Jake Ejercito, na-challenge maging 24/7 na daddy kay Ellie during lockdown 

PHOTOS: @unoemilio on Instagram

PHOTOS: @unoemilio on Instagram

Nagk'wento ang aktor na si Jake Ejercito ng kanyang experiences during the lockdown kung saan nakasama n'ya ang daughter n'ya with ex-girlfriend Andi Eigenamnn na si Ellie.

Sa morning talkshow ng TV5 na Chika Besh, hosted by Pokwang, Pauleen Luna and Ria Atayde aired last September 18 and uploaded on YouTube last September 19, nag-share ang 30-year-old celebrity dad ng naging buhay n'ya kasama si Ellie for the longest time ever. Inabutan kasi ng lockdown si Ellie sa poder n'ya kaya hindi ito naka-uwi sa mommy n'yang si Andi sa loob ng ilang buwan. 

"Over the quarantine, s'yempre, it's a roller coaster of emotions," panimulang salaysay ng aktor. "'Yong first few weeks talaga stressful. Everyone's panicking. But eventually, you know, I had the time to relax, self-improve, [do some] reading. 

"I think the silver lining of it all was I get to spend a lot of time with my daughter. Mga 100 plus days kaming nagsama for the first time."

During that period, na-challenge daw si Jake dahil kailangan daw n'ya maging creative for his daughter. 

"Doon sa three months na magkasama kami talagang nakilala ko s'ya," paglalahad ni Jake sa show. "Na-face ko din ang challenges of being a father. 

"S'yempre, at her age, she's turning nine now, this year," pagpapatuloy n'ya. "Parang, at her age, 'yong mga batang ganu'n, naghahanap ng new activities every day so kailangan ko maging creative. Ako, first time ko mag-bake ng cookies because of her."

Dagdag pa ni Jake, hindi rin daw maiwasan na magkaroon sila ng pagtatalo o hindi pagkakaunawaan gaya na lamang sa pagbabawal n'ya dito na gumamit ng mobile app na TikTok.

"Pinagbawal ko s'ya before na mag-TikTok," tsika ng aktor. "Kasi being a father and having a daughter, s'yempre... Ang dami kasing makikita sa TikTok, 'di ba? So you want to be vigilant and you want her to be discerning sa mga makikita n'ya doon. 

"Pero hindi n'ya ako sinunod," dugtong n'ya. "After a while, akala ko dinelete n'ya na. After a while, nakikita ko nagpo-post pa pala s'ya. So we argued about it. Hinayaan ko na s'ya eventually but I told her to be discerning sa mga nakikita n'ya.

Tila sinulit ni Jake ang oras na magkasama sila ni Ellie para ipakilala din sa anak  'yong mga hilig and hobbies n'ya gaya ng sports. 

"I tried to keep her active and fit," paglalahad pa ng new Star Magic artist. "I taught her how to play badminton. Somehow, I tried my best na mahiligan n'ya rin 'yong mga hobbies ko and interest ko so in-introduce ko si Michael Jackson, The Beatles, Harry Potter. Then 'yong basketball until now pinipilit ko pa sa kanya."

As a father, sinabi rin ni Jake na he wants to make Ellie feel na p'wede s'ya nitong pagkatiwalaan. 

"I guess, I'm the bad cop between Andi and I," sey ni Jake. "I'm the bad cop. Aaminin ko na 'yon. But at the same time, I make it to a point to be authoritative and not authoritarian. Parang I want Ellie to trust me and not fear me. 'Yong hindi s'ya matatakot magsabi ng anything.”

Pero kung love ang pag-uusapan ay all-out naman daw si Jake bilang father sa kanyang nine-year-old daughter na ngayon ay ramdam n'yang medyo awkward pa on expressing her love language.

"Ako po kasi I'm really malambing especially when it comes to her. I mean, considering the set up we have, I don't see her every day apart from those three months, so whenever she's with me, talagang I make it to a point na to do everything for her, to spoil kumbaga to a certain extent. 

"Actually, she hates it, lahat ng expression of love ko sa kanya. Kahit pag-hug lang... Sobrang NR [No Reaction] n'ya sa akin. Every time I tell her I love her, every night, every morning...Wala. 'Night.' 'Morning.' Ganu'n ang replies n'ya.' 

"She feels awkward expressing it. Nako-conscious po. But once you hear it from her, di ba, talagang ang sarap sa feeling." 

At dahil nga matagal silang nakasama ng kanyang anak, natuklasan daw n'ya na namana nito ang pagiging impatient n'ya. 

"I guess, nitong panahong ng new normal, na-discover ko na napasa ko sa kanya 'yong pagiging impatient ko, unfortunately.

Isa nga sa na-recall ni Jake ay ang paghahanap ni Ellie ng popcorn. 

"Bumalik na s'ya kay Andi and then naghahanap s'ya ng popcorn," salaysay n'ya sa morning show. "Naghanap s'ya ng popcorn, I think, late at night. So sinabihan ko s'ya, 'Sige, I'll send over some the following day.' 

"Kasi nga, considering the new normal, nahirapan akong maghanap nu'ng brand na gusto n'ya. May certain brand s'ya. So natagalan. 

"She kept on texting me, 'Where's the popcorn? Where's the popcorn?' Hanggang... I think, dumating sa kanila, 4 PM. Doon lang s'ya tumahimik pero hindi n'ya talaga ako tinigilan," natatawang k'wento ni Jake.

Gayunman, proud daddy daw si Jake sa kanyang anak. 

"But she's a shy, kind, quiet kid. And I'm proud of her. I have been proud of her."

May new discovery din si Jake bilang father at 'yon ay ang pag-aalala dahil nga babae ang kanyang anak.

"S'yempre, lumalaki na s'ya. Hindi maiwasan for a father... Having a daughter, it's hard not to worry. 

"Kasi despite sa advancement sa women empowerment, di ba, there will always be sectors in society na, you know, will objectify women, unfortunately, and treat them differently. 

"So parang ngayon pa lang, gusto ko na i-empower si Ellie to save herself and not to feel the need to saved by anyone else," pagtatapos ni Jake.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Jake Ejercito tributes frontliners and volunteers: “‘May the rest of us take up your spirit and do our part to make your sacrifices worth it.”

LOOK: Jake Ejercito bonds with daughter Ellie in Hong Kong

Andi Eigenmann says she’s impressed with daughter Ellie’s piano skills!

Pika's Pick: Ellie Eigenmann Ejercito posts rare family photo with mom Andi, dad Jake, and sister Lilo

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.