Janno Gibbs, pinagtulungan nina Manilyn Reynes at Bing Loyzaga?

Bilib na bilib si janno Giibs sa pagkakagawa ng superhero costume niya sa Mang Jose.  “It’s great to be back in a superhero role after Pedro Penduko… This is my new Pedro Penduko - Mang Jose. Ang ganda nu’ng costume. Na-highlight ng movie ’yong costume talaga. It’s a scene stealer.”

PHOTOS: Viva

Bilib na bilib si janno Giibs sa pagkakagawa ng superhero costume niya sa Mang Jose. “It’s great to be back in a superhero role after Pedro Penduko… This is my new Pedro Penduko - Mang Jose. Ang ganda nu’ng costume. Na-highlight ng movie ’yong costume talaga. It’s a scene stealer.”

Christmas offering ng Vivamax ang superhero movie ni Janno Gibbs na Mang Jose. At bukod sa tatak-Janno’ng komedi, kaabang-abang ang mga pa-epeks nila dito.

Pero para sa mga Batang 80’s, ang kaabang-abang ay ang pagsasama—for the first time sa pelikula—ng once-upon-a-time love triangle ni Janno with former loveteam partner na si Manilyn Reynes at Bing Loyzaga na nakatuluyan niya in real life.

Pero pagbibiro ni Janno Gibbs, ang reunion movie daw nilang ito ni Mane (nickname ni Manilyn)—na kasama pa si Bing—ay first and last na daw dahil napapagkaisahan daw siya no’ng dalawa.

Ito po, first time at ito na po ang last time siguro, ha, na magsasama kami [sa isang movie],” natatawang pahayag ni Janno. “Kasi pag magkasama ’yong dalawa sa tent, si Bing at si Manilyn, puro ako ang pinag-uusapan nila at nilalait nila, e. Kawawa ako.” 

Pero pagtitiyak ng aktor, na-enjoy nila ang paggawa ng pelikula nang magkakasama. 

“We’re all good friends, kaming tatlo. Proof to that is p’wede ko silang iwanan sa isang tent nang magkasama. ’Di ko lang alam kung nag-aaway sila sa loob ng tent,” muling pagbibiro n’ya.

Happy naman daw s’ya na muli silang nagsama ni Mane sa isang pelikula dahil noong 1996 pa ang huling movie na nagawa nila, ang Ober Da Bakod 2: Da Treasure Adbentyur.

“Working with Manilyn is always a pleasure. We’ve done a lot of work on TV but sa movie sobrang tagal na naming hindi nagkakasama. So, to be with her in this movie makes it even more special,” pahayag pa ni Janno.

Masaya din s’ya na after more than 20 years nang gawin n’ya ang Pedro Penduko ay heto’t muli s’yang gaganap sa isang action-comedy and superhero movie.

Unang-una, I just want to say that action comedy I think is my forte. That’s my lane pag dating sa movies. I love doing action scenes. I’m a fan of action movies kaya kahit mahirap enjoy na enjoy ako sa mga fight scenes,” pagbibida n’ya.

“It’s great to be back in a superhero role after Pedro Penduko… This is my new Pedro Penduko - Mang Jose. Ang ganda nu’ng costume. Na-highlight ng movie ’yong costume talaga. It’s a scene stealer.” 

However, hindi n’ya ikinaila na na-challenge s’ya sa mga fight scenes dahil nga nagka-edad na.

Ang movie kasi na Mang Jose ay batay sa hit song ng Parokya ni Edgar na may kaparehong title na tungkol sa isang superhero na nagpapabayad o nagtsa-charge ng halaga sa sinumang tinutulungan n’ya. Kaya marami ditong mga nakakatawa at kaabang-abang na mga fight scenes. 

Hindi mas mahirap ang stunts pero mas mahirap lang ngayon dahil mas matanda na ako. Bata pa ako du’n sa Pedro Penduko, e,” pag-amin ni Janno. 

“But I can assure you na mga 90 percent ng action [scenes] dito, e, ako talaga [gumawa]. ’Yong double, e, mga ten percent lang.

Dagdag pa n’ya, keri pa daw ng kanyang powers na makagawa ng isang pang superhero movie. 

“Honestly, I think… Physically ha, I think I have more one action-superhero movie in me. Kaya ko pa siguro ng isa pa,” pagtatapos ni Janno.

Magkakaroon ng advanced streaming ang Mang Jose sa November 17 via Vivamax Plus para sa mga gustong mapanood agad ang pelikula; habang sa bisperas naman ng Pasko, December 24, magiging available ito for regular streaming sa Vivamax. 

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, simula noong October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

And beginning November 19, available na din ang Vivamax sa US at sa Canada.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.