Janno Gibbs, pinaiyak ni Direk Darryl Yap; Darryl, aminado sa mga kamalian niya kay Janno

Darryl Yap on Janno Gibbs: “[N]apakarami ko ring naririnig na hindi magaganda tungkol sa kanya, kesyo laging LATE, may ATTITUDE, mayabang at feeling. “[S]a loob ng ilang araw kong nakasama si Janno, ni minsan— HINDI SIYA NALATE. [H]indi nambastos ng kahit na sino, hindi nagyabang ng kung anong meron at sino sya.” 

PHOTOS: @jannolategibbs on Instagram & @YouthAndPower2016 on Facebook

Darryl Yap on Janno Gibbs: “[N]apakarami ko ring naririnig na hindi magaganda tungkol sa kanya, kesyo laging LATE, may ATTITUDE, mayabang at feeling. “[S]a loob ng ilang araw kong nakasama si Janno, ni minsan— HINDI SIYA NALATE. [H]indi nambastos ng kahit na sino, hindi nagyabang ng kung anong meron at sino sya.” 

Na-touch ang comedian-singer na si Janno Gibbs sa mga inihayag ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa mga maling panghuhusga niya sa versatile singer-actor na si Janno Gibbs.

Ipinost ni Janno sa kanyang Instagram ngayong araw, August 19, ang screenshot photos ng Facebook post ni Direk Darryl na nagpaiyak umano sa kanya. 

Tila nakahanap daw kasi s’ya ng kakampi in the form of Direk Darryl. 

“Direk #darrylyap Nakakainis ka. Pinaiyak moko sa FB post mo!” sey ng 69+1 lead actor sa kanyag IG post. 

Panimula ni Direk Darryl sa kanyang FB post patungkol kay Janno last August 18, ang laman ng post niya ay bilang isahang tugon na raw n’ya sa entertainment press na nangumusta sa naging working relationship nila ni Janno while filming the 69+1 movie. 

“[A]ndaming reporters at taga-showbiz ang nagtatanong sa akin kung kumusta ang shooting ko with Janno Gibbs, sabi ko magpopost na lang ako, and take it from there,” saad ng 34-year-old filmmaker. 

Deceiving sa simula ang post niya dahil sa pamagat nitong: “ANG HINDI KO NAGUSTUHAN KAY JANNO GIBBS.”

Sa mga may kilala na kay Darryl Yap, alam nilang catchy lang talagang gumawa ito ng titulo—mapa-pelikula man o post—pero kapag binasa mo na ang kabuuan ng akda ay kabaligtaran pala ang nilalaman.

Case in point nga ang post niya about Janno.

“[B]ago pa man magsimula ang shooting ng 69+1, inamin ko na kay Janno na hindi siya ang unang choice ko para sa role ni Apol sa pelikula,” paunang saad ng busiest Viva director. “[U]na sa lahat, ayaw ko sana kasi the script requires an UNATTRACTIVE man in the middle of Maui Anne Taylor and Rose Van Ginkel

“[H]indi naman panget si Janno,” bawi ni Direk Darryl. 

“[B]ut my VIVA bosses told me that there is something with Janno that can make magic for the film. [S]o bilang alipin ng salapi at sumasampalataya sa mga propesiya ni Boss Vic, pumayag ako.”

Pag-amin n’ya, marami daw s’yang nasagap na mga negatibong tsika tungkol kay Janno noon kaya may pag-a-atubili s’yang i-cast ito sa kanyang pelikula. 

“[N]apakarami ko ring naririnig na hindi magaganda tungkol sa kanya, kesyo laging LATE, may ATTITUDE, mayabang at feeling,” patuloy ng direktor. 

“[A]yoko sana talaga, pero naisip ko…kung hindi ko mararanasan ang makipagtrabaho sa kanya dahil lang sa pintas ng iba, anong pinaglaiba ko sa mga nambabash sa akin kahit di ako kilala.”

Agad naman daw nagbago ang perception n’ya sa aktor nang magkatrabaho na sila sa 69+1 movie. 

“[S]a loob ng ilang araw kong nakasama si Janno, ni minsan— HINDI SIYA NALATE. [H]indi nambastos ng kahit na sino, hindi nagyabang ng kung anong meron at sino sya.” 

Pagbibida pa ni Direk Darryl, ang pinaka nagustuhan n’yang characteristic ni Janno ay ang pagiging brainy nito.

“[A]ngat sa lahat ng aking napansin— MATALINO siya. [A]t yun ang pinakagusto kong katangian ng artist na pwede kong maappreciate.

“TOTOONG TAO, kaya madalas masabihan ng prangka, bastos at hindi marunong makisama…
parang ako.”

Dagdag pa n’ya: “Siya pa rin si Janno Gibbs sa Pelikulang ito, pero hindi siya ang Janno Gibbs na madalas ipinapalabas ng ilan para lang umingay ang isang pelikula.”

In the end, inamin niyang nagkamali s’ya sa maagang panghuhusga niya kay Janno. 

“Mali ako nung pinagdudahan ko kung para siya sa 69+1, Mali ako na nagdalawang-isip ako na maging artista ko siya,” lahad n’ya. 

“Mali ako. at ayaw kong nagkakamali. At yun ang Hindi ko nagustuhan, pinatunayan ng isang Janno Gibbs, na mali ako at wala nang ibang aakma sa role ni Apol kung hindi siya lang,” pagtatapos ni Direk Darryl.

 

andaming reporters at taga-showbiz ang nagtatanong sa akin kung kumusta ang shooting ko with Janno Gibbs, sabi ko...

Posted by Darryl Yap on Wednesday, August 18, 2021

Ang sexy-comedy film na 69+1 ay tungkol sa isang lesbian couple—played by Maui Taylor and Rose Van Ginkel—na gustong ma-explore ng bagong sexy adventure to spice up their seven-year relationship.  

Ang character ni Janno ang magsisilbing “plus one” na taga-spice ng relasyon ng dalawa na s’yang magiging twist ng k’wento ng pelikula. 

Mapapanood ang 69+1 simula September 3 sa Viva streaming app na Vivamax na available na din sa ngayon sa Singapore, Hongkong, Malaysia, Japan, UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, and in Europe.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Take a peek: 69+1’s initial stills

Official Statement of Janno Gibbs regarding the “Happy Time” incident

Sharon Cuneta, inihanay si Direk Darryl Yap sa mga “pinakanirerespeto” niyang direktor sa film industry

Marco Gumabao, kakasa kaya sa #LAKIreveal “hamon” ni Direk Darryl Yap?

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.