’m just very grateful for that.”

Maging ang GMA-7 pala ay may offer sa kanya, at hindi niya ito ikinaila. Pero sa Kapamilya network pa rin daw siya magta-trabaho dahil may kontrata pa siya dito.

Pero dahil uso na ngayon ang mga collabs, it would be an honor daw kung makakasali siya sa anumang collab ng GMA at ABS.

“That would be perfect,” nakangiting sabi niya. “Sabi ko nga, in this day and age, ‘di ba, parang binigyan tayo ng konting freedom. Maganda naman kasi, parang nakikita na nagtutulungan na ang industriya. For me, that’s a dream, to do a collaboration between the two networks.”

Samantala, naging emosyonal si Jake during the formal Q&A noong My Father, Myself. At marami ang nagpalagay na ang dahilan pa rin nito ay ang nangyaring break-up sa kanila ni Kylie Versoza.

Pero ayon kay Jake, hindi lang naman daw ang hiwalayan nila ni Kylie ang dinala niya nitong mga nakaraang panahon.

"It's not just the heart ache, it's not just the breakup...maraming nangyari talaga. Mato-trauma ka pag pinagbabaril ka ng mga pulis. Believe me. So, yon una."

[Ang tinutukoy n'ya ay ang car-chasing incident noong October 2021 na umabot sa shooting incident na ikinadamay pa ng isang delivery driver na by-stander.]

"And s'yempre no'ng pandemya, may mga immediate family members ako who passed away because of Covid. My Lola, my Tiyo Manoling [Morato]. Alot of things, di ba?

"And then s'yempre the breakup was just another of many things. So, parang nagsabay-sabay, you know?"

Pero hindi naman daw sign ng kahinaan ang naging pag-iyak niya. Na-appreciate lang daw niya talaga nang husto ang mga papuri ng mga co-actors at ng press sa trabaho niya. In fact, mas ganado raw siya talaga ngayong magtrabaho dahil may renewed appreciation siya sa entertainment industry.

"Naiwan na ko, ilang beses na akong naiwan in my 34 years of existence pero one thing that remains constant is my career. Iba-value ko ito. Utang na loob ko sa inyo to give my best in everything I do. So, that's what I wanna do.

"Kaya hindi ako gutom na maghanap ng bagong girlfriend o magnahap ng pagmamahal. Ngayon, gusto ko lang isukli sa tao lahat ng pagmamahal na ibinibigay n'yo sa akin, ng mga naniniwala sa akin at sa kakayahan ko."

Pero nang kamustahin siya tungkol kay Kylie, ipinagtapat niyang hindi pa sila nagkaka-usap at wala pa umano sila sa stage na masasabing magka-ibigan na ulit sila.

"Wala pa kami sa stage na nag-uusap, e,” pag-amin niya.  “Everything that I said in my post, I meant it with my heart talaga. Until now, alam n'yo yun, ‘yung post na ‘yon was really a shout from the heart. Hindi ko inedit, sinabi ko lang ng isang beses, tinype ko. So that’s how I felt about it.

“To be honest, I know a lot of months have passed, pero hindi pa rin talaga ‘ko handa to talk about it and elaborate.”

Tatlong taon din ang naging relasyon nila ni Kylie at mismong nanay raw niya, sinabi sa kanya na bigyan niya ng one year and a half ang sarili siya makapag-move on completely.

“Wala pa tayo do’n,” diretsang sambit niya.

At this point, hindi pa raw handang magmahal muli ni Jake.

"Wala pa ako sa mood," direktang saad niya. "Wala ako sa mood, sa totoo lang. Parang nadoon ako ngayon sa [state] na gusto kong bumawi sa pamilya ko. Gusto kong mag-provide, gusto kong dalin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan, gusto kong papasukin 'yong kapatid ko sa eskwelahan, gusto kong sustentuhan ang pamilya ko kung kailangan nila ng pera...parang nandoon ako, e.

"Totoo naman 'yong assesment n'yo na this is one of the hardest things na I went through in my entire life but I made it through. Nandito na ako ngayon, pine-presenta ko ang sarili ko sa inyo and mainly it's because of my family dahil talagang pinulot nila ako sa sahig."

Wala naman daw siyang pagkukulang sa pamilya. Mas na-appreciate lang niya sila dahil sa mga nangyari. At nagbigay-daan pa ang lahat para mas maging close at matibay silang unit.

But despite the hardships ang pain, lalo na sa usaping puso, wala pa rin daw syang babaguhin sa sarili.

"Wala akong babaguhin. Ganu'n talaga akong magmahal—sagad. Inuubos ko sarili ko para sa isang tao at hindi ako nagsisisi in the end.

"S'yempre, magsisi ka kasi malungkot, wala na 'yong tao. Pero sa kaloob-loban ko, alam ko, binigay ko lahat. I gave my best.

"Sa lahat ng aspeto ng buhay ko, I always give my best...as a son, as a brother, as an artist in front of you, as co-actor, as an aspiring director and writer, I will always give my best. Wala akong p'wedeng ibang i-guarantee kundi 'yong best ko."

Sakaling may kasunod, ganoong klaseng buhos na pagmamahal pa rin daw ang ibibigay niya. It's just that at this point...

"Wala akong gana."

Hindi naman daw siya na-trauma sa pag-ibig. Perp pakiramdam niya ay wala syang maibibigay sa ngayon.

"Parang I really gave everything at wala nang natiira. Kung anuman' yong natitira na pagmamahal ko ngayon, para sa pamilya ko nalang 'yon."

Six months na raw ang lumipas mula nang maghiwalay sila ni Kylie at kung meron man siyang natutunan sa painful journey na 'yon, 'yon ay ang huwag i-asa sa iba ang iyong kaligayahan.

"I learned how to be happy being alone, how to be self-sufficient...how to make yourself happy. Kasi mali na gawin kong responsibilidad ng ibang tao ang happiness ko. Kailangan sa akin manggaling 'yon, e. Even my mom says that to me na kailangan manggaling sa'yo."

Bukod sa pamilya, ang happiness n'ya ngayon ang nanggagaling sa mga bagong self-discoveries na tinatapatan naman ng tiwala ng mga tao sa industriya.

“I just feel na may na-realize akong potential ko at gusto kong i-exercise 'yun ulit. S'yempre, ang mga projects na tinatanggap ko, ‘yung hinahanap ko na mahihirap at challenging talaga.”

At sakto nga raw na dumating ang offer na My Father, Myself na dinirek ni Joel Lamangan kunsaan, isa siyang pamilyadong lalaki, pero closet gay pala.

At ito raw talaga ang mga klase ng projects na hinahanap at gusto niyang gawin ngayon.

“Kasi nga, gusto kong i-challenge ang sarili ko. Three years ako na feeling ko, napahinga. Ngayon, gusto kong mag-teatro, gusto kong gumawa ng pelikula, gusto kong mag-TV, gusto kong mag-stream, gusto kong gawin ang lahat.” 

Masuwerte lang din daw siya na sa panahon na may mga pinagdadaanan siya ay nabigyan siya ng mga projects na napag-divert-an niya ng emosyon.

“Nakakatuwa lang talaga that I was able to do this particular project, My Father, Myself, si Direk Joel really (Lamangan) allowed me to give everything, my best.”

At this point, nag-aaral din si Jake ng film directing kay Direk Irene Villamor na itinuturing niyang isa sa kanyang mentors.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jake Cuenca, more than one year nang alcohol-free: “No more na. Ayoko lang s’ya ipagmalaki o iyabang.”

Galing sa lugmok, Jake Cuenca, naging emosyonal sa mga natatanggap na papuri

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.