Janno Gibbs: One proud daddy

(Right photo) Janno and Bing with their daughters Alyssa (third from left) and Gabs (rightmost) in Amsterdam last June.

PHOTOS: MELO BALINGIT & @jannolategibbs

(Right photo) Janno and Bing with their daughters Alyssa (third from left) and Gabs (rightmost) in Amsterdam last June.

Kung gusto mong mapangiti si Janno Gibbs, banggitin mo lang ang pangalan ng kanyang mga anak na sina Gabs at Alyssa at paniguradong matamis na ngiti ang ibabalik niya sa’yo.

 

“I’m really proud of my daughters,” bungad ni Janno sa pikapika nang saglit namin siyang makatsikahan sa boardroom ng Viva Films matapos ng kanyang contact signing kahapon, October 18.

        

Pumirma si Janno ng five-year managerial contract sa Viva Entertainment pero kasama sa mga pag-uusapan nila ng Viva ay ang pagbabalik-pelikula niya.

 

Anyway, ayon kay Janno, bagama’t may koneksyon pa rin naman sa showbiz ang tinatak na mundo ng mga anak niyang sina Gabs at Alyssa—na kapwa nasa beauty and fashion industry—ay maituturing niyang “ibang-iba” ang mga naging diskarte ng mga anak niya sa buhay.

 

Ang bunso niyang si Gabs, na nag-aral ng makeup artistry sa Australia, ay isa ng matagumpay na makeup artist ngayon at kasalukuyang may collaboration with Sunnies Face, ang makeup line ng successful Sunnies Studios nina Georgina Wilson na nagsimula bilang eye-wear brand.

 

Ang panganay na si Alyssa naman, na isang printmaker at graphic designer, ay may sarili ng clothing line— ang Neon Island—specializing in beach wears na nagka-tie up pa kamakailan with the international slip-on brand na Havaianas.

 

Bukod pa roon, ang magkapatid ay mga sikat na influencers din at brand endorsers sa social media. And their Vlog—The Gibbs Guide (to all things fashion and beauty)—on YouTube currently has 11K subscribers.

 

Ayon kay Janno, who’s one of the few male stars who can actually do his own makeup for films and TV appearances, name-merge daw nila ng mga anak niya ang mga mundo nila by asking one another’s opinions and advises.

 

As for acting, malamang daw na talagang hindi nila naimpluwensyahan ng asawa niyang si Bing Loyzaga ang mga bata. “Ayaw talaga nila. They sing. And maybe they can try hosting. Pero acting, ayaw talaga nila.”

 

Here’s Janno for more tsika:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.