Hindi napigilang magmura ng comedian-singer na si Janno Gibbs dahil sa walang pasintabing pambabatos ng kanyang basher sa Instagram.
Tila nag-ugat ang pakikipagsagutan ng aktor na ito sa kanyang Instagram post last September 15 kung saan nagbiro s’ya tungkol sa salitang “confidential.”
“Pag nag-withdaw ako ng 100K sa bangko at tinanong ako ni misis ‘Para saan yan?’ At sinagot ko ng ‘Confidential’ Basag ang mukha ko!” paandar ni Janno sa kanyang IG post.
Bagama’t wala s’yang binabanggit na tao sa kanyang joke maliban sa kanya umanong misis, ipinagpapalagay ng netizens na pinatatamaan n’ya dito si Vice President Sara Duterte.
Naging mainit na usapin kasi nitong mga nakaraang araw ang P500 million na budget request ng opisina ni VP Sara for 2023 na ilalaan umano bilang confidential fund.
Dahil sa post ni Janno ay sinugod s’ya ng isang nanggagalaiting basher na mukhang taga-suporta ni VP Sara.
Sa naging comment n’ya ay pinagmumura n’ya si Janno dahil sa tila pahaging ng komedyante sa bise presidente.
Narito ang laman ng screenshot photos ng kanilang sagutan na ipinost ng aktor sa Instagram last September 21:
“HOY K*PAL BUHAY KA NMAN HANEP KA SA PATAMA MO KAY VP SARAH… HINDI KAMI B*BO PARA DI ITO MA-NOTICE.. BAKIT SA SOBRANG PANISAN MO NA KAILANGAN MO NANG PR OR PROPAGANDA PARA MAKILALA KA ULIT UL*L !!! HOY B*GOK NAGTATANONG KA PA SA CONFIDENTIAL FUNDS T*RANT*DO… FIRST OF ALL VP SARAH IS NOT CORRUPT LIKE YOU LIBERAL SH1THEAD PIGS !!!! WE TRUST HER KAYA NGA SHE HAS 32 MILLION VOTES AT YUNG IDOL…” mabahang banat ng basher kay Janno.
Agad namang nakipag-angasan dito ang aktor at sinabing, “Hoy p*kinginamo! Unang una wag kang bastos! Pangalawa, pera ng taumbayan yun. May karapatan tayo malaman saan mapupunta g*go!”
Hindi pa ito natapos doon dahil dinamay pa ng basher ang Aquino administration na matagal nang natapos noon pang 2016.
“LET ME ASK YOH THIS … BAKIT DI MO BINATIKOS SI PNOY ABN*Y AQUINO AT MARIMAS REHAS KUNG NASAAN YUNG YOLANDA FUNDS ??????????? AHH G*GO !!!! TANG *NA MO KUNG MAKABATIKOS KA AKALA MO NAPAKALINIS INYO !!!! KAYONG MGA PINK ABNORMAL AY PURO HYPOCRITE !!! KUNG AYAW MO KAY PBBM AND VP SARA THEN LUMAYAS KA PINASS PARA MABAWASAN NG MGA PINK ABNORMAL SA PINAS !!!! LIBERAL, AQUINOS, AT OLIGARKO ANG MGA TUNAY NA SALOT AT DEMONYO SA PINAS !!!” mahabang hanash uli ng basher.
Game pa rin itong sinagot ni Janno: “Dahil wala pang ig noon, ul*l!”
Ikinaaliw naman ng kanyang mga tagasuporta ang pakikipag-bardagulang ito ni Janno sa pangahas niyang basher.
YOU MAY ALSO LIKE:
Janno Gibbs, wala daw pakialam kahit may “bumakat” sa kanyang Mang Jose superhero costume
Buong pamilya at mga BFFs ni Janno Gibbs, suportado ang special screening ng Mang Jose
THIS IS SHOWBIZ #52—Janno Gibbs, inaming dalawang beses siyang muntik iwanan na ni Bing Loyzaga
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber