Janella Salvador at Markus Paterson, may patikim na picture ng kanilang baby?

PHOTOS: @superjanella & @markus on Instagram

PHOTOS: @superjanella & @markus on Instagram

Viral ngayon online ang bagong social media post ni Kapamilya star Janella Salvador dahil tila babasagin na n’ya ang kanyang pananahimik tungkol sa diumano’y panganganak niya sa United Kingdom.

Naging usap-usapan kasi last year na s’ya daw ay nagbuntis at nanganak at ang boyfriend n’yang si Markus Paterson ang ama.

Sa post kasi ng actress ngayong hapon, January 5, sinabi nitong “It’s time. 8 pm. Link in bio.” Kalakip nito ang isang underexposed o madilim na larawan ni Janella pero maaninag pa rin na s’ya ay may kargang sanggol. 

Matipid man ang ibinigay n’yang caption ay dinagsa iyon ng congratulatory messages mula sa kanyang celebrities friends at mga tagasuporta. 

Kabilang na nga dito ang ilang celebrity moms na sina Lara Quigaman na nagsabing, “Congratulations mama,” at Vina Morales na nag-comment ng,” Awwwww Congratulations.”

Maging ang malapit na kaibigan ng boyfriend n’yang si Markus na si Kyle Echarri ay nagpaabot din ng suporta by saying, “Love you two.”

Si Markus man ay may post din sa kanyang social media kung saan makikita ang kamay ng isang sanggol. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by markus (@markus)

Inulan din ‘yon ng congratulatory messages mula sa mga tagahanga at mga taga-showbiz. 

September last year nang umamin sina Janella at Markus sa kanilang relasyon. Nang sumunod na buwan naman umugong ang ispekulasyon na buntis nga ang The Killer Bride lead actress. 

Gayunpaman, nanatiling tikom ang bibig ng dalawa tungkol dito.

Kasalukuyang nasa United Kingdom ang celebrity couple kung saan sinasabing nagsilang ang aktres. 

Congratulations, Markus and Janella!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Janella Salvador and Markus Paterson confirm relationship via respective sweet posts

Janella Salvador tells former PA who accused her of underpayment and unfair treatment: “If you believe in your own lies and I really violated something, sue me."

Sam Concepcion says he will court Janella Salvador if given the chance 

Janella Salvador and Maja Salvador lavish one another with thanks and praises

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.