James, nagpakilig ng isang maswerteng fan

PHOTOS: Melo Balingit

PHOTOS: Melo Balingit

May kanya-kanyang solo segments sa The Cr3w Live In Concert na ginanap last Friday, April 5, sa Araneta Coliseum ang magto-tropang sina James Reid, Sam Concepcion at Billy Crawford

Huli ang segment ni James. 

Pagkatapos ng isang kanta ay bumwelo muna ang poging singer-songwriter-actor saka in-announce na maghahanap siya ng isang babae sa audience para kantahan niya onstage. 

Isang girl na nagngangalang Paula, na obviously ay isang avid fan ni James, ang sinundo pa ni James sa ibaba ng stage at sinamahang umakyat. Pagdating sa stage ay in-interview niya ito sandali at tinanong kung p’wede niya ba itong kantahan na ikinatili nang malakas nang iba pang tila naiinggit na fans.

Imbes na sumagot ay pinaypayan ni Paula ng mga kamay niya ang mukha niya na pabirong indication na nagha-hyperventilate na siya.

Dito sinabi ni James na mag-relax ito at wag masyadong ma-tense. Hindi pa nagkasya doon si James at pumuwesto sa likod ni Paula para masahihin ang likod nito. The crowd went wild again, habang imbes na ma-relax ay tila lalo pang hihimatayin sa saya si Paula.

Maya-maya pa ang sinimulang nang kantahin ni James ang hit single at own composition niyang “On Top,” na isa sa mga tracks ng album niyang Palm Dreams, which was released last year under Viva Records. 

Muli ay pumuwesto si James sa likod ni Paula para i-slow dance ito habang naka-hilig sa dibdib niya.

Then, hinawakan ni James ang kamay ni Paula and he led her walk behind papunta sa likuran niya.

Doon na biglang inagaw si Paula ng mga female dancers habang umuupo naman sa isang silya si James. Tila alam na ni Paula ang mangyayari—na pauupuin siya sa kandungan ni James—at kita sa rehistro ng mukha niya ang mixed emotions na tila nahihiya pero excited at consistent na kinikilig.

Nang makaupo na sa kandungan ni James ay nag-aligaga muna si Paula pero ilang saglit lang ay kumalma na ito at ninamnam ang pagkanta sa kanya ni James.

Pero bago matapos ang kanta ay biglang inihiga ni James si Paula at akmang hahalikan sabay lights out. Muling dumagundong ang Araneta sa tilian ng mga kinikilig na fans.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

IN PICTURES: Tamis-tamisang JaDine Moments sa Cr3w Concert

HIGHLIGHTS: The Cr3w presscon with James Reid, Billy Crawford, and Sam Concepcion

James at Billy, todo-papuri sa "crewmate" na si Sam Concepcion

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.