Janelle Tee, tinanggihan ang unang alok na lesbian role noon pero tumodo naman ngayon sa pamamapak kay Ayanna Misola sa Putahe

Aminado si Janelle Tee na hindi niya kayang ipapanood sa pamilya niya sa probinsya ang mga ginagawa niyang sexy movies kagaya ng Putahe dahil alam niyang maku-culture shock ang mga ito. “Kinausap ko na sila na I’m doing sexy films pero hindi ko na po ide-detalye kung anuman ’yung pinag-usapan namin. “I hope someday they will understand and they will see also the vision that I’m seeing sa career ko kasi simula lang ’to. Hindi naman ito ang intention ko. Ang gusto ko ay ibigay nang buo ang sarili ko sa proseso tungo sa gusto kong marating.”

Photos: Vivamax / Melo Balingit

Aminado si Janelle Tee na hindi niya kayang ipapanood sa pamilya niya sa probinsya ang mga ginagawa niyang sexy movies kagaya ng Putahe dahil alam niyang maku-culture shock ang mga ito. “Kinausap ko na sila na I’m doing sexy films pero hindi ko na po ide-detalye kung anuman ’yung pinag-usapan namin. “I hope someday they will understand and they will see also the vision that I’m seeing sa career ko kasi simula lang ’to. Hindi naman ito ang intention ko. Ang gusto ko ay ibigay nang buo ang sarili ko sa proseso tungo sa gusto kong marating.”

Gaya ng mga beauty queens na sina Kylie Verzosa, Ariella Arida, at Cindy Miranda na pawang matatapang na nagpapa-sexy na sa mga pelikula, tinahak na rin ni Miss Earth Philippines 2019 na si Janelle Tee ang same path ng pagpapaka-daring.

Bukod kasi sa pagkakaroon ng beauty queen title, pangarap din talaga ng Davaoeña beauty na maging artista.

Pero dahil erotic genre ang inabutan niyang trend sa pagpasok niya sa showbiz kaya’t nag-ipon muna daw siya ng sapat na lakas ng loob bago tuluyang pinasok ang nasabing mundo.

To psyché herself, nanood daw muna siya ng mga pelikula ng mga gaya nina Sharon Stone, Kate Winslet, at Angelina Jolie na pawang nagsimula rin sa pa-sexy para raw maintindihan niyang mabuti kung ano ang papasukin niya sa larangan ng pag-arte.

Lesbian role daw ang unang inalok sa kanya pero tinanggihan niya.

“Honestly may hindi ako tinanggap na proyekto na very similar to this role,” ang tinutukoy niya ay ang gender fluid role niya sa bago at ikalawang pelikula niyang Putahe.

“Kaya sabi ko kay Boss Vic [del Rosario of Viva], ‘I don’t wanna do something na hindi rin buo ang loob ko.’

“Hindi naman ako nagsisi nu’ng tanggihan ko... I think I’m meant to be in this project, Putahe, kasi hindi pa ako handa noon.”

Una siyang napanood sa Kinsenas, Katapusan ni Direk GB Sampedro bilang mistress ni Joko Diaz. Bagama’t may sexy scenes siya doon ay kay Ayanna Misola nakatutok ang istorya.

And for her second movie, napapayag na siya sa role na may girl-to-girl sexy scenes. Pero base sa panayam namin kay sa kanya pagkatapos ng private screening ng Putahe, aminado ang beauty queen-turned-actress na nahirapan siya sa karakter niya bilang gender fluid na p’wede sa babae at lalaki.

“Sobrang layo [sa pagkatao ko] ’yung challenge na ’yun pero tinanggap ko kasi gusto ko na talagang maging aktres and I’m working toward that goal na wala ako rito para lang...to be just a sexy actress, but I’m here working towards my goal to become a best actress someday,” katwiran ng dalaga.

Naniniwala siya na kailangan niyang pagdaanan ang mga ganitong karanasan para mas mahasa siya sa pinasok niyang larangan.

Kailangan kong matutunan ang mga proseso and of course kailangan kong aralin lagi, kailangan kong isabuhay lahat ng characters na ibinibigay sa akin mapa-sexy, action, o lahat ng genre.

“Ito na ’yung simula na gusto kong mapakita na si Janelle Tee po ay tapos nang maging beauty queen at isa na po akong ganap na aktres.”

Ayaw nang banggitin pa ni Janelle kung anong pelikula ang tinaggihan niya pero ayon sa kanya, mas matitindi ang mga sexy scenes niya doon kaysa rito sa Putahe.

Biro namin, mas may titindi pa pala sa ginawa niya sa Putahe gayong gulat na gulat na kaming lahat na mga nakapanood sa lakas ng loob niya. 

“Dito kasi parang naging balanced naman [mga eksena] at may limitation naman ako rito. Usapan namin ni Direk (Roman Perez, Jr.). Pero bago namin ito i-shoot, alam ko na ’yung character o ’yung role ko, pero may mga ginawa kaming improvised na wala sa script, depende sa location minsan nagbabago. 

“Tulad nga ng sabi ni Sir Ronnie [Lazaro sa presscon] na dapat meron kaming love scene pero hind na natuloy kasi we both feel na pagmamahal ’yung sa amin, hindi dapat lust. 

“’Yun ’yung gusto ko kay Direk Roman na kung hindi naman kailangan, nakita n’yo naman ’yung love scenes ko hindi naman lahat hubad...na nagustuhan ko kasi naalagaan at napo-protektahan po ako at na-guide nang sobra ni Direk Roman dahil alam niya rin na sobrang kabado ako.”

Samantala, muntik na naming napa-iyak si Janelle sa tanong namin kung ipapa-panood ba niya sa mga magulang niya ang Putahe? Aminado kasi siya sa mga naunang media conferences niya na hindi siya suportado ng mga magulang niya sa kanyang desisyon na magpa-sexy. Lalo na ang mama niya na mas protective umano.

In fact, hindi nga raw sila masyadong nag-uusap dahil maski ang pagsali niya sa mga beauty contests ay kinikontra nito noon.

Naiintindihan naman daw niya ang POV na kanyang ina na ayaw nitong masaktan siya o makaranas ng pagkabigo. Pero sa ganang kanya naman, kailangan niyang maranasan ang mga ito at hindi p’wedeng parati siyang sheltered.

She wanted to explore and grow on her own.

“Very protective mom siya,” paliwanag ni Janelle na may halong pang-unawa sa ina. “Ayaw niyang makaramdam ako ng pain. So might as well, ayaw niya akong pasalihin sa anumang contest, pati nga sa Miss Earth hindi niya alam na sumali ako. Lalo na ngayon sa showbiz.”

Kaya hindi pa niya umano kayang ipa-panood dito ang mga pelikula niya sa ngayon.

“So, ayaw ko pong mapanood nila ito,” pag-amin niya. “Ginawa ko ito kasi nga gusto kong maging seryosong aktres kasi kailan ko pa ba gagawin?  Lagi ba akong matatakot? At palagpas na tayo sa kalendaryo, so, I’m doing this because I wanna be the best actress that I can be.”

But how sure is she na hindi mapapanood ng pamilya niya ang mga pelikula niya, ang Putahe especially?

“Hahaha! Kinausap ko na sila na I’m doing sexy films pero hindi ko na po ide-detalye kung anuman ’yung pinag-usapan namin.

“I hope someday they will understand and they will see also the vision that I’m seeing sa career ko kasi simula lang ’to. Hindi naman ito ang intention ko.  Ang gusto ko ay ibigay nang buo ang sarili ko sa proseso tungo sa gusto kong marating.”

Kung ang nanay daw niya ang masusunod, mas gusto nitong mag-asawa na siya at ipinagtutulakan na nga raw siya.

“Matagal na nga din po akong walang dyowa kaya ’yong nanay ko, ‘Mag-asawa ka na para may mag-aalaga sa’yo.’ Kasi nga s’yempre nasa probinsya sila and I’m living independently here.”

Pero wala doon ang isip ni Janelle lalo pa’t nakaranas na siya ng mga selosong boyfriends.

“Sa mga ex ko po nga ano sila, e, hindi sila ganoon ka-supportive sa mga ginagawa ko...wholesome pa ’yong hosting and beauty pageants...parang they just want me to be at home...paano pa ngayon [na nagpapa-sexy ako]? Gusto ko career muna and mag-establish muna ’ko.”

Biro namin, baka sa girl-to-girl siya mag-ending. Napaka-convincing niya kasi sa mga steamy scenes  nila ni Ayanna Misola sa in-screen naming Putahe. Siya kasi ang naga-assume ng male role kapag sila ni Ayanna ang magka-eksena bilang mine-mentor niya ito—as Jen—sa pag-e-explore nito ng kanyang sensual being.

“Niloloko nga ako ni Direk, e, ‘Natatakot na ko sa’yo, ah!’ Baka daw bumibigay na ’ko Grabe naman. Haha! Sabi ko nga sa presscon, kaya nga ako nag-pink today para ipa-alam na girl pa rin ako. Haha!”

Hindi daw siya na-convert ng role niya and no offense meant daw pero sure na sure daw siyang pang-mhin pa rin ang beauty niya.

Anyway, kasama rin sa Putahe sina Carlene Aguilar, Hershey de Leon, Mon Confiado, Massimo Scofield, Richard Solano, Nathan Cajucom, at Ronnie Lazaro sa Putahe na kasalukuyang nang streaming sa Vivamax.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.