Janno Gibbs, naparatangan ng netizen na “kapit” kay VP Leni Robredo as his presidential bet para maibalik umano ang ABS-CBN; sagot ni Janno: “Banned ako sa ABS! Di mo ba alam?”

Simula October 2021, after mag-file ng mga certificate of candidacy ang mga nagnanais tumakbo sa iba’t ibang government positions ay pai-isa-isang naglalabas si Janno Gibbs ng kanyang mga maituturing na political satire video shorts sa kanyang sariling YouTube channel, ang Janno Gibbs TV, using the character President Gibbs. Ang mga naunang videos ay talagang patawa lang ang pakay pero sa mga latter uploads, tila may konting pitik na rin ang kanyang content na tipong tamaan ay wag magalit style.

Photos: @jannolategibbs

Simula October 2021, after mag-file ng mga certificate of candidacy ang mga nagnanais tumakbo sa iba’t ibang government positions ay pai-isa-isang naglalabas si Janno Gibbs ng kanyang mga maituturing na political satire video shorts sa kanyang sariling YouTube channel, ang Janno Gibbs TV, using the character President Gibbs. Ang mga naunang videos ay talagang patawa lang ang pakay pero sa mga latter uploads, tila may konting pitik na rin ang kanyang content na tipong tamaan ay wag magalit style.

Simula October 2021, after mag-file ng mga certificate of candidacy ang mga nagnanais tumakbo sa iba’t ibang government positions ay pai-isa-isang naglalabas si Janno Gibbs ng kanyang mga maituturing na political satire video shorts sa kanyang sariling YouTube channel, ang Janno Gibbs TV, using the character President Gibbs.

Ang mga naunang videos ay talagang patawa lang ang pakay pero sa mga latter uploads, tila may konting pitik na rin ang kanyang content na tipong tamaan ay wag magalit style.

In his President Gibbs character, isa-isang sinagot ni Janno ang mga isyung ibinabato sa kanya gaya ng pagiging no-show sa mga debate, ang pagpa-flaunt ng mga umano’y pekeng academic achievements, kawalan ng drone shots sa mga campaign rallies niya, at iba pa.

Nakasama pa niya ang ilan sa mga kaibigan gaya nina Leo Martinez, Pepe Herrera, Rose van Ginkel, at Dennis Padilla, sa ilang sa kanyang mga palabas, na ang pinaka-latest ay uploaded lamang 13 days ago.

Kung iisipin ay tila prelude lamang niya ang kanyang mga YouTube contents sa kanyang sa pag-a-anunsyo ng kung sinong presidentiable ang tunay na laman ng kanyang puso.

Kahapon, April 12, naglabas si Janno ng pink artcard na nandoon ang kanyang larawan katabi ang kanyang statement na: “Sa Gobyernong Tapat, Angat Buhay lahat.  Sa Gobyernong Huwad, lahat tayo Tuwad.”

Ang artcard ay katulad ng ginamit ng iba pang celebrities na naghayag ng pagsuporta sa presidential bet na si VP Leni Robredo dahil nandoon ang pink rose logo at ang pangalan ng VP at ang numerong 10 (official number nito sa balota).

Malinaw na si VP Leni ang kanyang napisil na kandidato.

Ikinatuwa ng anak nila ni Bing Loyzaga na si Alyssa Gibbs ang post niyang ito at napa-comment pa ng: “Yayyyyy,” kasunod ang mga pink heart symbols.

Pinasalamatan din si Janno ng mga kaalyadong netizens sa kanyang pagtindig.

At dahil tila may mga naiinip sa paglalabas ni Janno ng official statement regarding his candidate, either as himself or as President Gibbs, may mga napa-comment: “Better late than never” at “Sa wakas.”

Pero kung may mga netizens na natuwa sa naging choice ni Janno, hindi mawawala na meron din hindi. May mga nang-heckle pa sa kanya sa comment section na sinasagot naman niya nang maayos.

May nagsabi rito na, “BBM tayo idol Janno,” na nireply-an niya ng: “Ok lang.”

Pero isang agaw-pansing matapang na comment ang kalaunan ay nauwi sa aliw na bantering nilang dalawa, along with other commenters na nakisabat din sa kanila.

Ani ng commenter: “Siguraduhin mo lang dahil kapag nagkataon paano naman kaming mahihirap kapit lang naman kayo dyan para maibalik ang ABS-CBN kung nagbabayad kasi sana ng buwis, hindi umabot diyan.”

Tinukso pa nito kay Janno na alam umano niyang papatulan siya ni Janno at pagkatapos ay ide-delete ang comment niya.

“Just comment lol oh papatol yarn sabay delete,” urot ng commenter.

Hindi naman dinilete ni Janno ang comment na ito sa kanya, instead, sinagot niya ng prangkahan ang IG user.

“Banned ako sa ABS! Di mo ba alam?” sagot ni Janno.

Humaba pa ang palitan nila ng comment dahil sa reply ni Janno. At sa huli ay natawa nalang ito at sinabi na: “Banned [ka] ba? Hahaha sorry-sorry di ako updated sa ganun.”

It turned out, tila may pinagdadaanan ang netizen at nailabas niya ang rant niya sa pahina ni Janno.

Samantala, ang “ban” na sinasabi ni Janno stemmed from his social media post in 2018 when he jokingly called out the management for not including him in that year’s station Christmas ID. The management did not get the joke part and despite him apologizing, hindi na siya napagkita sa anumang ABS-CBN shows.

In November 2021, he called them out again for not allowing him to guest in It’s Showtime to promote a movie.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.