Janelle Tee, ayaw ipapanood sa family niya ang kanyang sexy movie’ng Putahe

Kung sakali man daw na dumating ang panahon na mapanood ng family n’ya ang Putahe at iba pa niyang sexy movies, hiling ni Janelle Tee na sana daw ay maunawaan ng mga ito ang pinanggagalingan n’ya kung bakit n’ya ito ginawa at iyon ay nga ay para maging ganap na aktres.   “Kasi simula lang ’to. Hindi naman ’yong intention ko ay ‘Tara! Magpa-sexy tayo. Maghubad tayo.’ Hindi naman po ’yon ang intention ko.  “Ang intention talaga natin is ibigay nang buo ang sarili ko sa proseso para doon sa gusto kong marating.”

PHOTOS: @_janelletee on Instagram

Kung sakali man daw na dumating ang panahon na mapanood ng family n’ya ang Putahe at iba pa niyang sexy movies, hiling ni Janelle Tee na sana daw ay maunawaan ng mga ito ang pinanggagalingan n’ya kung bakit n’ya ito ginawa at iyon ay nga ay para maging ganap na aktres. “Kasi simula lang ’to. Hindi naman ’yong intention ko ay ‘Tara! Magpa-sexy tayo. Maghubad tayo.’ Hindi naman po ’yon ang intention ko. “Ang intention talaga natin is ibigay nang buo ang sarili ko sa proseso para doon sa gusto kong marating.”

Hangga’t maaari ay ayaw daw ipapanood ng beauty queen-turned-actress na si Janelle Tee ang pelikula n’yang Putahe at iba pa niyang mga sexy movies sa kanyang pamilya. 

Sinabi n’ya ’yan sa pakikipag-tsikahan n’ya recently with the entertainment press sa special screening ng Putahe na kasalukuyang No. 1 movie ngayon sa Vivamax. 

Nabanggit kasi ng aktres na dumating daw sa point noon na ayaw na s’yang suportahan ng family n’ya sa pangarap dahil hindi ganap na nauunawaan ng pamilya niya ang mga desisyon niya sa buhay.

Kaya kung s’ya daw ang masusunod ay hindi n’ya ipapanood sa family n’ya ang mga pelikula niya lalo na sa kanyang nanay na very protective.

Ayoko po,” natatawang tugon ng aktres. “Ayoko po sana na mapanood nila kasi nga…aside sa pelikulang ito, kahit nu’ng sa Miss Earth [stint] ko medyo kontra ang nanay ko. Kasi protective nanay po s’ya. Alam n’yo ’yong sini-save n’ya ako sa mga heartbreaks?”

Kung sa pageant pa lang daw ay hindi na sang-ayon ang pamilya niya, baka daw lalong ma-culture shock ang mga ito, who are all true-blue probinsyanos, kapag napanood ang mga daring niyang eksena.

Hindi lang naman sa pagpapa-sexy. Again, sa Miss Earth pinagba-back out n’ya ako dati,” pagre-recall ni Janelle. “Kasi hindi naman siguradong mananalo ka du’n, e. Wala namang ipinangako sa aking korona nu’ng sumali ako.

Pero mas nanaig daw ang kagustuhan n’yang tuparin ang mga pangarap n’ya sa buhay, at ang pagtawid n’ya mula sa pageant to showbiz. 

Talagang sumali ako [sa pageant] with the intention na wala akong pagsisisihan sa buhay ko,” aniya. “And eto s’ya [ang Putahe movie], ginawa ko na rin kasi gusto ko nang maging full blown at seryoso na ako sa pagiging aktres.

Kasi kailan pa ba?” she muses. “Lagi ba akong matatakot? At palagpas na tayo sa kalendaryo. Palagi ba tayong matatakot? Kumbaga, I’m doing this because I really want to be the best actress that I can be.”

Pagtatapat pa n’ya, hindi daw n’ya ipinagtapat sa pamilya n’ya na mga sexy movies ang ginagawa n’ya. 

Hindi ko po s’ya ipinaalam. Kahit naman nu’ng pagsali ko before [sa beauty pageant]. I just told them that I’m doing films. Ayoko na po idetalye kung pinaggagagawa namin doon,” natatawang pag-amin ni Janelle.

Pero kung sakali naman daw na dumating ang panahon na mapanood ng family n’ya ang Putahe at iba pa niyang sexy movies, sana daw ay maunawaan nila ang pinanggagalingan n’ya kung bakit n’ya ito ginawa at iyon ay nga ay para maging ganap na aktres. 

“I hope someday they will understand and they will also see the vision that I am seeing sa career ko,” ani Janelle. 

Kasi simula lang ’to. Hindi naman ’yong intention ko ay ‘Tara! Magpa-sexy tayo. Maghubad tayo.’ Hindi naman po ’yon ang intention ko. 

Ang intention talaga natin is ibigay nang buo ang sarili ko sa proseso para doon sa gusto kong marating,” pagtatapos n’ya. 

Available na for streaming sa Vivamax ang Putahe, kung saan kasama ni Janelle sina Ronnie Lazaro, Mon Confiado, Hershie de Leon, Chad Solano, Nathan Cajucom, Massimo Scofield, at ang “leading lady” niya na si Ayanna Misola.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Isdang props ni Ayanna Misola sa isang sexy scene, nakawala! “Buti nalang no’ng nakawala siya, nakaraos na ’ko!”

Ayanna Misola, naninibago daw pag walang sexy scenes: “Kapag wala masyadong sexy [scenes] parang mas nahihirapan ako kasi mas nasanay na ako na palaging merong ganu’n.”

Mon Confiado sa pagiging single for 11 years now: “Tinanggap ko na matandang binata na ako.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.