Janno Gibbs, rumesbak sa mapanglait na basher; “Sinilip ko account mo. Nakasulat sa profile ‘Be Kind’ …Ipokrita.”

Mukhang naging suki na ng bashing ang singer-comedian dahil sa pulitika. Kilala kasi s’yang supporter ni Vice President Leni Robredo na hindi pinalad na manalo sa katatapos lang na halalan.   Ganu’n pa man, in-acknowledge at tinanggap na n’ya ang resulta ng eleksyon, at nagbigay pa ng well wishes sa mga nahalal na government officials.

PHOTOS: @jannolategibbs on Instagram

Mukhang naging suki na ng bashing ang singer-comedian dahil sa pulitika. Kilala kasi s’yang supporter ni Vice President Leni Robredo na hindi pinalad na manalo sa katatapos lang na halalan. Ganu’n pa man, in-acknowledge at tinanggap na n’ya ang resulta ng eleksyon, at nagbigay pa ng well wishes sa mga nahalal na government officials.

Muling nakipagsagutan ang singer-comedian na si Janno Gibbs sa isa n’yang basher na tahasang nagsabi sa kanya na manahimik na siya. 

Isang basher kasi ang nagkomento sa Instagram post n’ya last May 28 at pinatatahimik s’ya nito sa paglalabas ng saloobin sa mga isyu na may kinalaman sa pulitika. 

Naging aktibo kasi lately ang komedyante sa pagkokomento regarding news and current affairs, ganu’n din sa pagsagot sa mga bashers n’ya. Ini-screenshot n’ya ang mga comments nila at ipino-post sa kanyang Instagram Stories. 

Isa sa mga ito ang sinagot niya kamakailan lang dahil nag-reak ito belatedly sa kanyang May 10 post, kung saan sinabi niyang “Let us [Kakampinks] grieve,” umano sa pagkatalo ng kandidato. Ani ng basher, mag-move on na umano si Janno. 

Sagot naman ni Janno dito, ito ang hindi maka-move on dahil sobrang luma na nang nirere-akan nitong post. Sila na nga umano ang nanalo, sila pa ang maraming kuda.

Ito ang belated na pinuna ng isa pang basher n’ya kagabi, May 30, sa comment section ng isang post niyang walang kahalo-halong pulitika dahil simpleng pa-pogi selfie post lamang naman iyon.

In the comment section, nilait ng basher si Janno at tinawag na laos at wala umanong work ethics.

“Dami namang sinasabi ng laos na to na wala namang work ethics na lagi namang late in sa trabaho.. Hahahahahaha ikaw ang mag shut up na, dami mo pang sinasabi, may nanalo na,” patutsada nito sa kanya. 

“Puro yan parin nasa story mo para mapag-usapan ka, laos ka na ui.. Hahahahaha.”

Hindi pinalampas iyon ni Janno at sinabihan itong ginagawa n’ya iyon para turuan ng leksyon ang mga bashers na walang pakundangan kung sumugod sa account n’ya.  

“Kaya puro yan ang lamang ng stories ko dahil sa mga katulad mo na pasok ng pasok sa luma kong post,” sagot ni Janno. 

Tanggap rin umano n’ya na laos na s’ya kaya pinapapunta na lang n’ya ang basher sa account ng mga mas sikat na artista. 

“Oo laos na ako. Dun ka magcomment sa sikat na artista. Kung ayaw mo, Ikaw ang mag Shut up,” bwelta n’ya. 

Sinalag din n’ya ang pang-aasar nito sa tungkol sa kanya diumanong kawalan ng work ethics. 

“Walang work ethics? Kaya pala 4 na pelikula ko pinalabas nung december. May 2 bagong parating,” pagmamalaki ni Janno. 

“Mas ok na walang work ethics, kesa walang Social Ethics tulad mo,” he added. 

Resbak pa n’ya dito: “Sinilip ko account mo. Nakasulat sa profile ‘Be Kind’ …Ipokrita.”

SCREENSHOT: @jannolategibbs on Instagram

Hindi naman natinag ang basher at sumagot pa sa bwelta sa kanya ni Janno.

“[K]indness to THOSE WHO DESERVES IT HAHAHAHAHA IMPOKRITO,” sagot nito.

Wala rin daw itong pakialam sa mga pelikula ng aktor.

“[A]y may Pelikula ka pala? Hindi ako updated hindi kasi ako nanunuod ng tagalog Movies lalo na kung Pelikula mo lang din naman hahahahahaha!” patuloy na pang-uurot nito.

“No one cares dahil hindi naman kikita yang Pelikula mo ng Milyones lalo na’t Laos na katulad mo ang kasama baka nga extra ka lang eh hahahahahahahaha!!”

SCREENSHOT: @jannolategibbs on Instagram

Hindi pa ito nakuntento at nilait na din ang pagiging singer ni Janno.

“Singer ka din pala no? Singer na pag kumanta eh parang labas sa ilong hahahahahahaha!!! PWEH!!!” bira nito sa kanya. 

Dagdag pa nito, “[C]heck my DM, para sa lubos na ikasasaya lalo ng araw mo.. Hahahahahahaha I’d love to see more of my comments posted on your basurang story hahahahaha

“[A]lso, mas bagay sayo kung ang username mo is jannolaosgibbs.”

SCREENSHOT: @jannolategibbs on Instagram

As of this writing ay hindi na sumagot pa sa basher n’ya si Janno.

Mukhang naging suki na ng bashing ang singer-comedian dahil sa pulitika. Kilala kasi s’yang supporter ni Vice President Leni Robredo na hindi pinalad na manalo sa katatapos lang na halalan. 

Ganu’n pa man, in-acknowledge at tinanggap na n’ya ang resulta ng eleksyon, at nagbigay pa ng well wishes sa mga nahalal na government officials. 

“Wishing the Newly Elected President and VP all the best. We may have fought on different sides but, in the end we all fought for the same thing; a better future for the country we love. I acknowledge and respect the voice of the majority. God bless the Philippines,” pahayag ni Janno sa kanyang post last May 25 kalakip ang isang screenshot photos ng proclamation coverage. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janno Gibbs, wala daw pakialam kahit may “bumakat” sa kanyang Mang Jose superhero costume

Sa pagsagot sa “pinaka” questions, Dennis Padilla, binistong siya ang may pinaka-maraming iniyakang babae, si Andrew E ang pinaka-mayaman, at si Janno Gibbs ang may pinaka-malaking “sandata”

Janno Gibbs, nagka-sexual encounter noon sa isang lesbian (hindi nga lang niya alam na lesbian pala)

Janno Gibbs, pinaiyak ni Direk Darryl Yap; Darryl, aminado sa mga kamalian niya kay Janno

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.