JaMill couple, balik sa pagba-vlogging; away pala ang dahilan ng pagde-delete ng channel

Sa pagbabalik-vlogging ng JaMill couple ngayong araw, September 15, umabot na kaagad sa mahigit 195K ang subscribers as of this writing ang bagong YouTube channel nila.

SCREENSHOT: Jamill on YouTube

Sa pagbabalik-vlogging ng JaMill couple ngayong araw, September 15, umabot na kaagad sa mahigit 195K ang subscribers as of this writing ang bagong YouTube channel nila.

Bumalik na sa pagba-vlogging sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, ang real-life couple na kilala bilang JaMill vloggers. At sa kauna-unahan nilang vlog, ipinaliwanag na nila ang tunay na dahilan kung bakit nila binura ang nauna nilang YouTube channel na may mahigit 12 million subscribers. 

Sa bagong video ng dalawa na ipinost sa bago rin nilang YouTube channel ngayong araw, September 15, inilahad nila na na-trigger daw si Camille dahil sa mga naging away nilang dalawa ni Jayzam in the past. 

Nag-heal na kami noon pero akala namin is ’yon na ’yon. Akala namin na pag sinabi namin na ‘Okey na tayo’ okey na. Pero hindi, e,” paliwanag ni Camille sa vlog. 

Kasi may mga bagay na, kunwari, may marinig ka lang na word na makakapag-trigger sa ’yo, dire-diretso na s’ya. Hindi pala s’ya joke na sinasabi na ‘Ang drama-drama mo.’ Hindi. Hindi s’ya ganu’n. 

Kapag nandu’n ka na sa point na may isang word ka lang na narinig dire-diretso na ’yon,” dagdag pa n’ya. “Galit ka na sa loob ng isang araw. Ang sakit na ng puso mo sa isang araw. Hanggang napunta na sa channel. Na-delete na ’yong channel.”

Salo ni Jayzam sa sinabi ni Camille: “Kasi umabot na sa puntong, ‘Nandito ka lang ba sa akin dahil may channel tayo?’ Umabot na kami sa ganu’n, mga ka-igan. 

Pagre-recall pa n’ya, “Nagka-kuwestiyunan na kami ni Camille. Sasabihin, ‘Nandito ka lang ba dahil may channel tayo? Baka mamaya kung wala ’yang channel na’yan wala ka na dito, matagal ka nang umalis sa piling ko.’”

Nag-ugat daw ang gulo na ’yon sa isang project dapat ni Camille sa isang brand kung saan kailangan n’ya daw sumailalim sa counselling.  

“Ganito kasi ’yan. Meron kasing isang brand na gustong kumuha kay Camille. Isang long-term project s’ya. Isang requirement n’ya, mga ka-igan, ’yong parang counselling,” lahad ni Jayzam sa viewers. 

“Tatanungin ka, i-interview-hin ka ng isang professional para malaman kung kaya ba ng isip mo, ng mentality mo, nu’ng mental health mo itong project na ito bago mo pasukin.”

Present daw s’ya nu’ng time na ginagawa ang “counselling” kay Camille at napaisip s’ya kung  counselling ba talaga ’yon. 

“Si Camille…nag-i-interview sila. Ako nagko-computer ako sa gilid…Naririnig ko ’yong mga tanong. ‘Counselling ba ‘to? Parang tsismisan na ’to, ah.’ Kung anu-anong tinatanong,” ani Jayzam.

Nagbigay pa s’ya ng mga sample questions na itinanong kay Camille, “‘Ano ba talagang nangyari? Bakit ba kasi ganu’n ang nangyari? Okey ka lang ba? Base sa boses mo parang hindi ka pa okey. Hindi mo ba napapansin kapag YouTuber ka, e, para kang isda na nasa aquarium na nakikita lahat ng ginagawa mo? Parang obligado ka na ipakita lahat ng meron kayo. Relasyon pa ba ang tawag d’yan? Kayo ba talaga? Ginagawa n’yo ba ’yan kasi YouTuber lang kayo?’”

Na-trigger daw si Camille dahil doon at pinagmulan ’yon ng panibago nilang away na humantong na sa pagde-delete ng channel. Ito ay upang patunayan ni Jayzam na hindi ang joint YouTube channel nila ni Camille ang dahilan kaya nananatili ito sa tabi n’ya. 

“Ako ang nag-delete ng channel kasi na-trigger ako… Nu’ng time na ’yon mahina ako,” pag-amin ni Camille sa video. “Nagsisi naman ako, guys. Nakakalungkot naman talaga na sa isang iglap bakit ko ginawa. Nadala ako.”

Sey naman ni Jayzam, “Ako, nagulat ako. Nag-flashback sa akin lahat ng pinaghirapan namin ni Camille. 

“Pero naiintindihan kita,” pag-a-address n’ya sa kasintahan. “Wala akong pakialam kung idinelete mo. Ikaw ang mahal ko. Mas mahal kita kesa sa channel na ’yon.”

Pag-amin pa ni Jayzam, nagalit din daw s’ya noong panahong na-delete na ang old YouTube channel nila pero mas matimbang daw si Camille sa kanya kesa doon. 

“Alam ko pinaghirapan namin ’yon. Ang dami naming sinacrifice doon. Galit ako nu’ng gabing ’yon. Pero nangibabaw sa isip ko na mas mahalaga sa akin si Camille kesa sa channel na ’to,” aniya. 

“Mahal ko ’tong tao na ’to talaga. Ako, nagkamali ako pero na-realize ko ’yong pagmamahal ko kay Camille,” pagtatapos ni Jayzam. 

Matatandaan na gumawa ng ingay ang biglang pagde-delete nina Camille at Jayzam ng kanilang YouTube channel last August. 

Pahayag pa ni Camille that time sa social media, “Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-piplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. 

"Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang. Thankyou.”

Kasunod nito, naging usap-usapan din ang dalawa na s’ya umanong tinutumbok ng BIR o Bureau of Internal Revenue na nag-delete ng YouTube after malamang bubuwisan na din ang mga kumikita sa pagba-vlog. 

Nag-trending din sa social media ang for sale na house and lot at sasakyan na hawig sa naipundar nina Camille at Jayzam.

Ngayong balik na sila sa pagba-vlog, umabot na kaagad sa mahigit 195K ang subscribers as of this writing ang bagong YouTube channel nila.

 

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Julia Barretto goes back to vlogging; flexes her gold play button award

Pika's Pick: Alex Gonzaga unboxes her YouTube Diamond Play Button plaque

Ivana Alawi, muling namigay ng ayuda

Pika's Pick: Ellen Adarna launches her own YouTube channel!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.