James at Billy, todo-papuri sa "crewmate" na si Sam Concepcion

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

"He's a better singer and dancer than Chris Brown."

Ito ang seryosong sagot ni James Reid nang tanungin sya kung bakit niya hinahangaan ang kanyang good friend na si Sam Concepcion

Parehong pinaghahandaan ngayon ni James at Sam ang kanilang paparating na concert na pinamagatang The Cr3w, kung saan makakasama din nila si Billy Crawford. 

Gaganapin ang concert sa Araneta Coliseum sa April 5. 

Todo-papuri si James at Billy kay Sam, na sumikat noong 2006 matapos manalo bilang champion sa Big Division ng Little Big Stars Season 1. 

Marami na ring naging hit songs si Sam sa kanyang 13-year showbiz career.

Kaya na rin siguro naging "favorite singer of all time" siya ni James, at "top two" favorite Pinoy singers ni Billy. 

Billy’s other favorite singer is Jay-R. 

Umamin naman si Sam na nape-pressure siya sa praises na natatanggap mula sa "crewmates," pero excited daw siyang makatrabaho ang mga ito.

Say ni Sam, "mutual admiration society" daw na matatawag sa grupo nilang tatlo ni Billy at James. 

"I've looked up to Billy for a long time… and being James's friend, aside from being his friend I have so much respect for his music.”

"This guy [James], 'yong grind nya,'yong passion nya is really in his music, and he is so gifted when it comes to writing.

"I think that really is his passion and where he's gonna be really really successful and we haven't seen the best of his work yet." 

Makakasama ng tatlo ang special guests na sina Nadine Lustre, Coleen Garcia, at Yassi Pressman sa kanilang concert. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.