Janno Gibbs, nakaka-tanggap pa rin daw ng indecent proprosals from gays; nanliliit and at the same time napa-flatter daw ang feeling niya

Ma-appeal naman talaga si Janno Gibbs kaya nga at age 50, nakakatawag-pansin pa rin siya. In fact, isa siya sa itinuturing na bampira sa showbiz na tipong ageless. Ma-alaga naman daw kasi siya sa sarili. Ang sikreto daw ay pagiging relaxed lang. At hindi man siya kasing buffed ng iba, he says he makes sure he exercises and undergoes monitored diet.

Photos: Anna Pingol

Ma-appeal naman talaga si Janno Gibbs kaya nga at age 50, nakakatawag-pansin pa rin siya. In fact, isa siya sa itinuturing na bampira sa showbiz na tipong ageless. Ma-alaga naman daw kasi siya sa sarili. Ang sikreto daw ay pagiging relaxed lang. At hindi man siya kasing buffed ng iba, he says he makes sure he exercises and undergoes monitored diet.

Bayarang superhero ang role ni Janno Gibbs sa bagong pagbibidahan niyang Mang Jose na hango sa kanta ng Parokya ni Edgar.

Ito na raw ang bagong take niya sa mga super-hero roles dahil pinamana na niya sa mga nakababata ang Pedro Penduko.

At dahil bayaran nga siya sa movie, naglaro ang imahinasyon ng mga nag-interview kay Janno during the movie’s storycon kaninang umaga sa Tomas Morato, Quezon City at tinanong ang singer-comedian kung sa anong instance o pagkakataon siya p’wedeng magpabayad in real life?

“Sa katawan ko?” sakay na biro ni Janno. “Willing naman ako kung malalaki-laki talaga ’yong [bayad]...”

Dahil sa sagot niya ay nagka-follow up question tuloy kung nakatanggap na ba siya ng mga indecent proposals. It turns out nagkaroon daw. In fact, meron pa daw to this day!

At paano niya hinandel ang sitwasyon?

“Tinanong ko muna kung magkano,” seryosong sagot ni Janno na hindi mo alam kung nagbibiro pa rin. “Willing naman ako kung malaki-laki talaga ’yong...may mga nagte-text na hindi ko alam ’yong number—s’yempre hindi girl ito, di ba?”

Maliit lang ang offer kaya hindi siya na-tempt or natigatig manlang. And so far, wala pa naman daw nag-a-attempt mag-alok sa kanyang babae.

Mixed emotions daw ang feeling niya everytime na nakaka-encounter ng ganito ka-forward na offer sa phone—nanliliit, but at the same time, napa-flatter.

“Hindi offend, e. S’yempre flattering pa nga ’yon, e, dahil [ang dating is] ‘Uy, may asim pa,” esplika ni Janno. “Nakaka....parang, nakaka-baba? 

Parang, ‘Huh? Kailangan ko ng pera?’ Parang gano’n. Pero it’s flattering. Hindi siya nakaka-offend actually.”

Ma-appeal naman talaga si Janno kaya nga at age 50, nakakatawag-pansin pa rin siya. In fact, isa siya sa itinuturing na bampira sa showbiz na tipong ageless. Ma-alaga naman daw kasi siya sa sarili.

Ang sikreto daw ay pagiging relaxed lang. At hindi man siya kasing buffed ng iba, he says he makes sure he exercises and undergoes monitored diet.

“Wag mo nang i-pressure ang sarili mo,” dagdag ni Janno. “Of course, nagda-diet ako nang konti, exercise...nagba-badminton ako at least twice a week...and for one year now, pino-provide ako ng Keto-vegetarian meals na effective daw sa kanya.”

Tulog lang daw ang laging kulang sa kanya dahil up to now ay insomniac siya. But other than that, all’s well with him.

We can’t wait for Mang Jose dahil mukang riot as it will also served as their reunion movie ni Manilyn Reynes na real/reel and perennial partner nyang noong ’80s. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.