Jake Cuenca, tinupad na ang pangakong pagdalaw sa Grab driver na nabiktima ng stray bullet sa police chase incident na kinasangkutan niya

Nakalabas na ng Rizal Medical Center sa Pasig City si Eleazar Martinito, ang Grab driver na tinamaan ng stray bullet mula sa mga naka-sibilyang otoridad na humabol at nagpaputok ng baril sa umaarangkadang black Wrangler jeep—na napag-alamang ang aktor na si Jake Cuenca pala ang driver—sa Mandaluyong City noong Sabado ng gabi ng Oktubre 9, 2021.

Photos: @juancarloscuenca

Ayon sa mga naunang reports, pinahihinto umano ng mga naka-sibilyang at armadong otoridad ang driver ng black Wrangler jeep para sitahin sa umano’y pagkaka-sidesweep nito sa isang nakaparadang sasakyan pero imbes na huminto ay binilisan pa nito umano ang takbo, dahilan para habulin ng mga ito ang sasakyan na si Jake Cuenca pala ang driver.

May isinagawa daw kasing buy-bust operation sa area na iyon ng Mandaluyong City kung kaya’t naka-sibilyan umano ang mga pulis.

Sa interview naman ni Jake sa TV Patrol noong October 12, sinabi ng actor na inisip lamang niya ang kanyang kaligtasan kung kaya’t hindi siya huminto. Hindi naman umano siya aware na mga pulis pala ang mga pumapara sa kanya at lalong hindi siya aware na my buy-bust operations na nagaganap.

“In that moment I was thinking for my life,” bungad ng aktor sa TV Patrol. When I have armed civilians flagging down my car—with unmarked vehicles, my instinct talaga was not stop, just to go forward, to just get away from trouble.”

Wala rin umano siyang naramdamang may nabangga o nasagi pala siyang sasakyan. Wala daw visible mark sa kanyang sasakyan kung susuriin ito at kung mayroon man daw ay caused lahat iyon ng mga balang tumama sa kanyang SUV.

In the same interview, nangako si Jake na tutulungan niya ang Grab driver na tinamaan ng ligaw na bala. Pero dahil naging busy na sa lock-in taping niya ng teleseryeng Viral Scandal at sumegway pa sa lock-in shoot ng isa namang pelikula sa Batangas ay hindi na niya ito nadalaw sa hospital.

Pero finally ay natupad na ni Jake ang pangako sa Grab driver na si Mang Eleazar o Ely kahit sa bahay na lang nito siya naka-punta. Sa pagdalaw ng aktor, napag-alaman ni Jake na hindi pa rin ito nakababalik sa trabaho sanhi ng aksidenteng di sinasadyang nasalihan nito.

Base sa mga larawang posts ni Jake ngayong araw, November 7, sa kanyang Instagram account ay kausap niya si Ginoong Ely habang nakahiga ito.

“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Eleazar Martinito, ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan,” ani Jake sa IG.

“Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita.

“Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya. Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho.

“Nandito lang ako para sa’yo Ely!”

Pinusuan at ni-like nga mga kasamahan ni Jake sa industriya at maging ng mga netizens ang mga larawang posts na ito ni Jake na umabot sa 33.2k. And in fairness, halos lahat ng komentong nabasa namin ay pinasalamatan at pinuri si Jake sa ginawa niyang pagdalaw kay Ginoong Ely.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.