Inamin ng aktres na si Janine Gutierrez na ginusto niyang magkabalikan ang kanyang mga magulang na kapwa mga artista ding sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.
Sa YouTube vlog entry kasi ng Kapuso actress na ini-upload last Sunday, June 7—kung saan kasama niya ang kanyang tatlong nakababatang kapatid na sina Jessica, Diego at Maxine—ay inamin ng Dragon Lady lead star na hoping siya noon na magkabalikan ang kanilang mga magulang.
Sa naturang YouTube vlog, kumasa ang apat sa "Sibling Tag Challenge" kung saan kailangan spray-an ng tubig sa mukha ang kung sino man tinutukoy sa bubuoing tanong na "Who is most likely to....?”
Si Diego, na pinapasok na rin sa mundo ng showbiz, ang nakatanggap ng pinaka maraming spray sa mga tanong kung sino ang pinakamatakaw, pinaka-bully, at takot sa gagamba.
Ang bunso namang si Max ang ibinuking na mahilig mag-midnight snack pero pinakamarunong pagdating sa household chores na pagluluto at paglilinis.
Mahilig naman sa panonood ng Netflix at pagta-travel si Jessica. Pero naranasan na rin daw n'ya ang maiwan ng eroplano, at maisakay sa pushcart dahil sa sobrang kalasingan.
And si Janine daw, as per her siblings, ang pinakamalambing, pinakamagastos at pinaka-heartbreaker sa kanilang apat. Si Janine din ang lumitaw bilang “most likely to get married first.”
In the course of their kulitan and laglagan, napunta ang tanong sa: "Who still want their parents to get back together?"
Medyo natigilan ang apat pero nauna nang nag-spray si Janine sa sarili niya bilang tanda ng kanyang pag-amin na ikinatawa nilang lahat.
"No, but we're really lucky because our parents still get along," paliwanag ng Kapuso actress. "And whenever it's someone's birthday or at graduation or Christmas, New Years, they hang out together. So we're really lucky.”
Sey pa n'ya, "So thanks, Mama and Papa."
Matagal nang hiwalay ang mga magulang nila na sina Lotlot at Monching. And noong December 2018 , ikinasal nang muli si Lotlot sa kanyang Lebanese boyfriend na si Fadi El Soury.
Pero malabo mang magka-totoo pa ang wish ni Janine, nagpapasalamat siya na maganda ang civil relationship ng mga magulang nila.
Sa dulong bahagi ng vlog, na-encounter din ng magkakapatid ang tanong na "Who's likely to be a cool parent?"
At kanya-kanya silang nag-spray sa kanilang sarili.
"We all sprayed ourselves," natatawang komento ni Maxine.
"But we really have cool parents," dugtong naman ni Janine.
"My goal in life is to be the cool tita," hirit pa ni Max na tila pahaging sa kanyang Ate Janine.
Panoorin ang kabuuan ng "Sibling Tag" YouTube vlog entry ni Janine Gutierrez dito: