Janine Gutierrez, masayang napagsama ang mommy Lotlot at daddy Monching sa isang family vacation getaway

Hiling pa ni Janine Gutierrez na sana raw, ang mga anak na gaya niya na galing sa broken family, ay makalasap din ng kagaya sa kanila na paghihilom ng mga sugat at pagmu-move on completely. “[I]t'll take a while but it gets better and if you're the parents and you're worried about your kids, they'll understand one day. [A]nd they only want you to be happy.”

PHOTOS: @janinegutierrez on Instagram & GMA Network

Hiling pa ni Janine Gutierrez na sana raw, ang mga anak na gaya niya na galing sa broken family, ay makalasap din ng kagaya sa kanila na paghihilom ng mga sugat at pagmu-move on completely. “[I]t'll take a while but it gets better and if you're the parents and you're worried about your kids, they'll understand one day. [A]nd they only want you to be happy.”

Thankful ang aktres na si Janine Gutierrez na after a long time ay nakumpleto ang kanyang pamilya at nagsama-sama sa isang bakasyon. 

Ito ang masaya n’yang ibinida sa Instagram last November 26. 

“[F]irst time to be on vacation with both my parents! swipe to see my happy video of them in the same place haha,” panimula ng Kapamilya actress sa kanyang post. 

Her IG post came with a series of photos and videos ng naging family bonding nila. 

Kaya naman nagpapasalamat s’ya sa kanyang  Papa Monching Gutierrez, Mama Lotlot de Leon, maging sa Lebanese husband ng mama n’ya na si Fadi El Soury for making her dream vacation possible. 

“ANYWAY mama and papa I love you, thank you!  @mr._fady,” ani Janine. 

Hiling n’ya sa mga followers, sana daw ay pagbigyan s’ya sa appreciation post na ito dahil minsan nga lang mangyari simula nu’ng naghiwalay na ang kanyang mga magulang. Good thing at tinutupad ng mga ito ang pangako nila sa kanilang mga anak. 

“[A]ppreciation post/senti moment for one minute pagbigyan but when my parents separated they said we would still be a family and they really lived up to their promise,” lahad n’ya. 

Say pa n’ya sa mga gaya nilang galing sa mga broken family, umaasa s’ya na lilipas din ang kirot, maghihilom din ang mga sugat at magiging maayos din ang lahat para sa kanila gaya ng naging sitwasyon ng pamilya nila ngayon. 

“[A]nd if anyone is going through something like that right now, I know it's different for everyone but I hope you know it's not gonna be bad forever,” pahayag pa ng Marry Me, Marry You lead actress. 

“[I]t'll take a while but it gets better and if you're the parents and you're worried about your kids, they'll understand one day. [A]nd they only want you to be happy.”

Pahabol pa n’ya, “[A]lso, di ko na alam trip nila sa last video. [L]ove you fam!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Matatandaan na taong 2010 nang maghiwalay sina Lotlot at Monching after being a married couple since 1989. Gayun pa man, sinikap nilang maging open ang line of communication para sa kanilang mga anak.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.